Unseenzoned: 14

963 36 1
                                    

DONNY:

  "Tch tama na tong kahibangan na'to dito pa tayo nag usap.  Gusto ko ng bumalik ng room.  Ge" sambit nung amazonang to at lumakad na padiretso ng pinto pero kinalampag nya yon

  "Kingina. Ngayon pa hindi mabuksan"

  "Huh?!" tanong ko

  "Sira ata yung pinto nito.  Ayaw mabuksan e!  Buwisit. Sipain ko nalang" sambit nya

  Inayos nya ang pants nya at bumwelo pa paatras bago sumipa.

Pero pagsipa nya wala manlang nangyari at di manlang bumukas ang pinto.

  "Paano tayo makakalabas?!" tanong ko

  "Aba malay ko,  bat sakin mo tinatanong" sambit nya at umupo na sa gilid.

Nakikita ko pa ang kilos nya pero hindi ko maaninag ang mukha nya dahil madilim.

  "Wala ka ng gagawin? Hahayaan mo nalang na makulong tayo dito?"

  "Punyeta kung may magagawa lang ako, bat ko hahayaan na makulong kasama ka? Di ko alam kung pano tayo lalabas dito. Ayokong sayangin yung lakas ko magpaulit ulit sa pagsipa ng pinto na yan na di naman mabubukas" sambit nya.

  Tch! Lintek na babae to.
Iba talaga! =__=
Nakakatapak na siya ng ego ha!

  "Tsk! Ayoko din naman kasama ka"

  "Share mo lang?" sambit nya kaya lalo akong napapigil ng inis.

Badtrip.

  Ilang minuto kaming nanahimik at wala manlang madinig na kahit ano.
Hindi ko kaya ang ganito.

Ginulo ko ang buhok ko at huminga muna ng malalim bago lumingon sakanya

  "Ayoko na masagot ng pambabara o ano. Gusto ko lang magkwento ka.. Kahit tungkol sa ex mo,  malay mo makapag advice ako" sambit ko

  "Ayoko."

  "Alam mo sa lahat ng siga sa kanto, ikaw yung paepal pa.  Ikwento mo nalang kasi.  Dami pang alam e! Wag na maarte" sambit ko

  Iniwasan ko nalang lumingon sakanya at itinuon ang tingin ko sa ibang parte ng library.

  "Fine.. Magkukwento na ko, pero wag mong tawanan ang alin man sa kwento ko. Yun yung rule! "

"Okay game"

  "Nakilala ko si Turs nung highschool ako. Ako yung babae kasi na parang lalaki umasta.  Yung gupit ko super ikli, yung damit ko hindi dress.  Madaming maganda sa section namin.. Mayayaman,  lahat ata kaya nilang bilhin kahit kaluluwa pa.  Isa si Turs sa mayayaman.  Lahat ng kaklase kong lalaki nandidiri sakin, iba kasi ko sa babae kong kaklase.  Hindi ako palaayos,  in short wala akong pake sa itsura ko. Until someone who named Arturo Daza came into my life, binago nya ko.  Lahat lahat, yung ayos ko.  yung pananamit ko.  napahaba ko yung buhok ko,  kahit ata pagpaplantsa ng damit nagawa ko na kada nagdadate kami e,  walang mintis yon. ako pa minsan nauuna sa date namin. ang saya ko kasi dumating siya.  iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. yung lalaking di ka gagaguhin, ipagpapalit. pero kahit pala madami na siyang napatunayang bagay sayo, di parin maaalis na anytime pwedeng magbago ang isang tao, na mahal ka ngayon pero pwedeng bukas hindi na. Anniversary... nagpunta kami ng church, masaya naman. lahat nga ng pagkain na favorite ko binili nya e.. Kaya pala lahat ng yon binili nya kasi may kapalit pala..  Put*ng*na ! ibebreak ako ng gago at anong rason nya? hahanapin ang sarili nya.  Sabi ko nga pwede ko sya tulungan na hanapin sarili nya e.  baka sakaling masalubong namin, baka sakaling... pag nakita namin yung sarili nya nung time na'yon pwedeng hindi nya na ko hiwalayan. " kwento nya

  Alam kong gusto nya ng umiyak, yung pagkukwento nya kasi.. gustong gusto ng umiyak.

  "..kaso kahit naman pilitin mong wag kang iwan, wala kang magagawa e. He left me without a words.  Kahit nga paulit ulit lang ba na 'minahal kita minahal kita Shar'okay na e. Hindi na ko naghahangad ng iba. Pero i'm fine. Kaya ko na yung sarili ko,  walang arturo,  walang turs,  walang siya!!! kahit isa."

  Napatayo ako at lumapit sakanya, niyakap ko siya pero agad nya kong tinulak

  "Hohokage pa e!"

"Sorry nadala lang.  P-Peace!" sambit ko at lumayo na sakanya.

Psh.

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon