Unseenzoned: 59

730 27 1
                                    

Sharlene:

   Kakatapos lang din namin halos mag taping, nagpapahinga na ko pero nakita nalang na puro tadtad na ng text messages ang phone ko, galing kay Iñigo, kay sunny, miles, ricci at kay Maris

Ano namang plano nila? At nanggugulo sila ngayon? 

  “Direk”

  “Yes shar?” tanong nya at nginitian ako

  “Tapos na po ba? Baka po pwede na kong umuwi. Yung mga kaibigan ko po kasi kanina pa daw nasa labas nung condo ko, hinihintay po nila ko”

  “Oh sure sure! Tapos ka naman na.  Itetext nalang kita okay? Ingat ka”

  Tumango naman ako at sasakay na sana ng kotse pero humabol si vitto sakin at inabot ang paper bag ko

  “Uuwi kana?” tanong nya

  “Oo lolo” sambit ko, nakasanayan na kasi namin mag asaran at lolo ang tawag ko sakanya dahil mas matanda siya sakin

  “Gara!”

  “Naghihintay mga kaibigan ko e. Sige na mauna na ko”

  “Sama ako!”

  “Wag na! Wala ka namang gagawin doon” sambit ko at sinimangutan nya naman ako

  “Next time na nga lang.  Bye shar!”

“Bye Vj!” sambit ko at pinaandar na ang kotse ko.

  Ilang minutong biyahe lang nakarating na agad ako sa parking lot. Nagpark ako at lumakad na papuntang condo, pero habang naglalakad ako nararamdaman kong may sumusunod sakin

  Wth. Ayoko ng ganto,
Sinara ko ang kamao ko at nagpatuloy sa paglalakad pero nandilim nalang ang paligid ko ng biglang may naglagay ng piring sakin at tsaka ako hinawakan sa dalawang kamay

  “AAAHHHH!!!”

“pwede wag ka--ssh!” sambit nya,  familiar yung boses.

  “HOY ANO BA!! PWEDE BA BITAWAN NYO KO!!!“

  Hindi sila nagsalita at hinayaan lang nila kong magsisigaw doon, maya maya lang ay naramdaman kong pumasok kami sa isang pinto.

  Tae! Ano ba!!! Hindi ko magalaw ang kamay ko. Shocks.

  “Kapag di nyo ko binitawan, lagot kayo!”

  “Ka--Ehem.  Kanino naman?” tanong ng isang lalaki

  Kanino nga ba?

  “Kahit kanino!!”

  “May tanong lang kami at kapag nasagot mo yun,  papakawalan ka namin” sambit nya

Napakunot naman ang noo ko. Kelan pa nagkaroon ng kidnapping na ganto? Magtatanong lang at sasagot tapos papakawalan na?

  “Anong pangalan mo?”

  “Bakit ko naman sasabihin?!”

  “Sasagot ka lang naman e!”

  Di na ko mapakali. Alam ko yung boses na yun,

  “K-kisses!“ sambit ko, di ko alam bat iyon ang nasabi ko.  Badtrip.

  “Kisses ka na pala ngayon ha.  Next!!! Last question!!!”

  “G-Game”

“Sinong love mo?” boses naman ng babae

  Love ko? Sino? Si God.

  “Si God ”

“Bukod don”

  “Si-- ano ba. Anong klase kidnap to! Bakit may tanong?!“

  “Sumagot ka nalang kase! ”

  Sino bang love ko?

Si D-Donny?

  “Fine. Si Donny. ” mahinang sabi ko

  “Huh?!”

  “Bingi ka ba?” galit na sabi ko

  ”Ulitin mo!”

  “SI DONNY NGA!!!  SI DONNY SI DONNY! SI DONATO ANTONIO PANGILINAN.  ANO MASAYA KANA?! PWEDE MO NA KO BITIWAN?! PWEDE NABA KO PAKAWALAN?!”

   “ayieeeeee!!!!”

  Tinanggal bigla ang piring ko at nakita sila Iñigo na nakangiti pa sakin kasama sila Miles,  Ricci At Maris.

  Paano naman sila nakapasok sa condo ko? 

  “Recorded na yun Shar. Di mo na mababawi” sambit ni Iñigo

“At paano nyo naman narecord ha? Nasan?  Nasan pang record nyo at isa pa wala akong pake. Hindi rin naman malalaman ni donny tsaka wala namang mangyayari.  Masaya na siya kaya okay na guys haaa” sambit ko pero binigyan ako lang nila ako ng malawak na ngiti.  

  “Sus. ”

  Nagulat ako ng biglang nagstrum si iñigo ng gitara, at nakangiti pang nag huhumm sila Sunny.

  “Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sating dalawa”

  Napatingin ako sa likod at nagsimula ng magwala ang puso ko.

Nakita ko ang papalapit na si Donny habang may hawak na bouquet of flowers.

  "Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?"

   Nang makalapit siya sakin, itinuloy na nila Iñigo ang pag awit at wala akong madinig na iba kundi ang boses nya lang.

  "Shar.”

  “Bakit ka bumalik?”

  “Wow ayun agad tanong ha. Wala man lang sabi ng Imissyou? ” sambit nya pero tinitigan ko lang siya

  “..joke! g-gusto ko kasi bumalik e”

  “Donny uunahan na kita okay? Umuwi kana lang don sa US kung napilitan ka lang pumunta dito dahil sinabi nila tsaka isa pa.. ”

“Shar wag mo na isipin yun. Isa pa, ako mag isa ang nagpunta dito, hindi nila ko pinilit okay? Tsaka shar tama na pagiging stupid ko ayoko ng makinig sakanila. Ngayon susundin ko muna ang gusto ko” sambit nya

  “Oh tapos?”

  “Masama ba yun?” tanong nya pero pinanliitan ko lang siya ng mata, iniabot nya sakin ang bulaklak pero hindi ko tinanggap yun

  “Woah grabe kana ha! Porket artista kana --”

“Bwisit ka palagi!” sambit ko at niyakap siya ng mahigpit.

  “Papatayin mo ko no? ”

  “Gusto mo bang patayin kita?” tanong ko pero hinigpitan nya din lalo ang yakap nya

  Humiwalay naman ako sa pagkakayakap at nilingon sila Iñigo.

  “At kayo!! Paano naman kayo nakapasok sa condo ko?!”

  “Malakas si Donny e! Nanghingi kami extra key!“ ngiting ngiti pa na sabi ni ricci

   Ngumiti naman si Donny sakin.
Badtrip na ngiting yan, napapangiti din ako.  Shet ang rupok!

      ————
Next chap.  Later!! :)

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon