Unseenzoned: 67

599 25 0
                                    

Sharlene

  Past 1 am na din, pero di pa din umuuwi si Donny at magkatabi lang kami habang nagrros. Magkakampi kami at parehas naming tinatalo yung kalaban namin

  “Bebe dito!” sambit nya, natatawa nalang ako kada nagsasalita siya at naeexcite kada lumalapit samin ang kalaban.

  “Pabuhat naman kasi to!” sambit ko pero tinawanan nya lang ako

  “Hanapin mo yung isa. Magchichicken dinner na tayo!!”

      Nakita ko namang nagtatago sa isang puno yung kalaban kaya lumapit ako pero sinundan din ako ni Dons. Sabay naming pinagtulungan yung kalaban kaya sa huli nagchicken dinner kami

    “YEHEY!!!”

  “Galing ng sharbet ko!!!”

  Niyakap nya naman ako tsaka pinagkukutusan sa ulo. Bad!

  “Aray ko.  Umuwi kana nga”

  “Ayoko nga. ”

   “1am na may shooting pa kayo ni Kisses mamaya”

  “Edi di ako pupunta” disente pang sabi nya.

   Akala mo talaga di kawalan si Kisses sakanya. Psh. Itong lalaking to talaga.

  “Munggo ka ba.”

“Tss. Oo na uuwi na.. pero di ka ba naaawa sakin? Magbabyahe pa ko ng gantong oras? What if naaksidente ako?”

  “Edi naaksidente” natatawang sabi ko

  “nakakainis ka talaga kahit kelan. ” sambit nya tsaka tumayo na.

  Asus. Aarte pa ng ganon e kala mo naman!

  Lumakad siya papunta sa pinto at tumayo doon.  Alam kong hinihintay nya lang ang word na

“Dito kana matulog”

  Agad nagliwanag ang mga mata nya tsaka lumapit sakin

  “Pero... Dito ka sa sofa! At ako sa taas! Gets? ”

  “Sabi ko nga. Sige na akyat na” sambit nya at pabiro pa kong tinulak paakyat.

  Nag goodnight lang ako sakanya at pumasok na din sa loob. Sus.

  -*-*-*-*

  “Ang saya naman ng ganito!” sambit ni Donny habang nakatitig pa sakin na kumakain ng tinapay ngayon

  “Alin?”

  “Para tayong mag asawa. Ito pangarap ko e, yung paglulutuan kita! Lalo na nung favorite namin ni Tita Sharon lutuin! Yung baked mac. ”

  “Kelan mo ko lulutuan non?” tanong ko

  “Gusto mo bukas?” tanong nya kaya napatango nalang ako.

   Pinaghandaan nya lang talaga ko ng pagkain at pagkatapos non umalis na siya, may shooting pa din kasi siya at oo magkaiba nanaman kami ng location na dalawa. 

   —————————

  DONNY:

   papunta na ko sa set ngayon ng bigla kong mabuksan ang twitter account ko.
  Nagtext na din si Shar sakin at sinabi nyang nandoon na siya sa location nila.

   Psh. May bagong cast!

  Naihinto ko kaagad ang kotse at tinitigang mabuti ang picture na inupload ni direk sa twitter nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Naihinto ko kaagad ang kotse at tinitigang mabuti ang picture na inupload ni direk sa twitter nya. 

  Kung makatitig naman to. Bwisit.
  Nandyan pa nga si Vitto,  may dadagdag nanaman

  “Girls omygad donny!!!”

  Bigla akong napatingin sa window ng car ko at nakita ang ilang kababaihan na kumakatok dito.

   Binuksan ko ito at nag hello lang sakanila

  “Hi donny! Omygad sabi na nga ba!”

  “Where's Kisses?”

  “Kayo ha! Siguro susunduin mo na siya no? ”

  “Ayieeeee”

  “Sorry Girls but I need to go” sambit ko at pinaandar nalang ang kotse ko

  Ilang minutong byahe ay nakadating na din ako sa set, napansin ko kaagad na busy na sa pagbabasa ng script si Kisses at di manlang nya napansin ang pagdating ko

  “Donny dito.. Ayusan na kita”

  Lumapit naman ako sa taga ayos namin at nagpaayos na ng buhok ko, di ako sanay na hinahawakan ang buhok ko ng iba, ngayon lang ata

     “ARGH!! I can't take this anymore! Sasabog na ata ulo ko sa mga lines na nandito” sambit ni Kisses at humigop pa ng kung ano sa basong hawak nya.

   “Kaya mo yan K!”

  “Ate Prisha, hindi ko na alam. ”

  “Sus! Nandito na si Donny oh!  Mapagtutulungan nyo yan and isa pa bagay kayo e. Ano nga ulit tawag sa loveteam nyo?” tanong nung nag aayos sakin, prisha ang name.

  “Donkiss” nakangiting sagot nya.

    Pagkatapos kong ayusan ay nagsimula na kong magbasa basa ng script,

  “Magsisimula na tayo mamaya. Pero hintayin na natin sila Direk, papunta na dito yun kasama sila Sharlene” sambit ni kuya joco.

  Bigla akong nakaramdam ng tuwa. Finally! Magkakasama na kami ng bebe ko sa set.
Finallyyyyy!!

     “Iba yung tuwa ah!” napatingin naman ako kay kuya gelo na katabi ko lang.

  Agad akong nagseryoso at nilingon muli ang script na binabasa ko

  “Kayo ba nitong si Shar?”

  “H-Hindi --”

  “Sumbong kita tinatanggi mo siya”

  “Kuya gelo”

  “Tss. Alam ko naman! di nalang din ako mag iingay, pero akala ko naman kayo nitong si Kisses. Grabe din kasi kayo e” sambit nya

  “Hindi”

  “Sus pag kay shar ngiting ngiti tapos nung binanggit yung kisses kulang nalang sigawan ako” tatawa tawang sabi nya

      Bigla namang may humintong van sa gilid at lumabas doon ang isang pamilyar na lalaki at kasunod nya lang si Shar.

  “Si sharlene oh. Lapitan mo na”

  “Kung pwede lang e” bulong ko kaya natawa lang siya at tinapik ako sa balikat ko

Naglapitan na din kami kay direk at saka ipinakilala samin yung Nash

  “This is Nash Aguas. Siya yung bagong makakapartner ni sharlene sa story”

  “Po? Bakit po?  Where's vitto?” tanong ko kaya napatingin sakin si sharlene at tinaasan ako ng kilay

Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah.

  “Nasa hospital siya dahil sa isang aksidente, matagal pang makakarecover ang katawan nya kaya ipinasok ko na ang pamangkin ko. “ sambit nya tsaka tinuro yung nash

Pamangkin nya pala yan. Tsk.  

  “Tsaka alam ko din naman ang secret nitong si Prime at alam kong gusto nitong makapartner si sharlene kaya i hope maging okay kayong lahat sa set. Okay? Sige na. Kisses and Donny game na” sambit nya, huli na ng maiprocess sa utak ko ang sinabi nya

  Prime ba ang tawag nya kay nash?

Siya si Prime? Yung sumundo kay shar nung nasa hotel siya?

  Yung nagbibigay daw ng kung ano ano kay sharlene sabi ni sunny.

  So siya yun?!

Wth.

   ————

 

 

 

 

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon