Unseenzoned: 13

916 35 0
                                    

Sharlene :

"lintek na libro.  Anong libro nga yon?  Chemistry.. Takte! Bat kasi nasa lumang library pa" naiinis na sabi ko

  Naglakad ako papuntang lagyanan ng libro sa chemistry at nakita ang isang makapal na libro at inabot yon, kukunin ko na sana pero may humatak pa na isa sa kabila

Wtf....

  "Ako nauna dito! " dinig kong sabi ng isang lalaki na alam kong hawak din ang librong hawak ko ngayon

  Pinilit kong agawin sakanya ang libro pero hindi nya yun binitawan,

Takte kay Miles to!
At iisang libro nalang ang nandito!

  "Pwede ba!!! Sakin nga sabi to e!" nagpupumilit na sabi nya

Nilalakasan nya na ang paghila nya, bumuntong hininga ako at pinilit na mahatak din ang libro.

Sa huli....

Napunit lang ang makapal na libro sa harap namin at sabay kaming natumba sa sahig.

Wtf!!!! -_____-

  "Ano ba! Napunit tuloy! Ako yung nauna kumuha diba.  Bat nang aagaw ka!" naiiritang sigaw ko

Kulob sa loob at di ko manlang makita ang itsura nung lalaking 'to.  Kakaunting liwanag lang ang nakikita ko, mula sa maliit na butas sa pader.

  "Ano hindi ka magsasalita jan?!"

  "Y-Yung boses mo.. " sambit nya

Napakunot naman ang noo ko at pinagpag ang pants ko.

  "Oh anong meron sa boses ko!"

  "Ikaw yung babae.. yung nakausap ko sa booth nung isang araw" sambit nya

Nanlaki ang mata ko at naalala ang nangyari nung unang araw na pagpasok ko sa lintek na booth na yun

  "Ah!!! So ikaw yung lalaking mayabang na napilitan lang din at gustong makamove on! Great!  Nagkausap nanaman tayo pero parang sa booth lang din.  Hindi ko maaninag ang mukha mo" sambit ko.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko

  "Sumubok ulit ako sa booth kanina e. Tinatry ko kung mahahanap pa kita.  Gusto ko pa kasi makipag usap sayo" sambit nya

  "Asa ka namang babalik ako sa corny na booth na yon at isa pa hindi ko gusto makipag usap sayo o kahit sa kanino"

  "Alam mo ang bitter bitter mo talaga siguro sa lalaki simula nung iwan ka ng ex mo.  Tignan mo nga ko kahit iniwan, di ko nagawang mang-hate ng babae" sambit nya

  "Wag mo ngang kino-compare yung pagiging babae ko sa pagiging lalaki mo. Yung lalaki madami pa silang pwedeng mahanap, anytime pwede sila magpalit kahit kelan! Kahit ilan pa yung ipalit nila.  Di nila iisipin yung taon o buwan na magkasama kayo, tas ipapalit lang nila yon sa babaeng nakilala nila ng ilang segundo lang!" sambit ko.

  "Ulitin mo nalang yung sinabi mo sa sarili mo.  Kasi ganon din ang gusto kong sabihin sayo.  Kahit babae pwedeng magloko,  pwedeng gawin lahat ng sinabi mo."

  "Katulad ng ex ko" nagulat ako ng sabay naming masabi yun.

  Nakakainis.
Parehas pa kami ng pinagdadaanan,  pero kung icocompare siya sakin.  Mas marupok siya kahit lalaki siya.

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon