Unseenzoned: 9

973 40 0
                                    

Sharlene:

  Napabangon ako agad ng may madinig na ingay mula sa labas.

5:35 am palang...

Wtf.

  Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa tambayan ko, terrace lang to dito lang sa second floor ng bahay,  bale katabi ng kwarto ko.

  "Shar sorry maingay ha. May bagong lipat kasi at inaayos na" sigaw ni Aling Maria sa baba

  "Okay lang po" sambit ko

  "Oyan yung mga gamit iayos nyo na!" sigaw nya sa mga tauhan nya at kumilos na ito.

  May bagong lipat sa katapat na bahay ko.
Mas okay na'yon,  ang tagal na din naman kasing walang tumitira sa bahay na yon e.

  Wala akong nagawa kaya dumiretso nalang ako sa lamesa at kumain tsaka naligo. Ang aga ko magising,  siguradong aantukin ako sa school hmp.

   "Good morning Shar!!!"

  Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang dumating si Miles.

Agad siyang umupo sa sofa at tinitigan lang ako

  "Anyare sa katapat bahay mo? Mukhang binagyo ah,  dami gamit sa labas bes!" sambit nya at pinapaypayan pa ang sarili nya.

  "May bagong lipat daw e.  Hindi ko alam kung sino at wala akong balak alamin kung sino siya.  Teka nga bat nandito ka? "

  "Sabay tayo papasok.  Nakakatamad kasi magcommute ngayon, gusto ko lang maglakad with you.  Masama ba?" tanong nya

  "Eh pano kung ayoko maglakad?"

  "Syempre pipilitin kita.  Dalian mo na jan,  gusto ko na pumunta ng school" sambit nya kaya napatayo nalang ako at dumiretso na ng banyo.

Haynako napakaaga,  napakaaga para guluhin ng isang Camille Ocampo. 

  Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako, nag ayos at lumabas.  At tulad ng gusto ni Miles naglakad kami, pagdating namin ng school ay mahabang pila na agad sa booth ang naabutan namin.

  Tama si Sunny,  mukhang madami nga ang interesado sa booth na naisip nya. Pero ang corny pa din psh. =___=

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon