Unseenzoned: 36

726 31 1
                                    

Sharlene's :

  "Ready kana?"

  Akala ko si Donny ang naghihintay sakin sa labas.  Kada umaga ata nakasanayan ko nalang na si Donny ang maghihintay sa labas at tatanungin ako ng tanong na 'yun.

  "Ready na.. turs" sambit ko at nilingon ang bahay na katapat ng bahay ko.

Simula nung umuwi kami galing baguio, binigyan ko ng chance si Turs na patunayan ulit ang sarili nya sakin.
  Pero pagkatapos din nun,  wala ng Donny na nagpapakita.

  Siguro nagkakataon lang na pag nasa labas ako, iniiwasan nyang lumabas. Iniiwasan nyang magkasalubong kami ng landas pati sa school.

  Sumakay na ko sa kotse ni Turs at hinatid nya ko papunta ng school.
  Nagpaalam na ko sakanya at bumaba na, nakita ko naman ang nasa labas na si Iñigo na mukhang may hinihintay pa.

  "Iñigo" tawag ko sakanya pero tinignan nya lang ako at tinignan na ang phone nya.

Lalapitan ko sana siya pero agad siyang umalis.
 
"Good morning Shar" parang bored pang sabi ni Sunny.

Si Miles naman nakadukmo lang.
Hindi ko ba alam kung ano din ang problema nila. Alam na nila na binigyan ko ng chance si Turs pero nagalit sila sakin ng slight at natanggap din naman.

  "Sunny. Wala bang gagawin ngayon?"

"Wala shar. Gusto mo makipagdate kay turs? push.  Wala namang gagawin e" sambit nya at dinukmo din ang ulo nya.

Hindi ko maintindihan kung anong problema nila. 

     *Nagpahangin muna ako sa labas at pinanood lang ang ibang estudyante na dumadaan sa harap ko, biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni donny. Siya yung nakilala ko si booth at sa library.

  "Nasan na kaya siya. ." tanong ko sa sarili ko

  "Si Donny? Shar. Mahal mo pa ba si turs o si donny na?" tanong ng kakalabas lang na si Miles sa room

  Narinig nya ang sinabi ko.
Napaisip ako bigla. Gusto ko pa nga ba si turs?

  "S-Si Turs pa din"

"Alam mo shar, kilala kita pag nagsisinungaling ka e. Di mo na mahal si Turs at si donny na ang mahal mo.  Kung mahal mo pala si Donny bakit pinapalayo mo siya sayo? nilalayo mo ang loob nya sayo?" tanong nya

  Tama si Miles. Tama siya, pinipilit kong ilayo ang loob ko kay donny kase alam kong anytime... pwede akong mahulog sakanya.

    "Shar.  Wag mo ilayo yung sarili mo, tigilan mo na si Turs.  Di rin naman magwowork kung pipilitin nyo pa ang sarili nyo e.  Oo sige bibigyan mo nga ng pagkakataon, magiging okay kayo pero may tiwala ka pa ba? magagain ba yung tiwala? yung hihiwalayan ka dahil sa rason nyang naiinis na siya kada pinupuna mo ang mali nya?" sambit ni Miles

Hindi ko alam ang sasabihin ko.  Kase kada salita na ibinabato ni Miles, tumatama sakin.  Sumasaksak sa puso ko.

  Hindi naman ako ganto dati e! Hindi na nga ko marunong magmahal e. Nakalimutan ko na magmahal pero simula nung dumating si Donny lumambot nalang bigla ang puso ko.

  "Shar sa lahat ng narealize mo ngayon, sana gamitin mo na ang utak at puso mo. yung magkakasundo sila. Piliin mo kung san ka masaya.. pero shar, alam kong huli kana" sambit nya

  Naguluhan naman ako at kinunutan siya ng noo.

  "Huh? Huli?"

  "Shar. Nasa states na si Donny. Sinundo siya kahapon ng body guard ng daddy nya at hinding hindi na siya babalik dito sa Pilipinas. " sambit nya

  Kaya ba malungkot sila ni Sunny?
Kaya ba ganon nalang ang reaksyon ni Iñigo sakin kanina?

  Nanlambot ang tuhod ko at di ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko.
Pinigilan ko ang sarili ko pero biglang tumulo ang luha ko.

  "Ikakasal na siya this week" sambit ni Miles, lumabas naman si Sunny at saka biglang tumabi sakin at niyakap ako.

  "Shar."

  Walang salitang lumalabas sa bibig ko.
  Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas, hindi ko kayang sumigaw.

   ----—

 

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon