Unseenzoned: 65

633 29 0
                                    

Donny

    “Kumain kana? ” tanong ko kay shar na nasa kabilang linya ngayon

  Hindi ko siya kasama ngayon dahil iba na ang location namin at kami lang ni Kisses ngayon ang ishushoot.
Di talaga kaya na magtugma ang schedules namin.

“Yes.”

  “baka nagda-diet ka nanaman. Ayokong nagda-diet ka.  okay lang kahit mag gain ka ng weight. ”

  “Oo na po don donny. ” sambit nya,

Nandito pa ko sa kotse ko at bumabyahe na papuntang Subic. Ang dami daming pwedeng lugar e.

  “Ano ginagawa mo?”

  “Nanonood po don donny”

  “Tss. Hindi tuloy kita masamahan dyan. Osige na manood kana, tawagan mo ko kung anong kailangan mo ha.  Kung may ipapabili ka” sambit ko

  “Ano naman ipapabili ko tsaka paano mo yun maibibigay sakin?”

  “Baka may kailanganin ka, ako bahala kung paano.” sambit ko, natawa naman siya.

  “Wala akong kailangan”

  “Ako di mo kailangan?”

  “Sus kapag kinailangan ba kita ngayon, mapupunta ka dito ha?” tanong nya

  “oo! basta kailangan ako ng shar ko”

  “Sus wag na. Mag enjoy ka ha! Sige na end mo na'to manonood pa ko”

  “Okay i love you!” sambit ko

  "iloveyoutoo.  bye”

    Napangiti nalang ako at tinitigan muli ang wallpaper ko, ganda ganda talaga ng girlfriend ko.

    ——

  “Donny.. Try kaya natin na ipractice pa ulit tong line na'to?”

  “Maya na Kisses. ”

  “Baka pagalitan tayo ni Direk e.  ”

  Napatayo nalang ako at hinarap siya at binasa ang script ko.

    Nagbitawan lang kami ng linya at maya maya lang ay nagsimula na kami.

    Napatingin naman ako kay Direk na ngayon ay panay kuha ng litrato samin

  “Para sa fans nyong dalawa” sambit nito

  “Direk wag na ipost”

  “Bakit Donny, anong masama sa pagpopost ng picture nyo? May magagalit ba ha?” tanong nya

Oo may magagalit. Si shar ko.

  Napatingin naman sakin si Kisses. Tss

  “Haynako Donny. Kung ako sayo iwasan mo na yung pagkakaroon ng ganyan sa ngayon.  Sikat kana at dapat sa pag arte yung focus mo.  Walang girlfriend girlfriend” sambit nya

  “E direk--”

  “Direk wala naman pong lovelife 'yang si Donny e” sabat ni Kisses

  “Well.  Buti naman. ”

  Pinagpatuloy lang din namin ang scene at kada pahinga namin tinetext ko si shar, napadako naman ako sa twitter at nakita ang isang tweet nya.
 

  Pizza lang naman pala gusto ng bebe ko e

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Pizza lang naman pala gusto ng bebe ko e. Easy! 

    Agad akong tumawag sa greenwich at nagpaorder ng pizza sa bahay nya. inutusan ko na din si Iñigo na magbayad nalang sa greenwich mamaya. (pati siya nailibre ko ng pizza) 

       “Donny. ”

  “Kisses. ”

   “hindi ko alam kung bakit ayaw mo sakin. ”

  “Kisses wala naman akong sinabing ayoko sayo. Alam kong okay na yung issue nung break up natin dati, yung kasal okay na din yun. Gusto ko maging maayos na magkatrabaho nalang tayo.”

  “Shar is very lucky to have you. I wish i was her”

  “Wag mo iwish na sana maging katulad ka nya kasi... iba si sharlene. Hindi siya magagaya ng kahit na sino. Yung kaibahan nya ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya, ”

  “Gusto ko na din maging iba..  Para magustuhan mo na ko ulit” bulong nya pero di ko nalang iyon pinansin dahil sa nareceive na text  galing kay shar

  From: sharbabe

  Alam ko sayo galing itong pizza tsk.  Lahat talaga kaya mong gawin no? Gagawan mo ng paraan talaga. Thankyou Don donny! ;)

   Agad akong nagreply sakanya

  Kahit naman ano gagawan ko ng paraan basta para sa'yo. :)

       Kahit ano gagawin ko for you shar at di ako magsasawa kahit pa secret lang relationship natin at kahit madaming humadlang.

   ————

A/N : MELLOW MYX OF SHARDON ON YT!!
  LIKE & SUBSCRIBE TO MYX.
BYE NIGHTY GUYS.  LOVE U!!

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon