Chapter 27- Mga Anash ni Mudra

10.7K 357 17
                                    

Brook

Kinabukasan, maaga kaming nagkita-kita sa boutique ni Tita Kaye para sa fitting ng gown namin. Bukas na ang engagement party at ang mga boys ay nasa...firing range. Wala daw dadanak ng dugo kaya nagshooting sila ngayon. Para lang daw handa.

"Bakla, red ang isuot mo." Itinaas ni Violet ang red gown. Venus cut ito at may slit.
"Sige... sukat ko." Sabi ko.

Perfect... malamang kulay bright pink ang venue bukas... o kaya purple. Jologs yung si Georgina eh.

Si Ate Zoey naman, naka black na dress.

"Kabisa mo na ang script mo?" Tanong ni Ate Cailee sa kanya. 

Tumango si Ate Zoey. 

Ang mga assistant coach namin, todo support. Ganito ang pagkakaibigan. Pati sa kalokohan, damay-damay.

Kaibigan nga pala ni Ate Cailee si Trevor. Sanggang dikit sila sa mga volunteer works. Nagselos pa naman ako dati sa kanya yun pala friends lang sila. Eh kasi naman ang chismis dito parang laging dala ng hangin.

Anyways... no hurt feelings ako kay Ate Cailee.

"Bakla... dapat ganito ang pasok mo... 'Oh...Hi Georgina.... Ganern.'" Sabi ng buntis na si Summer. 

"Sige...sige..." excited na sagot ko.

"Isumbat mo sa kanya ang kinain niyang kitkat." Sabi pa ni Summer. Matindi talaga si buntis.

"Sureness..." I replied.

Natatawa si Tita Kaye habang nakikinig sa amin.

"Brook, you remind me of your mom noong panahon na may lumalandi sa daddy mo." Sabi ni Tita. 

Eh dahil chismis is life, para kaming uhaw na langgam na nagkumpulan kay Tita Kaye at naghintay sa sasabihin niya.

"Ano nga ba ang pangalan ng babae na yun?... Ah Lara... Nagpunta si Lara sa Club Zero... nandoon lahat kami. Kilala mo ba yun? Step sister ng mommy mo?"

Umiling ako. "Narinig ko lang ang name nya before." Sabi ko. 

"Anyways, ex ng daddy mo yun. Isa sa mga pinaglaruan niya..." Naikot ang mata ni Tita Kaye.
"Tapos ang eksena, nagdeclare si Lara na buntis siya which is hindi naman totoo dahil baog pala si girl." Napasinghap kami. 

Akala ko may kapatid ako sa labas...na kailangan namin papasukin... hahaha.

"Ang ginawa ng mommy mo... kinaldkad niya ang step sister niya. Hinawakan sa buhok at talagang hinila at sinaldak sa isang bangko sabay tutok ng kasadong baril sa ulo ni girl."

Wow... may kaganapan palang ganun dati si mommy.

"Astig..." Sabi ni Violet. 

"Saan nakuha ni Tita D ang baril?" Tanong ni Xykie. 

"Eh di binigay ng mommy mo. Nakuha niya sa boots ng daddy mo yung baril." Pagkukwento ni Tita Kaye.

Nagtawanan kami. Oh gosh... I can imagine that scene... Juice kuh ang mga magulang ko...ang daming hanash.

"Kaya nga ang nasabi na lang ng magulang mo sayo di ba ay...'Mag-iingat ka.'" Natatawa na sabi ni Tita Kaye.

Oo nga, hindi na ako pinigilan nila mommy. Kampante yata sila na ang dami kong kasama. Saka kunsintidor ang mga Titos at Titas... majority wins.


After lunch na kinabukasan kami nagkita-kita ulit sa boutique ni Tita Kaye. Ako, si Xykie, si Ate Jack, si Tita Abby at si Ate Zoey.

"Kaya ba ni Sakura na mag-isa?" Tanong ko kay Xykie. 

"Hindi siya mag-isa. Maraming shadows. Siya ang leader nila." Sagot ni Xykie. 

Ahhh!!!

"Ready ka na?" Tanong ni Tita Abby sa akin. 

"Kinakabahan po ako." I honestly said. 

"Okay lang yan. Madami kang back up." Sabi niya sa akin.

"At naka live streaming kayo sa Club Zero mamaya." Sabat ni Ate Cailee na pumasok sa boutique. 

"Whaaatttt?" Napamulala ako.

"Lagay hindi namin mapanood? Nakaset-up ang cameras nila Tita Lise. Swerte naman sila ang kinuha to cover the event." Pagbabalita ni Ate Cailee. 

"Tita Lise will be there, mamaya." Sabi niya pa.

"Ayos... hihintayin namin kayo sa Club Zero kapag nailigtas niyo na si Prince Charming mo." Sabi ni Violet. "May party tayo mamaya..."

Eh di mapapanood ng buong Country Club ang kabaliwan ko? Naku Trevor ka...kapag ikaw niloko mo pa ako, susunod nilang mapapanood ng live ang paghunting ko sayo.

Chismis is Life talaga dito.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon