Chapter 1- May Nagbabalik

27.6K 521 48
                                    

Trevor

"Ganda nya noh?" Tanong ni Mang Tonyo sa akin na nakatayo pala sa likuran ko habang nakatingin ako sa mga nag-aayos sa hacienda. Nandoon si Brook na pawis na pawis na pero mukhang hindi titigil sa paggawa ng banderitas. 

"Sino ba ang tinitingnan mo Mang Tonyo?" Tanong ko sa kanya habang pasimple akong bumalik sa table ko sa clinic. Katatapos ko lang magcheck up dito at nakaschedule akong bumalik sa Country Club bukas.

"Yung anak ko. Baka gusto mong legawan, Doc." Sulsol ni Mang Tonyo. 

"Bata pa yang anak mo, Mang Tonyo." 

"Trenta na yang si Tanya. Kasya masayang ay sa iyo na mapunta." 

Ay wow... parang pasalamat pa ako Mang Tonyo?

"Makenis naman ang batang iyan. Laki sa Jergens."
Pinipigilan kong tumawa sa totoo lang. Iba ang naiisip ko sa Jergens kapag si Mang Tonyo ang nagsalita. 

"Wala bang nanliligaw sa anak mo? Hindi mo dapat pinapares sa akin si Tanya."

"Hindi ko gusto ang mga napupusuan niya." Seryosong sagot ni Mang Tonyo.
Nilagay ko sa bag ang mga gamit ko at hinintay kung aalis si Mang Tonyo. Mukhang hindi kaya naupo ulit ako. 

"Hindi ba dapat maging supportive ka lang? Bakit mo binabawalan gayong may edad na siya?"

"Doc, mataas ang pangarap ko sa anak ko. Ang gusto ko nga'y ipares sa isa sa mga anak ng kumpare ko. Kaya lang naman ay ang aga nilang nagsipag-asawa." Reklamo ni Mang Tonyo.

Pinipigilan kong tumawa at baka maoffend si Mang Tonyo. Maramdamin pa naman kung minsan ang matandang ito. 

"Huwag na kayong tumulad sa mayaman na ipinapares ang mga anak nila. Hayaan mong si Tanya ang mamili ng gusto niya." Sabi ko.

"Hhhhuuuu, ang init." Pumasok si Brook na pawis na pawis at tumapat sa electric fan. 

"Magkaka-pnemonia ka, Brook. Huwag kang tumapat sa electric fan." Bawal ko sa kanya.
Naupo si Brook sa upuang kawayan na inuupuan ng mga pasyente kong naghihintay kapag nagki-clinic ako.

Hinubad ni brook ang suot na long sleeve na polo. Naiwan ang sando niyang racer back. Pinusod ang mahabang buhok kaya lumitaw ang hulma ng leeg.

"Ano na, doc?" Pangungulit ni Mang Tonyo. Naputol ang daloy ng isipan ko. Napatingin sa amin si Brook. 

"Hindi tama yang ginagawa mo Mang Tonyo." Sagot ko. 

"Sa amin ka na maghapunan mamaya."

Tumaas ang kilay ni Brook at umupo ng maayos para making sa amin.

"Ayaw ko. Pipikutin mo ako." Sagot ko na ikinakunot ng noo ni Brook.
Bumuntong hininga si Mang Tonyo. 

"Pangarap kong magka-apo ng matangkad." Sabi niya. 

Napahagikgik si Brook. Naiiling ako kay Mang Tonyo.

"Mang Tonyo, may boyfriend na si Tanya." Sabi ni Brook. 

"Ayaw ko nga doon at maitem." Sagot ni Mang Tonyo. 

Wow talaga. 

"Sayang ang lahi namin kung mapupunta lang kay Don-Don." Dagdag pa nito. Nagsimula ng tumawa si Brook.

"Sino si Don-Don?" Tanong ko naman. 

"Yung anak ni Meng-Meng at Pong-Pong. Kapatid ni Tin-Tin. Pamangkin ni Pol-Pol." Sagot ni Mang Tonyo. Mukha siyang naiinis dahil hindi ko kilala ang mga sinasabi niya. 

"Yung driver ng truck, iyon si Don-Don." Sagot ni Brook. 

"Ahhh... Eh masipag naman yun, Mang Tonyo." Sabi ko.

"Ay panget nga. Ayuko sa panget." Naiinis na sagot ni Mang Tonyo.

Naitakip ni Brook ang hinubad na longsleeves sa mukha at saka tumawa ng malakas. Napadukmo naman ako sa table para pigilan ang tawa. Ang gwapo mo Mang Tonyo.

"Hindi ka dapat namimintas." Sabi ni Brook ng makabawi sa pagtawa. 

"Nagsasabi lang ako ng tutuo, Senyorita." Katwiran ni Mang Tonyo.

"Kasya namimikot ka dito, bakit hindi ka tumulong doon? Tapos naman na ang schedule mo for today kay Aling Ana." Tinuro ni Brook ang mga kababaihan na gumagawa pa ng banderitas para sa fiesta nila.

"Hindi na ba magbabago ang iyong pasya?" Binigyan pa talaga ako ng last chance ni Mang Tonyo. 

"Hayaan mo si Tanya." I said.

Bubulong-bulong si Mang Tonyo ng lumabas ng clinic.

"You offended him." Biro ni Brook. 

"I don't know what I am going to do with him." Umiiling-iling kong sagot.  "Natakot ako bigla para sa buhay ko." I added. 

"Hirap mo namang abutin, Doc." Tumatawang sabi niya.

Haaayyy... Ikaw din kaya.

-------------
A/N

Naku nga Mang Tonyo...
Gusto mo pa ng tisoy...hahaha

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon