Sky
Sinundan ko ng tingin si Kuya na palabas ng meeting room.
Nilingon ko si Dolor.
"Ikaw...." Dinuro ko siya. "Ang kapal ng mukha mo talagang babae ka."
Napalaki ang mata ng mga nasa meeting room.
"Tumawag ka sa HR." Utos ko sa assistant ko.
"Ma'am... maawa po kayo..." Sabi ni Dolor.
"Wala ako nun." Mabilis na sagot ko.
Nakatingin lang sa akin ang bago kong assistant na si Juancho. Ang luma ng pangalan niya, I know. Pero ang palayaw daw niya ay Yuan.
"Yuan... HR...Bilis." Sigaw ko sa kanya.
Nagmamadaling tumawag si Yuan sa HR. Nagsimula ng umiyak si Dolor.
Ngayon, iiyak-iyak ka? Kung makabakod ka kala mo syota ka ni Kuya.
Dumating ng HR manager at natingin agad kay Dolor.
"Ma'am Sky, bakit?" Tanong nito.
"I want her to be terminated immediately."
"On what ground?" Nagtatakang tanong ng HR Manager.
"For hiding Kuya's letters from him."
"I see..." Sagot ng HR Manager.
"I want you to look into her drawer and see if you could find other personal letters that she didn't give." Utos ko sa HR Manager. Tumango ang HR Manager at lumabas ng meeting room.
Tumayo naman si Dolor at tangkang susundan ang HR.
"Umupo ka." Utos ko.
Nakatayo pa rin si Dolor at umiiyak.
"Mauupo ka o ako mismo ang mag-uupo sayo. Wala akong pasensya sa mga tanga ha."
Umupo si Dolor at yumuko.
"Ma'am Sky, can we continue?" Tanong ng nagpepresent kanina bago tumawag si Sakura.
"Mukha ba akong may mood sa presentation? Nagsisimula akong magsesante ng mga mapapel na empleyado eh. Gusto mong sumunod?"
Napayuko siya.
Maya-maya pumasok si HR Manager at may dalang mga sulat.
"Ma'am Sky, marami pang letters ang nasa drawer ni Ms. Dolor na para kay Sir Chase." Inabot niya ang mga letters sa akin. Ang iba, open na. Binuksan at binasa na ni Dolor.
Mga cards galing sa mga ex ni Kuya.
"Meron bang case na pwedeng isampa sa kanya?" Tanong ko sa HR na mukhang nagulat sa tanong ko.
"Ma'am Sky... please po. Huwag na po." Pagmamakaawa ni Dolor.
"Anong huwag? Alam mo ba ang impact ng ginawa mo, ha? Dolor?! Buntis yung hinahabol ngayon ni Kuya. Paalis ng bansa dahil sa ginawa mo. Huwag kang iiyak-iyak diyan. Mas lalo akong nabubwisit sayo."
"Ma'am Sky. Kami na po ang bahala kay Ms. Dolor." Sabi ng HR Manager sa akin.
"Sige. Ayaw ko ng makikita pa yan sa vicinity ng company." I said.
Nakayukong sumunod si Dolor sa HR Manager. Naiwan ang mga kameeting ni Kuya na nakatulala sa akin.
"Yuan... I want you to have a meeting with the HR and look for vacant receptionist. Papalitan mo ang receptionist na nasa floor ni Kuya. Pagawa mong mga lalaki. Ayaw ko ng babaeng receptionist." Utos ko.
"Bakit ma'am?" Tanong ni Yuan.
"Trip ko lang." Sarcastic na sagot ko. "Kailangan ko bang mag-explain?"
Naitikom ni Yuan ang bibig at nagsulat sa notebook.
"Email me those figures. This meeting is adjourn." I said. Tumayo ako at naglakad palabas ng meeting room. Nakasunod sa akin ang matangkad kong nerdy na assistant.
Huminga ako ng malalim ng pumasok ako sa office ko at naghihintay si Arabella.
"Hindi ba matatapos ang pangit na araw ko." Bulong ko na nadinig ni Yuan."Ano ang kailangan mo, babaeng sandok?" Tanong ko kay Arabella na nakatitig sa assistant ko na nasa likod ko.
"Hi... I'm Arabella. Pinsan ni Sky." Paglalandi bigla ni Arabella kay Yuan. Feeling mowdel ang isang ito. Akala mo matangkad kung makaflip ng hair niyang na matigas.
"Hindi kita pinsan. Ayusin mo ang facts mo at baka ihagis kita sa bintana." Sabi ko."Uhmm... Ma'am Sky. Pwede bang sa labas muna ako?"Tanong ni Yuan.
Mukhang natakot ito kay Arabella. Sino ba naman ang hindi matatakot dito? Mukhaitong drift wood at may bulaklak pa ang headban.I wave my hand to him.
"Ibibili na lang kita ng Frappe sa Starbucks." Sabi ni Yuan bago isarado angpinto."Ang cute ng assistant mo." Ang sabi ni Arabella na akala mo close kami.
Kailan ba matatapos sa pag-aaral si Star at ng maipasa ko na itongresponsibilidad ko sa kanya?
-----------
A/NIba ka ARABELLA... Ang lakas ng self-confidence.
BINABASA MO ANG
Can't Fight this Feeling (Completed)
RomantikTrevor has been inlove with Brook since he saw her during his volunteer work in Negros. Okay na sana, liligawan na nga sana nya after makagraduate but... anak si Brook ng Haciendera. And somehow naging ilag si Trevor sa dalaga. Ngayon, hindi lang n...