Unseenzoned: 38

702 29 6
                                    

Sharlene:

    "Shar.  Halika dito saglit! Magpakita ka dito!"  tawag ni sunny sakin

  Nasa bahay kami ngayon ni Iñigo e. Kasama namin sila Miles, Ricci at Maris.
Hindi ko ba alam pero napakabusy ng mga teachers ngayon.  Sunod sunod ang meeting nila dahil sa mga schedules nung estudyante na magtatake ng test sa up.

  Kausap nila si Donny. Lahat sila nakatingin sa cam at ako lang ang nasa malayo at mag isang nanonood ng tv

  "Sharlene!" tawag ni Miles

  Lumapit naman ako at tinignan ang phone nya.  Nakita ko si Donny na nakatalikod.
Ang tagal nya na ding wala dito.
  Yung bahay nya na katapat ng bahay ko siguradong madami ng alikabok dahil hindi na ito binubuksan at si Aling Maria naman mukhang busy sa ibang gawain.

  "Dons, may kakausap sayo" excited na sabi ni Ricci

  "Sino? " tanong ni dons at sumubo pa ng pagkain na kinakain nya.

  Iniharap nila sakin ang cam at napatingin naman si Donny. Walang pinagbago ang expression ng mukha nya. Aaminin ko, dati kapag nakikita nya ko abot hanggang mata ang ngiti nya pero ngayon walang Donny na ngumingiti ng ganon.

  "D-Donny" sambit ko at pinilit na ngumiti.

  "Hey shar. How are you? "

"O-Okay lang. " sambit ko.

  "So.. Ano na pinagkakaabalahan mo? "

"Ah wala naman" sambit ko

Hindi na tulad ng dati.  Hindi ko na din alam kung pano mag open ng topic. Kung dati parang normal lang ako makipag usap sakanya, ngayon siya na ang normal makipag usap sakin.

   "Dons. Sabi ni tita you need to sleep na, maaga ka pa daw bukas" biglang napalingon sa likod si donny, humarap naman si kisses sa cam at kumaway pa.

  Magkasama sila sa iisang bahay.

  "So shar.  Kailangan ko ng matulog. Ingat kayo jan."

"Sige. Ingat" sambit ko.

Inend nya na ang tawag at napatingin naman ako kela Iñigo, mga nakapalumbaba pa silang nakatingin sakin.

   "Tsk. Baka iniisip mo shar na magkasama sila sa bahay ah! Hindi pa no! Hindi pa sila kasal. Sa isang araw pa" sambit ni Iñigo na halatang pinapagaan ang atmosphere pero mas lalong bumigat.

  Sa isang araw na ang kasal nya.
  At wala akong magawa.

    "Okay lang 'yan Shar. Ano ba. " sambit ni sunny at niyakap ako, kinunutan ko naman siya ng noo at ngumiti pa ko ng pilit

  "Ano ba kayo.  Okay lang ako! Bat naman ako di magiging okay" sambit ko at lumabas nalang ng kwarto para dumiretso sa sofa sa baba.

      ———

Sunny:

  Nalulungkot ako para kay Shar. Kahit na sabihin nyang okay lang siya,  alam kong di siya okay.

Paano siya magiging okay?

  "Mahal nya si Donny" sambit ko kaya napatingin nalang silang lahat sakin

  "Halata naman" sambit naman ni Maris

  "Mahal nya nga si Donny pero bakit hinayaan nyang lumayo yung loob sakanya?" tanong naman ni Ricci

  "Kasi nandyan si Turs. Naguguluhan pa siguro si Shar nung panahon na yun" sambit ko

  "Oh anong gusto mong gawin natin? Ikakasal na si Donny sa isang araw at di natin mapipigilan yun dahil nanay na mismo ni kisses ang makakalaban natin" sambit ni Iñigo

  "Tss sino bang nagsabing pipigilin natin yun?" tanong ko

  "Hahayaan nalang natin sila na ikasal?" tanong ni miles

  "Basta" sambit ko.

  Tsk! Shar naman kasi e.
Mahal nga si donny pero di pa inaamin nakakainis.

  Tumayo naman ako at bumaba, nakita ko si shar na nakaupo sa sofa at nilingon ang tinitignan nya. Picture nila Iñigo at Donny.

Sabi na nga ba.

  "Mahal mo nga si Donny"

"S-Sunny"

"Shar.  Wag mo na ko pagtaguan ng secrets pwede ba.  Kilala na kita" sambit ko at umupo sa tabi nya.

  "H-Hindi ko kasi alam sunny. Naguguluhan pa ko. Hindi ko pa alam ang sagot"

"Shar, umamin ka nalang kasi"

"Hindi ko nga alam" bulong nya

  Napabuntong hininga naman ako at tinitigan siya.

  "Hindi mo mahal si donny?" tanong ko

  "Hindi ko alam"

"Kung di mo mahal si donny,  hayaan mo nalang siya at wag kang umarte ng ganyan. Pero kung mahal mo.. Hindi pa huli ang lahat para sabihin sakanya yun.  Malay mo pag sinabi mo yun mapigil nya ang kasal nila ni Kisses" sambit ko

  "Pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin kase kahit yung tanong na mahal ko ba siya, hindi ko masagot"

"Shar masasagot mo naman e.  Di mo lang pinapakinggan ang puso mo"

"Sunny --"

"shar.  sabihin mo kay donny yun." sambit ko at niyakap siya.

Napatango nalang siya at napangiti naman ako.

Ang tigas tigas ng puso dati pero ngayon bumabalik na ang sharlene na marunong magmahal.

  ----

Hi !!! Next chapter!

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon