Chapter 15- Eminem

10.2K 347 13
                                    

Trevor

"Brook, okay na ang tuhod mo?" I asked... Dahil hindi ko alam kung paano gumawa ng conversation with her. 

"Okay na." She replied.

Nasa kubol kami ngayon. Medyo masakit ang katawan ng iba at piniling matulog...lalo na si Mia kaya halos kalahati lang kaming nakatambay dito. Umupo si Brook sa tabi ko. May dala siyang maning nilaga at pinatong sa mesa.

"Ang saya nung kanina. Kahit nadulas-dulas kami sa panghuhuli ng baboy." Sabi ni Xykie. Nakahiga ito at nakaunan sa hita ni Henry.

"Vhakhhhlllllaaaa, hindi ka nagkakapimple sa mani?" Tanong ni Violet ng makitang kain ng kain si Brook. 

"Hindi naman. Hindi ba delikado kapag nagkapimple doon? Kailangan mong magpacheck agad sa OB-Gyne." Nagtatakang tanong ni Brook. Nakakunot ang noo nito na humarap sa akin.

"Di ba Doc?" Tanong niya pa sa akin.

Natawa ako... as in tumawa ako. Ang cute ng pagkakasabi nya. Pati ang iba natawa. 

"What?" Naguguluhang tanong ni Brook.

"Bastos ka..." Binato si Brook ng mani ni Violet habang tawa nng tawa. Hinampas ako ni Brook sa braso ng hindi ako makapagsalita sa kakatawa.

"What she means is...'" I cleared my throat. "If you can get pimples on YOUR FACE by eating peanut."

Napa-OH si Brook and her face started to get red. Tumatawa siyang nagtakip ng mukha.

"Ano ba kasi ang iniisip mo?" Tanong ni Sakura sa kanya. "Iniisip mo pa rin ba ang siko?"

"Heh!... kayo ang may gawa niyan. You are polluting my innocent mind." Sagot niya.
Maluha-luha siya sa kakatawa.

Natigil ang pagtawa namin nang sumulpot si Mang Tonyo. May dala na namang alak. 

"Oh, bakit nandito ka Mang Tonyo?" Tanong ni London. 

"Hindi ko maintindihan ang usapan sa bahay." Naiiling na sagot ng matanda. Nagsalin ng lambanog sa baso at uminom.

"Bakit naman?" Tanong ni Sakura. 

"Ay, tuwang-tuwa sila kay Morris." Sabi niya. 

"Eh bakit parang malungkot ka?" Tanong ni Brook sa kanya.

"Eh kasi nga... si Doc Trevor..." 

"Mang Tonyo... kung gusto mong magtagal sa hacienda, huwag mong ipilit ang hindi pwede." Mabilis na sagot ni London sa sasabihin ni Mang Tonyo.
"Baka ipadala ka sa buwan ni Brook, isang sabi mo pa ang pangalang Doc Trevor." Dagdag pa ni London.

Napatingin sa amin si Mang Tonyo... saka tumawa.

"Ay pasensya na Senyorita... Hindi ko alam na magkasintahan kayo." Sabi ni Mang Tonyo.
Nasamid si Brook sa sinabi ni Mang Tonyo. Kinatok ko ang likod niya at binigyan ng tubig.

"Hindi pa... Huwag kang advance." Sagot ni Sakura kay Mang tonyo.

"Ang pangarap ko lang talaga ay malahian kami ng matangkad." Naiiling pa na sabi ni Mang tonyo. 

"Matangkad naman si Morris." Sagot ni Xykie.

Full force talaga sila. Pati si London nakisali na. Hindi niya ba alam na babalatan ako ng buhay ni Rome kapag nalaman na gusto ko si Brook?

"Gusto mo ba ng matangkad? Bakit hindi na lang kapre?" Sarcastic na sagot ni Brook. 

"Senyorita, huwag ka naman magalit sa akin. Sige hindi ko na ipipilt." Napakamot sa ulo si Mang Tonyo.

"Mang Tonyo, hayaan mo kasing magdesisyon si Tanya." I said. Para kumalma na si Brook. Nawala ang mga ngiti niya eh.

Selosa...

"Ano pa nga ba?" Sagot nito.

I playfully elbowed Brook beside me. 

"Huwag ka ng magselos." Bulong ko sa kanya. 

I small smile appeared on her lips.

"Buksan nyo na lang ang videoke... magkantahan na lang tayo." Sabi ni Mang Tonyo. 

Mukhang siya ang nabasted kung makainom. Magkasundo kaya sila ni Morris?

Kinuha ni Xykie ang mic.

"Gusto ko ng Eminem." Sabi niya. Naghahanap siya ng kanta sa song book. 

Naglabas ng Flat Tops si Mang Tonyo sa mesa galing sa bulsa. Medyo malambot pa ang chocolate at iniabot kay Xykie.

"Eto lang ang meron ako. Masarap din naman yan." Sabi ni Mang Tonyo. 

Itinago ni Brook ang mukha niya sa braso ko dahil tawa siya nang tawa.

Syempre, nagpipigil kami ng tawa kasi broken-hearted si Mang Tonyo baka lalong magdamdam.

"Mang Tonyo, yung rapper ang sinasabi ko." Paliwanag ni Xykie. 

"Eh hindi naman kinakain ang raper. Bakit nyo kakainin ang balat? Hindi naman whyt rabit yan. Hindi kinakain ang plastek." Pinangaralan ni Mang Tonyo si Xykie.

Hindi na namin napigilan ang tawa. Nasa likod ko na ang mukha ni Brook. Si Kiro na walang kibo sa tabi ni Sakura, napahagalpak eh.

Napanganga na lang si Xykie saka inabot ang Flat Tops. Binigay ni Xykie ang mic kay Mang Tonyo.

"Brook... we need to talk," I whispered to her. 

"About what?" 

"About your palipad hangin..." I saw her smirked. "And us." Her smirked turned into a smile.

"Okay." 

"Later." I said. 

She nods and offers me some of her peanuts.

Nakangiti akong umiling. 

"It's an honest mistake." Sabi niya sa akin.

Pimple sa mani... ano ba ang mga pinag-uusapan nila at ganito sya kagreen ngayon?

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon