Unseenzoned: 64

689 23 1
                                    

Sharlene

  Akala ko didiretso na kami ni Donny sa condo ko pero dinala nya ko sa mataas na lugar kung san kita ang city lights

  “oh bakit nandito na tayo? ” tanong ko

  Tinulungan nya naman akong bumaba ng kotse at saka siya tumingin sa buildings na may ilaw sa baba

  “Wala.  Gusto ko lang sumigaw”

  “Sumigaw? Bakit?” naguguluhang tanong ko

  “Shar gusto kong ilabas yung saya ko. Gusto kong isigaw lahat. ”

  “an---”

  “SINAGOT NA KO NI SHARLENE SAN PEDRO!!!! I'M SO LUCKYYYY. TAOB NA KAYONG LAHAT BOO. I'M DONNY PANGILINAN AT IKAKASAL AKO KAY SHARLENE SAN PEDRO!!!! MARK MY WORDS!!!! LAW OF ATTRACTION!!!” sigaw nya kaya imbis na pigilan siya ay tumawa nalang ako ng tumawa

  Ilang oras nya atang sinigaw yun, napagod na siya kaya umupo kami habang nakasandal ang ulo ko sa balikat nya

  “Shar if you're a movie. You're the best part”

  “Sus”

  “I love you”

  Natawa naman ako at naalala ang nangyari nung panahong ihahatid ko siya sa airport.  Kausap nya si Kisses nun at may sinabi siyang 'sabihin mo kay baby magpagaling'

  “So sino nga yung baby?”

  “Tsk shar naman. Yung assistant yun ng mama ni Kisses na nagbabantay sakanya, okay? Ano ka ba”

  “Kahit san sinusundan ka ng ex wife mo” sambit ko kaya kinurot nya lang ang pisngi ko

  “Tsk,  parang nakakaewan matawag na ex wife siya. Shar pinilit lang ako.  Pwede ba kalimutan na yun”

  “Pero ilaloveteam kana sakanya” sambit ko, inakbayan nya naman ako

  “Loveteam lang yun. Walang totoo”

  “Sus. ”

  “Wala ka bang tiwala sakin?” tanong nya

  “Syempre meron”

  “Shar I know sa case natin ngayon na parehas na tayong nakikita sa tv, mahirap ilabas ang relationship. Pero tandaan mo na kahit may limitations ang kilos ko sayo on cam, tandaan mo na behind the cameras i'm still your boyfriend and i'll be there to support you no matter what.  Kahit pa may loveteam ako sa tv, sa personal na bagay at buhay ikaw lang yung reyna ko. ”

  Ngumiti naman ako at pinisil din ang pisngi nya

   “can i get a hell yeah?” tanong ko kaya natawa siya

  “Hell yeah. Shar i love youuuu at di ako magsasawang sabihin sayo yun. offcam. pero kapag dumating ang araw na hindi na ko makatiis, aamin na ko sa lahat na si Sharlene Santos San Pedro ang babaeng mahal ko”

  “Puro ka kacorny-han dyan”

  “Shar seryoso ako”

  “Okay na muna tayo sa lowkey atleast walang mangengealam” sambit ko kaya tumango nalang siya

       Nagkaayaan na din kaming umuwi. Hinatid nya ko sa condo ko, as usual.

  Nagtext din siya sakin na sila na ang may shooting bukas at ako naman ang di kasama.

Ang dami na ding fans ang may gusto sa pair up nila ni Kisses, masaya na ko kahit ganun kase sa huli naman kami at kami ni Donny ang may alam ng lahat.

    ————

A/N: VJ SHARDONonMellowMyx! Tomorrow na @ 11am /replay 11pm.!! ☜☆☞

 

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon