Sharlene:
"...donny sorry" bulong ko
Tangna mahina na kung mahina pero hindi ko mapigilang umiyak ngayon
Hindi ko na nakikita ang donny na nakilala ko dati, wala na siya."Sorry di ko naman sinasadya. s-sinabi ko lang yun kase hindi ko na alam gagawin ko. Nahihirapan na ko"
"Sharlene kung nahihirapan ka nung panahon na yun, ano pa ko? Nahihirapan ako tumingin sayo sa malayo na nakikinig sa salita ni turs na alam kong anytime mahuhulog nanaman ang loob mo. Nahihirapan ako ipagsiksikan yung sarili ko sa'yo. Bumalik si Turs pero nakalimutan mo na ako, oo konting araw lang tayo nagkakilala pero sharlene isipin mo naman yung taong nandyan para sayo nung panahong di pa bumabalik yung ex mo"
"Donny. Sorry. Please" bulong ko habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko
Ang sakit sakit.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya pero inalis nya ang kamay ko at saka nilingon ako ng may galit sa mga mata nya
"Shar gusto kita ipaglaban. Gusto kong magpakalalaki at ipaglaban ka sa tatay ko at ipagpatuloy na hindi sundin ang gusto nya, shar gusto kong marinig sayo na masaya kang nakilala ako, yung may rason ba ko para maipaglaban ka sa lahat ng taong nanggugulo sa buhay ko. Shar sa lahat ng babaeng gusto ko, sayo lang ako nagkaganto, pero kahit na anong gawin ko mukhang wala lang ako sa'yo.
"Donny, please m-makinig ka muna sakin"
"Para san pa? Nakakasawa din kase. Wala akong ibang inisip dati kundi ang tulungan kang maging okay sa ex mo, yung kahit pilit na pagkakaibigan lang ibigay mo, shar ang saya saya na. Pero wala e! Bumalik lang si Turs parang wala nalang lahat. Wala! Nagising nalang ako sa katotohanan."
"Donny.. "
"Okay na 'to Shar. Okay naman na tayo e. Masaya na ko sa buhay ko at wala akong ibang gusto ngayon kundi maging masaya ka nalang din sa buhay mo" sambit nya
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng tingin nya sakin. Walang tigil sa pagpatak ang luha ko, dati hindi ako nasasaktan, pero simula nung dumating si Donny sa buhay ko bukod sa napalitan nya na si Turs sa puso ko, sakanya ko lang nafeel ang masaktan ng doble pa sa sakit na binigay ni turs sakin noon
Tumalikod siya at binuksan ang pinto
Ang sakit. Ang sakit pa din"Donny paano ako magiging masaya kung yung nagpapasaya sakin.. masaya na sa iba?" bulong ko
Napatigil siya saglit pero lumakad nalang din. Tuloy tuloy,
Napaupo nalang ako at napadukmo sa tuhod ko
'Shar tangna di mo naman deserve 'tong gantong klase ng sakit e. Wala ka namang ibang ginawa kundi magmahal..
Magmahal pero tinataboy mo naman sila kaya sa huli ikaw lang din ang nasasaktan'
——
“Shar.. Shar!!! Gising!!! "
Naidilat ko ang mata ko at nanlalambot ko lang ginalaw ang katawan ko para tumayo
“Sunny"
“Ano bang nangyari sayo?! Nakita ka nalang ni ricci na nasa sahig na!” galit na sabi nya, inilibot ko ang paningin ko at nakita silang apat.
Si Iñigo, Si Miles, Si Ricci at si sunny
Pero walang Donny.“S-Si D--”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang pumasok ang kakagaling lang sa labas na si Donny at umupo katabi ni Iñigo, busy siya sa pagpophone nya.
“Shar ano, okay kana ba? ”
“N-Nahihilo lang”
“Hindi ka naman in-injection, bakit nahimatay ka bigla? Namumutla ka pa" sambit naman ni Miles habang inaayos ang buhok na nakaharang sa buhok ko
Todo paypay din si Iñigo na nasa tabi ko.
“G-Gusto ko ng umuwi”
“Shar gabi na tsaka bukas na kayo umuwi. ” sambit ni Iñigo kaya napatango nalang din ako
Hindi pa rin mawala saakin ang naging usapan namin ni Donny,
Gusto ko nalang muna magpahinga sa lahat ng bagay na'to--
BINABASA MO ANG
Unseenzoned by Jhiabanana
Teen FictionIsang babae na matapang outside pero malungkot deep inside. - oops tapang tapangan pero sa totoo lang malungkot talaga. Sino ba namang di malulungkot kapag iniwan ng jowa diba? pero ibahin nyo siya kasi she can stand alone, wala siyang pake sa iba...