Chapter 23- Victim

9.7K 316 7
                                    


Trevor

Umuwi ako ng gabing iyon sa bahay ni lolo sa Batangas. Naabutan ko siya na may bisita. Ang Governor ng Negros.

"Trevor, hijo. Halika sandali. We have something important to discuss with you." Sabi ni lolo sa akin. 

"And I have important things to say as well to you. Let's talk when you are free." Walang ganang sagot ko.

"Pumarito ko. Ngayon din." Matigas na sagot ni lolo. 

Huminga ako ng malalim at pumasok sa library niya.

"Governor, nakilala mo na ang aking apo na si Trevor. Anak ng unica hija kong si Veronica. Trevor, si Governor Martinez. Kilala mo naman na siya at ang kanyang napakagandang anak na si Georgina." Panimula ni lolo.

Kala mo kung sinong kagandahan, kung hindi lang dahil sa Likas papaya buti kung pumunti siya. Kaklase ko yan nung Elementary, kulay siko ni Mang Tonyo ang buong katawan niya...

Naalala ko ang sinabi ni Brook kanina. Napapangiti ako ng bahagya.

"Trevor, magdadaos ng isang party sa isang linggo para sa engagement ninyo ni Georgina." Pagpapatuloy ni lolo.

"What? No way." Napatayo ako. "I will not marry her. Excuse me, lolo." Tumalikod ako pero may isang bodyguard na humarang sa akin.

"Do not force me to hurt you para lang sumunod ka." Banta ni lolo.

I face them again. Too angry to think to be polite. "I will not marry a woman who is not Brooklyn Ramirez." I said.

"Governor, I think that's all. I will contact you for the details. I will just TALK to my grandson." Sabi ni lolo. Tumayo si Governor at tinitigan ako.

"Hindi mabuting tao ang mga taga Hacienda Vicente." Sabi ni Gov. 

"Bakit? Dahil hindi nyo mapasunod?" Pabalang na tanong ko. 

Ngumisi si Governor. "Babagsak din sila. Lalo na ang babaeng anak nila dahil pinahiya niya ang anak ko."

Tumaas yata ang pressure ng dugo ko dahil sa sinabi ni Gov. He is threatening to hurt Brook.
"Minsan Gov., pagsabihan mo ang anak mo na ilugar ang sarili niya sa dapat niyang kalagyan." Sabi ko.

"Trevor..." Sigaw ni lolo sa akin. "Pasensya na kompadre. Nahahawa ang ugali ni Trevor sa mga hampaslupang Romualdez."

Umalis si Governor at tinangka kong umalis din ng library pero hinarang ako ng mga tauhan ni lolo. 

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lolo. 

"Aalis. Matagal ko na sanang ginawa ito pero nangako ako kay mommy." I said.

"Ang mommy mo? Ang mommy mo na walang ginawang tama." Natawa ng mapakla si lolo at umupo sa table niya. "Magpapakasal ka kay Georgina."

"Hindi." Matigas na sagot ko. "You will need to kill me before I marry her."

"How about I kill your sister?" Parang demonyo ang kaharap ko. "Medyo matapang siya kumpara sa kanyang ama. Kinaya niya akong salubungin sa mata."

Huminga ako ng malalim para kalamhin ang sarili ko.

"You can never hurt her." I said. 

"Ah...so alam mo na ang ginawa ng magaling mong ina?" Parang hindi niya anak si mommy kung banggitin niya na wala man lang emosyon. Nag-iisang anak niya si mommy. Nag-iisa!

"Pakakasal ka kay Georgina o ipapapatay ko si Zoey at ang bunsong anak ng Ramirez?"

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. 

"Pwede ko ring isamang ipapatay ang mga anak ni Zoey. Ah... yung kambal. Ang mga makulit at sutil na mga bata." Sabi niya pa.

"Isa kang demonyo." I said. 

"Matagal na. Ngayon, mamili ka? Kahit ano naman ang piliin mo, hindi ka pa rin makakalabas ng bahay." 

Tinanguan ni lolo ang mga tauhan niya. Limang tauhan ang lumapit sa akin.

Nanlaban ako pero ano naman ang laban ko sa limang kasing laki lahat ni Tito Ace. Kinuha nila ang cellphone ko, mga susi pati na ang relo.

Duguan nila akong dinala sa isang kwarto. May rehas ang mga bintana at ang gamit lang sa loob ay kama at TV.


"Ehhh... paano kung hindi ka makabalik?"
"Babalik ako. Pangako."

Brook... My God, ito na ang kinakatakutan kong mangyari. Ang madamay sila ni Zoey. Sana... sana hindi nya maisip na sunduin ako.

"Nakikiramay kami at napusuan ka ng isa sa kanila. Wala ka ng kawala nyan pre."

But she will come for me. That stubborn woman will come for me after 1 week.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon