Unseenzoned: 4

1.3K 47 1
                                    

Sharlene:

  Nandito din yung lalaking to, kase sinubukan nya to para makalimot siya.
So parehas lang ng dahilan?

Siya iniwan nung Kisses tas ako iniwan ni Arturo.  Bullsht. =__=

  Napabuntong hininga nalang ako, wala din naman akong magagawa e,  kahit pilitin ko pang sabihin na magbayad na siya wala ding magagawa.

  "Napagtripan ka lang ba dito?" tanong nya

Tumango ako pero naalala kong di nga pala kami nagkakakitaan.

  "Oo" tipid na sagot ko

  "Siguro may dahilan kung bat napagtripan kang dalhin dito.  Tulad ko,  yung mga kaibigan ko pinilit lang ako dito para nga makalimutan ko yung ex ko"

  "Same reason" sambit ko

  Naramdaman kong napabuntong hininga nalang siya, mukhang ayaw nya ng tahimik na atmosphere kaya gumagawa siya ng topic.  Psh.

  "4 years ko naging girlfriend si Kirsten. Yung ex ko nga. Sa part ko ang hirap mag move on,  ang hirap mag go with the flow kase di mo alam kung san ka magsisimula.  Hahanapin mo nanaman yung sarili mo,  babalik ka nanaman sa dati na kung saan araw araw lang umiikot sa ibang bagay ang buhay mo,  walang saya puro lungkot.  Nakakatamad" kwento nya.

  Katulad nya lang din naman yung kwento ng buhay ko.  :/ nakakatamad lang alalahanin.

  "Tch.  Nagkwento na ko pero wala ka manlang sinabi? Ano ba yan.  Gumagawa na nga ko ng way para di tayo mabored parehas oh!" iritang sabi nya

  "Eh ano bang gusto mong sabihin ko?" tanong ko

  "Ishare mo din yung buhay mo. Ishare mo kung bat ka dinala dito ganon! Wag kang kj. Akala mo maganda ka" sambit nya

Kung wala lang akong tali sa kamay baka nasapak ko na ang isang 'to.

  "Wala naman akong isheshare e.  Tsaka nakakatamad lang alalahanin at isa pa nakakatamad magshare sa'yo. Pwede ba manahimik nalang tayo"

  "May tanong ako... " sambit nya.

  "Ano?"

  "No offense. Bakla ka ba? Tomboy ganon?" tanong nya.

  Naisara ko bigla ang kamao ko na nasa likod ko ngayon.

Paker.

  "Alam mo ang swerte mo, kung hindi nakatali itong kamay ko baka naisapak ko na tong kamao ko sa mukha mo" sambit ko

   "Ang weird lang kasi.  Yung salita mo,  parang ang maton e. Baka lang naman..  Babae talaga hanap mo,  tomboy ka diba"

  "Hindi ako tomboy, "

  "Talaga??? Kung di ka nga tomboy ikwento mo lovelife mo" sambit nya

  "Ano kala mo sakin bata na nagpapauto? Lul ayoko nga! Mamaya nalang pag bored na ko. Mamaya pag tulog kana" sambit ko.

 

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon