Unseenzoned: 30

825 32 1
                                    

Donny:

  Ano ba Donny!
Umayos ka! Nadidissapoint na si coach sayo.

Pero hindi ko alam kung pano ko iaayos yung laro ko. 

Naiisip ko parin talaga kung bat bigla bigla siyang bumalik.

  "Pangilinan,  pahinga ka muna" sigaw ni coach kaya kinuha ko agad ang tubig at naupo nalang.

Hindi ko maayos ang game. Bwisit!
Nanonood si Kirsten, wala naman ng epekto sakin e. Tss.

  Nakayuko lang ako ng biglang may tumamang kung ano sa ulo ko,  pinulot ko ang isang lukot na papel at nakitang may nakasulat don

  "Hoy pervert! Lumayas ka nga jan sa pwesto mo at puntahan mo ko dito sa gilid. Dalian mo tinatamad na ko"

  Bigla akong napatayo at naglakad papunta sa gilid ng court. Pervert na tawag,  alam kong si Sharlene 'to.

  Nakita ko naman ang nakasandal na si Shar sa pader at saka siya tumingin sakin

  "Shar"

"Anong nangyayari sayo? Bakit dinudumihan mo yung school?" tanong nya sakin

  "Shar.. "

"Dahil sa ex mo? Doon kay Kirsten"

"Paano mo nalamang ex ko si Kirsten?" tanong ko

  "Sinabi ng mga kaibigan mo" sambit nya

  Napahawak nalang ako sa batok ko at tumingin sakanya.

  "Ayusin mo yung game mo. Nanonood ako, wag mo naman dungisan yung pangalan ng school dahil sa ex mo. Kapag di mo pa inayos di na kami manonood sayo.  Feeling ko nagsasayang lang ako ng oras manood sa laro mong wala namang kwenta e" sambit nya.

Kung iba nagsabi non, siguro kanina pa lang sinapak ko na.
Pero pucha si Sharlene. Si sharlene nagsabi e.

  "Gagalingan ko na"

"Dapat lang! Dalian mo na.  Bumalik kana doon. " sambit nya

  "Shar.. Gagalingan ko na promise pero bago ako bumalik don.  Gusto ko magpakilala ulit. I'm Donny, —"

"Kilala na kita.  Ano ba paulit paulit? "

"Tsk. Mamaya na nga lang. Manood ka ha" sambit ko

  "Oo na. Ge balik na don" sambit nya kaya napangiti nalang ako at masiglang bumalik sa tabi ni coach

  "Coach maglalaro na po ulit ako" sambit ko

  "Sigurado ka ba? Mukhang maayos ayos na ang mood mo ah.  Osige mamaya ipapasok na ulit kita. " sambit nya

Napatingin naman ako sa pwesto ni Shar at nakitang nakatingin siya sakin,  agad nya ding iniwas ang tingin nya kaya napangiti nalang ako pero nawala ang ngiti sa labi ko nung kumaway sakin si Kirsten.

Bakit ka pa ba bumalik.

    "Donny pasok na! " sigaw ni coach kaya pumasok agad ako sa gitna at inagaw ang bola sa kalaban.

  Agad ko itong shinoot at nakapuntos ng tres.

Bahala na si batman! Kailangan kong humabol sa score.

  Ilang segundo nalang din ang natitira sa oras.

  "Dons!" sigaw ni karlos at ibinato sakin ang bola,  naagaw naman ito ng kalaban pero agad ko itong kinuha sakanya at ishinoot.

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon