Unseenzoned: 75

560 22 0
                                    

  Sharlene

   Nakatingin lang ako sa malayo habang nagmamaneho si turs,

  “andito na tayo”

  Nagulat naman ako ng makita ang isang pink na cafè,  napatingin ako ng nakakunot noo kay turs

  “diba iinom ako”

  “diba hindi ka pwede sa ganon. oo iinom ka nga, iinom tayo ng shake”

  “beer gusto ko turs! hindi shake”

  “shar papakamatay ka na ba?  pwede ba wag ka makulit” sambit nya tsaka hinatak na ko pababa

Gusto ko sana mag enjoy sa pagkamangha pero punyeta di ko magawa.
Naiisip ko pa din lahat, space. Kailangan ba talaga yun? Kaya naman namin e.

  “cry!” puno ng awtoridad na sabi ni turs

Napatingin ako sa pink na shake sa harap ko at hinawakan yun

  “ di naman ako naiiyak ”

  “iyak sabi!”

  “t-turs”

  “di naman siguro masama kung atleast ngayong gabi ka lang iiyak diba? iiyak mo na lahat at pagkatapos nito.. di ka na pwedeng umiyak sa ibang bagay”

  “pero di naman ako naiiyak” sambit ko

  “sharlene look at yourself. ako to si Turs, you can cry at me. Gusto mo magdamagan pa e. Shar, i know you're not okay. mahirap pigilan yan, “

  Napangiti nalang ako at tumingin sa kisame, pinipigilan ang luha babagsak na sa mga mata ko

  Wala.  Wala na, kumawala na sila

  “turs sawa naba siya sakin? may mali pa ba sakin? mahirap ba talaga ko maging girlfriend? ”

  “ssh, shar hindi. hindi ka mahirap maging girlfriend, kami lang talaga ang tarantadong di ka deserve”

  “turs bakit ganon? bakit need ng space? gusto nya ba pumunta ng outer space ha

  “shar ganyan talaga, sa isang relasyon kailangan magbigay ka ng space kapag sa oras na nanghingi na siya.  Tandaan mo na kahit na anong mangyari, nandito lang ako”

  Lumapit si turs sakin at niyakap ako ng mahigpit.

  “i'm so sorry. sorry kung isa din ako sa nang iwan sayo, sorry kase gago ako. “

  Tumango nalang ako at tinap nya naman ang likod ko.

  +*+*+*+*+*+*+*+*+*+

  Panibagong umaga pero di ko alam kung paano pa ba magiging maayos,

  Nakatanggap ako ng text kela Miles kaya pinapunta ko na sila sa bahay, kasama nya din si Iñigo, Maris, Ricci at Sunny

   “shar ako na dyan" sambit ni iñigo at kinuha sakin ang mga platong hawak ko

Kukunin ko na sana ang pitsel pero agad agad na tumayo si ricci at sinabing siya na

Ano naman problema nila?

  “hoy ano problema nyo”

  “shar... ”

  Nagulat ako ng yumakap sakin si Miles at pangawa ngawa pa,  maski si sunny nagpupunas ng tissue sa mata

  “hoy ano bang problema nyo”

  “shar may heart failure ka daw” sambit naman ni maris

  Napangiti nalang ako at tinap ang balikat ni Miles

  “haynako! ano ba, kung makareact kayo kala nyo mamamatay na ko. okay lang ako guys!” sambit ko

     Napatango nalang sila Ricci dahil sa sagot ko, agad na binuksan ni Iñigo ang tv at ang serye pa namin ang palabas ngayon.. sila Kisses at Donny.

  Sana lang talaga wag sila magtanong about kay Donny kase hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanila

  “Grabe! Di ko akalain talaga na mag aartista ng tuluyan yang si Donny e! Isipin mo susundan lang dapat si shar pero shet umangat si loko” tatawa tawang sabi ni Iñigo

   “So kamusta na pala yung taping shar? ”

  “Nagquit na ko dyan Sunny. ” sagot ko at uminom lang ng juice

    Napatingin naman sila sakin na puno ng pagtataka

  “Hindi ko lang talaga kaya hehe” sambit ko kaya tumango nalang sila

Hindi ko na rin kaya.. Maging maayos sa harap nilang lahat, magpanggap na di ko boyfriend si donny, tiisin na makita sila palaging magkasama ni Kirsten at di ko na rin kaya ang puso ko. Anytime bibigay ako.

   +*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+

  DONNY:

   “Dami ng casual viewers ang nagugustuhan ang tandem nyo ni Kisses,  Donny” kwento ni direk jp

Sa lahat ng kwento nya, ayan lang ata ang napakinggan ko. Lutang ako, di ko alam ang  gagawin ko, gusto kong makita si Sharlene, di ako sanay na walang sharlene na nagpapakita o nagtetext sakin.

  Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa message para itext si shar

  To: Sharbabe

sha..

  Delete. Delete.

    “Donny”

  “direk“

  “Hindi mo pa din ba tinitigilan ang relasyon nyo ni Sharlene?” tanong ni direk

Napangiti ako ng peke at itinago na ang phone ko sa bulsa ko

  “I think this is not a right time para mainlove ka, you should focus on your career na unti unting tinatangkilik ng masa. Donny magfocus ka muna kay Kisses at wag sa ibang bagay okay? ”

  “Y-Yes Direk”

  “And by this month pupunta tayo ng ibang bansa for our tours and more. Maybe ilang weeks or months tayo doon”

  “P-Po direk? Pero hindi po pwede. ”

  “Donny. This is part of being an artist,  wala ka namang reason kung bat di pwede diba? Inaasahan kita. ” sambit nya at tinapik na ang balikat ko tsaka tumayo

   Napahawak nalang ako sa noo ko at muling kinuha ang phone ko at nagscroll sa social media. Then i stopped on the pictures that is uploaded by shar.

  She's with Ricci, Iñigo, Maris, Sunny and Miles and all i can see is her beautiful smile when she's with them.

  Sharlene, wala akong ibang hangad kundi maging masaya ka. Alam kong nahihirapan kana sa nangyayari satin, alam kong ako ang rason kung bakit may sakit ka ngayon

I love you, always & forever.

——

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon