Unseenzoned: 27

818 23 0
                                    

Donny:

  Arturo.

Napatingin sakin yung lalaki bago umalis at alam kong sinundan nya si Shar,

Hindi ko alam kung kailangan ko pang sumunod. Baka magalit lang si Shar sakin, baka makaistorbo lang ako.

  Bumuntong hininga nalang ako at nainis sa sarili ko dahil kahit ano mang isipin ko, napansin ko nalang na naglalakad ako papunta sa direksyon na pinuntahan ni Shar at Arturo.

  "Shar. "

  "Ano? Ano pa kelangan mo?" tanong ni Shar

  Napasandal nalang ako sa pader at pinakinggan nalang sila.

  "Shar.. I know i'm late na para magsorry sa lahat ng bagay na nagawa ko.—"

  "Turs tama na. Pwede ba wag ka muna magpakita sakin. Wag ngayon,  wag sa susunod na araw,  taon o buwan. Ayoko ng makita ka.  Lumayo ka na sakin please" sambit ni Shar.

Sa mga salitang binibitiwan nya alam kong sobrang nasasaktan na siya.

  "Shar sana bigyan mo ko ng pagkakataon na mag explain sayo"

"Turs tama na nga diba.  Kahit di ko naiintindihan kung bakit iniwan mo ko noon, pipilitin kong intindihin ngayon. Ayoko ng makadinig ng puro kasinungalingan sayo" sambit ni Shar

  Sumilip naman ako at napansin nalang na umalis na si Arturo at papunta siya ngayon sa lugar ko.

Nagkasalubong ang mga mata namin at hindi ko mapigilang mainis sakanya.

Bullsht.

  "Boyfriend ka ba ni shar?" tanong nya ng mapadaan sa gilid ko

Napasmirk nalang ako at iniwasan ang tingin nya

  "tingin mo?" tanong ko at saka lumakad na papunta sa direksyon ni Shar.

  Palapit ako ng palapit.  Mas tumitindi din ang kabang nararamdaman ko.

Baka mamaya suntukin ako nito e.

  "S-Shar" sambit ko, napataas naman ang tingin ni shar na ngayon ay nakaupo sa damo.

  Umupo ako sa tabi nya at tinignan siya.

  "Donny. Ayoko muna ng magulo"

"Sino ba nagsabing manggugulo ako? Yung lalaki si Turs yon diba" sambjt ko

Kaya tumango siya at tumingin na ulit sa ibang direksyon.

Bumalik na si Turs, babalik na din ata ang feelings nya. Hindi nanaman siya magiging masaya.

  Napatahimik nalang ako at gaya nya nilingon ko nalang ang ibang bagay sa paligid ko

  "Hindi ka ba natatakot na masapak ko kasi nandito ka kahit badtrip ako? " tanong nya

  "Hindi. Bat naman ako matatakot. Edi sapakin mo ko, dali"

  "Joke lang. Ayoko muna."

  "Shar... "

  "Donny. Malay ko ba, eto nga yung iniisip ko e kapag nagkita kami ni Turs anong mangyayari sakin. Tsk! Sabi na nga ba di dapat ako nagpunta dito. Birthday ni Aling Maria kaya malamang pupunta si Turs,  naging yaya nya si Aling Maria dati e. Tch! Dapat talaga di na ko nagpunta dito.  Asar naman oh!" iritang sabi nya

  "Shar, chill! Okay lang yan ha? nagpunta ka dito para kay ate Maria at isa pa. Wag mo ipakita kay Turs na apektado ka pa. Chill ka lang"

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon