Unseenzoned: 79

647 25 8
                                    

    Sharlene ;

    “shar.. ”

  “kuya”

   Napadilat nalang ako at nakita si kuya ricci na hawak ang kamay ko, malungkot.

   “shar wag kang mawawala samin nila mommy please. ngayon palang naman tayo nabuo e diba,  wag naman agad agad”

  “k-kuya ano ba sinasabi mo”

  “shar please promise me. ”

  “kuyaaa--”

     “shar--”

  “punyeta kuya ricci ano ba!!”

  Umingay ang loob ng kwarto ko nung sumigaw ako, natawa naman si kuya tsaka tumayo

  “tinatry ko lang magdrama”

  “e bakit sakin mo tinatry?! ” galit na sigaw ko

Dalawang araw lang si kuya sa Pilipinas kaya eto na siya ngayon nangungulit nanaman dito. Ewan ko ba!

  “e gusto ko eh. ngayon na nga lang kita nakausap simula nung dumating ako dito tas gaganyan kapa”

  “nakakainis naman kasi kuya! ”

  “sorry na. nga pala shar hinahanap ka nila sunny, miss na miss kana e!” sambit nya at umupo sa gilid ko

   Amputi puti ko na siguro, di manlang ako makalabas sa kwarto ko.
Namimiss ko na din sila unny, simula nung dumating ako dito wala na akong balita sakanila

  “Namimiss ko na sila”

  “Gusto mo bang umuwi don?” tanong ni kuya, agad akong napangiti pero napawi din agad yun nung maisip si Mommy

  “Hindi naman ako papayagan ni mommy”

“edi.. kapag umayos ka nalang?”

  “sus kuya! maayos naman na ko. tsaka kung umayos man ako, kailangan ko pa tapusin ang pag aaral ko dito, after ko mag aral pwede na siguro tayo bumalik doon” sambit ko

  Pinaenroll na din ako ni mommy sa malapit na eskwelahan dito, kahit mahirap mag adjust.

  "oo naman! mag aral muna bago umuwi doon, tapos ako din” sambit nya tsaka ginulo pa ang buhok ko

Gusto ko sana magtanong kung kamusta na si Donny pero pinipigilan ko ang sarili ko. Alam kong masaya siya sa nangyayari sa buhay nya ngayon at never nya maiisip na kamustahin ako

  Nalungkot nanaman ako sa desisyong ginawa ko at ginawa nya.

'hays shar magiging maayos ka din! '

  --------

  “dalian mo sharbet!”

  “tae kuya wait ha!!” iritang sabi ko at inayos ang sapatos ko

  “Hindi na ba kayo kakain?”

  “mommy bakit pa?! bakit kasi pinaenroll nyo kami ni kuya sa school na nagsstart yung class ng 7am diba. ” sambit ko

  “alam nyo namang mabagal kumilos si sharlene“

  Sinamaan ko ng tingin si kuya at humalik na sa pisngi ni mommy, wala ngayon ang step dad ko/ tatay ni kuya ricci dahil nasa office nya

   Nagpaalam na kami kay mommy at sumakay na sa kotseng pagmamay ari ni kuya,

  “sunduin kita mamaya ha, tawagan mo ko”

“kuya naman, puntahan mo nalang ako sa room ko. ”

  “shar para nga mabilis” sambit nya

  Napasimangot nalang ako at tumango, hindi naman talaga siya nagpapatalo

  Ilang minuto lang narating na din namin ang malaking paaralan ng united at ipinark na ni kuya ang kotse nya sa gilid. Matinding adjustments ang kailangan namin sa araw na'to.

   “tawagan mo ko kapag may kailangan ka! tubig? hoy sharlene wag magpakapagod ha! lagot ka kay mommy sige!”

  “yes captain!” sambit ko at lumakad na papasok

   ——————-—-

  DONNY:

  “titig na titig dodong ha!”

  Naibaba ko bigla ang phone ko ng dumating si Iñigo na tatawa tawa at dala ang isang box ng pizza

  “munggo ka”

  “miss na miss si sharlene”

“o ano naman” sambit ko
 
  Natawa naman siya at pinicturan ako.

  “upload ko to para sa fans mo tapos sasabihin nila sa reaction mo,  'uy si dad inaway ni mom' diba yun tawag sayo ng fans mo” sambit nya

Mas lalo akong sumimangot at muling nilingon ang phone ko

  Kainis.

   “gusto mo naba puntahan si shar?”

  “syempre hindi.  baka magulo ko lang siya”

  “tanga kasi, hiniwalayan daw e. pag si sharbet talaga bumalik dito at nakalimutan kana tignan mo”

  “ayos lang, gusto ko maging masaya siya”

  “alam mo dodong ang corny mo!” sambit nya

    Bigla siyang napatahimik saglit at tinignan ako kaya napatingin din ako

  “problema mo?” tanong ko

  "si shar kamusta na kaya. diba sabi ni ricci lumalala na yung sakit non, ”

  “wala akong balita e” bulong ko

   Tinignan ko nalang ang wallpaper ko na picture naming dalawa at nalungkot nalang.

Shar pwede ba i-rewind yung time na pwede ko pang ishare sa iba na mahal na mahal kita? Yung walang naiisip na sasabihin ng iba?

Hindi ko naman ginustong mapunta sa sitwasyon na'to pero ginawa ko to kasi dahil sa'yo.
Kapag dumating yung araw na ayos na, pwede na.
pwede bang sakin kana ulit sumaya?
hindi na ko magiging tanga, magiging selfish na ko. Pagdating sayo.

   —————————-——

  A/N: ILANG CHAPTERS PA, EPILOGUE NA!!
SANA WAG KAYO MAWALA! MORE EKSENAS PA SA BOOK 2, KUNG SUSUPORTAHAN NYO PA DIN HEHE THANKS SA NAGBABASA!!

LOVE U ALL! KAHIT SABAW UPDATES :)
THANKYOU!!

--- JHIA.

 

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon