Unseenzoned: 70

616 25 0
                                    

Sharlene

    “Ano bang kulay maganda isuot?” tanong ni nash, tahimik lang kami sa byahe.  hindi ko ba alam dahil na din ata sa sinabi nyang ijowa ko siya. nu ba naman yon.

  “Hindi ko din alam e.  Ang dami kasing kulay”

  “Red nalang, para symbolizes love” sambit nya, red lang ang naintindihan ko pero yung dulo nyang sinabi hindi ko na masyadong nadinig

  “Huh? Ah red sige red nalang”

  “Tara punta na tayo sa designer ngayon kung gusto mo?” nakangiting tanong nya
Napaisip naman ako bigla,  alam kong sabay kaming magpapagawa ni donny ng damit pero baka gahulin lang sa oras tsaka baka padiretso na din sila ni Kisses doon.

  “Sige”

   Ipinark nya lang sa gilid ang kotse nya tsaka ako tinuluyang bumaba, may ilang tao ang dumaan at nagpapicture samin,

  “Dito maganda magpagawa ng mga damit e. Property to ni tita. ” sambit nya kaya napatango nalang ako at pumasok na sa loob

Ang daming magagandang gowns. Hindi ako makapili.

  “Goodmorning Sir Nash!” bati samin nung isang bakla na may nakasabit pang medida sa may balikat nya

  “Hi ate Nica! ”

  “Girlfriend mo bebe boy?”

  “Soon” nakakindat pang sabi ni nash kaya natawa nalang ako at nakipagkilala

Sinukatan nya lang ako ng ibang gowns at pinapili ng gusto kong designs.

  “Shar mas maganda 'to.  Siguro eto nalang sayo” turo ni Nash sa isang gown na nakadrawing palang sa notebook.

   Napangiti naman ako at naimagine ang sarili ko na nakasuot non.  Wow.
Ang galing nyang pumili.

    Pagkatapos naming magpasukat, sumakay na ulit kami sa kotse at inihatid nya ko sa condo, papasok na sana ko sa loob pero nakita ko ang nakatitig at nakapoker face sa gilid na si donny.

  Mabuti nalang at umalis na si Nash kaya di na sila masyadong nagkainitan pa

  “Ang tagal nyo naman” sambit nya

  “N-Nagpagawa kasi ng damit. Pumili ng designs”

“Akala ko ba sabay tayo magpapagawa ng damit? ”

  “Dons gagahulin kasi sa oras tsaka--"

“sana sinabi mo nalang na kay nash ka sasabay. edi sana di na kita dinaanan”

“Donny naman. Damit lang issue pa ba” sambit ko.

Bumuntong hininga naman siya at tinalikuran na ko at sumakay ng kotse nya.
Ayan nanaman siya sa kakaganyan nya.

  *+*+*+*+

  Magdamag ata ko nakatingin sa stars.
  Sa mataas na condo ko din nakikita ang ginagawa ng rides ngayon, malapit na din kasi siguro ang fiesta sa lugar na'to kaya nagtatayo tayo na sila ng mga perya

  Hindi ko pa din makalimutan si Donny,  ano na bang ginagawa nya ngayon?

  From: Don Donny

.

   Nagtext siya tas tuldok lang. Tsk! Hindi ko naman kasi siya maintindihan e, nakakainis lang.

   Tumunog bigla ang phone ko at nakita ang pangalan ni Donny.

  “hello. ”

  “shar.. shar shar”

  Masyadong maingay sa kabilang linya kaya di ko maintindihan kung ano ang sinasabi nya

  “shar loveyou shar”

  “Donny nasan ka?”

  “Wag. mo hanapin, doooon't paynd meh bb.  ”

  “Nasan ka ba?! Lasing ka ba??”

  “Sino lasing shar? Ako? Noooo”

  “Nasan ka?! ” tanong ko

Nag aalala na ko.  10pm na ng gabi.
Hindi na siya makakauwi.

  “Bar. ”

  “Kingina. Saang bar”

  “Wag mo na ko hanapin, doon kana kay nash.  Masaya ka doon diba shar”

  “Donato! Ano ba!”

  “bye” bulong nya tsaka namatay ang tawag.

Dali dali akong kumuha ng jacket at dumiretso sa kotse ko para tignan lahat ng bar na madadaanan ko, ilang bar pa ang dinaanan ko bago ko siya matagpuan sa isang expensive bar. Nakayuko lang siya at may hawak pang bote ng alak sa kamay nya

  “Donny”

  “Shar” bulong nya, pinunasan ko ang pawis na pawis nyang mukha.

  Niyakap nya ko agad at isinubsob ang ulo nya sa leeg ko na parang bata

  “Uwi na tayo”

  “Shar. Iloveyou”.

  “Donny please wag mo na ko pahirapan.  Tara na” sambit ko tsaka inaya na siya palabas ng bar.

Hindi naman na siya nagpapigil dahil sumama na din siya, dinala ko muna siya sa bahay at saka siya pinunasan ng bimpo.

  “Shar. Loveteam. ”

  “huh?”

  “Loveteam ko lang siya... Ikaw yung mas lamang shar. ”

  “Oo”

  “Shar please wag mo ko pagpalit kay prime. coz you d-deserve me. hindi kita sasaktan, hindi ka iiyak;" bulong nya

Napatango naman ako at pinunasan ang mukha nya

  “Sharlene. I love you, please tell me that you love me too” bulong nya
 
Lumapit naman ako sakanya tsaka siya hinalikan sa noo.

  “I love you too.. Don Donny”

  Napangiti pa siya tsaka ako hinila sa tabi nya at yakapin ako ng mahigpit

  “Iloveyou. ”

 

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon