Unseenzoned: 23

857 34 1
                                    

DONNY:

  5:48 am.

Nakaupo lang ako sa labas ng pintuan ko at hinihintay na magbukas ang pintuan ni sharlene.

  Anong oras siya papasok?
Tch masyado atang maaga donny!

  Nagvibrate bigla ang phone ko at nakita ang text ni Iñigo na sinasabing hintayin ko si shar at sumabay ako sakanya pumasok.

  Konting hintay pa....

  Napapikit nalang ako at maya maya lang ay napadilat ng may madinig na ingay,
Nakita ko na si Sharlene na palabas ng pinto at nakangiti pang lumakad

  Ang ganda naman pala kapag nakangiti e. Mukhang di na siya badtrip.

  "Hi Shar.." sambit ko at sumabay sakanya maglakad

  "Tss" bulong nya at tumuloy lang sa paglalakad

  "Nakakapagod maglakad. Sure ka maglalakad ka? "

  "Nakikita mo na ngang naglalakad ako diba?  Tsaka ano bang pake mo kung maglakad ako. At isa pa baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sakin, ayokong mabadtrip ngayon kaya umayos ka" sambit nya

Tss.  Ang sungit, ang yabang pa.

  "Alam mo di naman kasi talaga ko manggugulo e at isa pa gusto ko lang naman sabayan ka, yung about sa kahapon di ko naman kasalanan yun pwede ba kalimutan nalang natin yon, hin--"

"SML?" pambabasag nya sakin

  "So much love ba ibig sabihin nyan? " nakangiting tanong ko

  "Hindi. SML,  share mo lang?"

  Napakamot naman ako sa batok ko at sinundan lang siya

  Bigla naman siyang huminto kaya nabunggo ko siya,  agad siyang lumingon sakin at tinaasan ako ng kilay

  "Mauna ka.  Ayokong may sumusunod sakin."

"Bakit naman?" tanong ko

  "Ayoko din ng matanong" sambit nya kaya napatahimik nalang ako at nauna nalang maglakad.

  Tsk. Hindi naman to yung ineexpect ko e!
bat kasi di siya katulad ng ibang babae??

-
Pagdating namin ng school ay nagtitinginan pa ang ibang estudyante

Akala mo ngayon lang nakakita ng dalawang estudyante na magkasama

  "Donny.  hala,  "

"Sino yung girl"

"Ang akala ko di pa siya totally moved on kay kirsten"

"Omg. Sa tingin ko may bago na siya and that girl is from section c, "

  "Grabe.  Akala ko matino pa si Donny pero bakit ganyan ang napili nyang ipalit kay Kirsten. "

  Napahinto ako sa nadinig ko at pinanood nalang na makalayo si Sharlene.
Narinig ko nanaman ang pangalang Kirsten,  narinig ko nanaman ang pangalan nya.

Pero tama na,  diba.  tama na dapat.

  Napansin ko ang text ni Iñigo at nabasa na nasa canteen sila ngayon kasama sila Sunny and miles kaya dumiretso na ko doon at umupo agad,

  Hindi ko maiwasang malungkot.
Bullsht! Affected pa din ako hanggang ngayon.

  "Bat sad bebe donny namin" sambit ni Iñigo

Pero di ko nalang sila pinansin at kinuha ang minute made na nasa table at ininom yon.

  "Alam ko na bat sad ka, hmm.. Dahil kay sharlene no?" tanong naman ni ricci

  "Pero Girls.. Paano ba kasi papalambutin ang puso nung kaibigan nyong maton na si Sharlene San Pedro?" tanong ni Iñigo

Napatingin naman ako kela Sunny at Miles.
Napapalakpak pa si sunny at saka tumayo

  "Paano palambutin ang puso nya? Madali lang!" sambit nito

  "Madali?"

  "Oo Madali lang Iñigo.  para mapalambot ang puso nya,  kailangan mo munang maging si Arturo Mendoza Daza" sambit ni Sunny kaya napakunot ang noo ko

Arturo Mendoza Daza.

"Sino naman 'yun?" tanong ni Ricci

  "Ex ni Shar" tipid na sagot ni Miles

Ex pala ni shar e.
Paano ko mapapalambot puso non,  e kahit kelan di naman ako magiging si Arturo.

  "Madali lang ba yun?! E takte kahit ata sino imposibleng maging si Arturo e!" natatawang sabi ni Iñigo

  "Ayun nga.  Imposible!! Kahit ata sinong lalaki ang palapitin nyo kay Sharlene, hindi nya magugustuhan. Pero kung si Turs ang papalapitin nyo,  well alam na. Imposibleng magkagusto siya sa iba,  imposibleng bumalik siya sa dating sharlene kapag nakakilala siya ng iba. Dahil kung may isang tao na makakapagpabalik sa dating sharlene san pedro na nakilala namin,  walang iba kundi si Turs lang, Si Turs lang talaga, wala ng iba" sambit ni Sunny

  Napabuntong hininga nalang ako at napatingin naman sakin ang dalawa kong kaibigan.

Bakit ko ba kasi ginagawa 'to?
Si Sharlene gusto ko makilala,  gusto ko makasama,  gusto ko malapitan.

Pero affected pa din ako kay kirsten.
Pero kahit anong ikot ng mundo,  di din mawawala na si Arturo Daza lang ang may kakayahan na mapaamo si Sharlene.

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon