Unseenzoned: 3

1.4K 48 3
                                    

Sharlene:

  Kakatapos ko lang magbilliards at naisipan ko munang umupo sa isang tabi habang nagpupunas ng pawis ko.

  Araw araw ko na ata nakasanayan na magbilliard sa school.

  "Shar tara nga dito!" napatingin ako sa tumawag at nakita sila Miles and Sunny na papunta sakin

  Makangiti naman tong mga 'to.  Wagas na wagas yung ngiti e.

  "Ano?" tanong ko.

  Humawak sila sa braso ko at nakangiti pa din ng wagas.  Takte,  mukhang alam ko na'to.

  "Shar.... Uhm ano kasi"

  "Sunny tumigil kayo ha. Di nakakatuwa kung ano man yang naiisip nyo, kung ano mang gagawin nyo" sambit ko

  "Teka pano mo naman nalaman na may gagawin kami?" tanong naman ni miles

  "Takte kada weeks ata panay kayo gumaganyan sakin e. Minsan ipapakilala nyo ko sa mga lalaking kilala nyo,  minsan naman gagamitin account ko para magchat ng iba. Tsk,  ilang beses ko ba sasabihin na ayoko nga" sambit ko.

  "Shar,  promise ko sayo.  Magiging okay 'to!" sambit pa ni sunny at sabay nila kong hinatak.

  Punyeta, kahit anong gawin ko. Mukhang di nila ko bibitawan.

  Maya maya lang ay nakarating kami sa isang bahagi ng school kung san may isang malaking parang tent.

  Kumuha ng tali si sunny at itinali yon sa kamay ko at piniringan naman ako ni Miles.

Wth!!! Ano ba to.

  "Sunshine, Camille!!!!  Ano ba to.  Pwede ba pakawalan nyo nga ako. Mukha kayong kidnapper! Nakakainis ha.  Gusto nyong makatikim ng sapak ha?" sambit ko.

Inalalayan nila ako at pinaupo,  hindi ko alam.  Taragis. Ano bang naiisip nilang gawin?!!!! -__-

  "Shar. Ginagawa namin to para sa kapakanan mo.  Look at yourself nga! Sinasayang mo ang ganda mo,  nagpapakatibo ka jan. Tignan mo porma mo! Kulang ka nalang ng mio e" sambit ni miles.

  Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan sila na magsalita.
Bwiset, di naman ako magiging ganito kung di dahil sa gagong 'yon e. Kung di dahil sa first boyfriend ko na ginago lang ako. 

  "Shar. Sa ayaw at sa gusto mo sasabak ka sa booth na to.  Goodluck! And bawal umayaw. Pero kung aayaw ka may bayad, kulang pa allowance mo" sambit ni sunny at naramdaman ko nalang ang pag alis nila.

  Ano na gagawin ko ngayon? Aalis kahit di nakakakita???!

 

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon