SHARLENE
Tulad nga ng sabi ni Miles maglalakad kami ngayon. Kahit nakakatamad, kahit ayoko ng ganto.
Pagdating namin sa school yung booth agad yung napansin namin
"Lika shar, daan tayo saglit" sambit nya kaya tumango nalang ako
Sabagay mabilis kami makakapasok ng room kung dadaan kami sa harap ng booth na'to kahit madaming estudyanteng nagtatry pa.
Nagtatawanan kami ni Miles ng biglang may bumunggo sakin, napatingin ako sa lapag at nakita ang isang lalaki na nakakulay itim at nakapiring pa habang nakatali ang kamay.
Kaya ayoko ng ganto e. Mukhang tanga lang ang pumapasok sa booth nito, baka isipin ng iba na nasa labas kinikidnap ang estudyante dito. Tch! Hay nako bat kasi ganito pa ang naisip ni Sunny e!
Lumuhod ako at tinanggal ang tali at piring nung lalaki, nakapikit pa siya at mukhang di pa maidilat ang mata nya
"Umayos ka naman. Lalabas tapos may piring pa? Wag kang shunga" sambit ko at tumayo na at umalis.
Nagulat ako ng hampasin ako ni Miles
"Nakita mo ba yung itsura nung lalaking yon? Shet napakagwapo nya talaga!!! Ibang iba talaga ang mukha ng isang Donny Pangilinan!" kinikilig na sabi nya
"Donny Pangilinan? Ang nice ng name.. Pero hindi ko nakita e, hindi ko na matandaan itsura nya. Tara na, bago ka pa humarot ng humarot jan" sambit ko at pumasok na sa loob ng room
Naabutan ko naman si sunny na may isinusulat sa notebook nya,
"Sunny--"
"Ay donnypangilinan!" gulat na sambit nya
Kumunot ang noo ko at napatingin kay Miles.
Bat puro sila Donny Pang-- Ano nga ulit?
Tch nevermind. -___-"Shar.. B-Baka balak mo bumalik sa booth hehe. Malay mo" sambit ni Sunny
Nilingon ko sila at nginitian sila,
"HINDI" sambit ko at muling binalik ang focus ko sa librong binabasa ko.
"A-Ah Shar.. Pwede ka utusan?" tanong ni Miles
Napabuntong hininga ako at tumango nalang, wala din naman akong gagawin
"Saan" tanong ko
"Sa l-lumang library lang. Ano kasi, uhm. Yung book ko sa chemistry nandon.. D-Diba kailangan non" sambit nya
Kahit nagtataka ako ay sumunod nalang din ako kesa magtanong. Minsan lang mag utos si Miles. Psh.
BINABASA MO ANG
Unseenzoned by Jhiabanana
Fiksi RemajaIsang babae na matapang outside pero malungkot deep inside. - oops tapang tapangan pero sa totoo lang malungkot talaga. Sino ba namang di malulungkot kapag iniwan ng jowa diba? pero ibahin nyo siya kasi she can stand alone, wala siyang pake sa iba...