Chapter 16- M.U

10.6K 378 19
                                    

Brook

"Teka...vhakkklllaaa...maglip stick ka." Binigay ni Violet ang mga lipstick sa akin.
Si Sakura naman, pinaliguan kami ng pabango. Nadamay ang mga nag-aassist sa akin.

"Lip tint lang baka magkiss sila, may evidence pa." Sabi ni Mia. 

"Tomo..." Sabi ni Xykie. Kinuha niya ang mga lipstick at binigyan ako ng sandamakmak na lip tint.

"Nagtooth brush ka na ba? Mouth wash? Mint candy?" Sunod-sunod na tanong ni Violet. 

"Mabaho ba ang hininga ko, ha?" Naasar na tanong ko sa kanya.

Parang JS prom ang pupuntahan ko. Kung todo support sila, sa labas lang naman ako pupunta. Inayos pa ang buhok ko ng mga tinamaan ng kilig.

My phone vibrated. Napatingin kaming lahat sa cellphone na nakapatong sa dresser.

Are you still awake? Can you meet me downstairs?
-Trevor

Waaahhhhhh... Kinilig kaming lahat.

Ehem...ehem...

"Kaunting ngiti lang Brook. Baka lumabas ang gums mo." Paalala ni Xykie.

"OMG." Nanlalamig ang kamay ko.

"Goodluck Vhaaakkkla." Paalam nila. Naiwan sila sa kwarto ko.

Bumaba ako ng hagdanan at nakita kong nakatayo si Trevor sa may sala. Buti na lang hindi ako nagdress at nagjeans lang ako... Bwisit na Sakura, magdress daw ako para madali ang access. Manyak talaga. Frustrated kasi kay Kiro kaya binubugaw ako.

"Ready?" Tanong ni Trevor. 

"May pupuntahan ba tayo?" 

Nagkibit ng balikat si Trevor and he guide me outside. May nakapark na 4x4 sa labas. Pinagbuksan nya ako ng pintuan mga bakla... Bago ako pumasok sa kotse, tumingin muna ako sa may bintana, nakita kong nakasilip ang mga chismosa kong kaibigan.

"Hindi ko alam na lalabas tayo." I said ng nagmamaneho na si Trevor palabas ng Hacienda. 

"Hindi ko rin naman naisip agad. But, ayaw ko lang na may biglang sumulpot na naman habang nag-uusap tayo." Sagot ni Trevor.

Shooooookkkkkk...........
Konting ngiti lang Brook... ang gums baka lumabas!

Dinala ako ni Trevor sa isang parang subdivision sa taas ng bundok. Dahil bilog ang buwan, medyo maliwanag ang paligid. Nagpark siya sa isang vacant lot na over looking sa dagat.

"Wow." Bumaba ako at tinanaw ang dagat. May mga ilang maliliit na ilaw sa dagat na for sure ang mga mangingisda.

"Ngayon ka lang napunta dito?" Tanong niya sa akin. 

"Yeah. Hindi ko alam na may ganitong view dito. How did you found this place?" 

"Nadaan kami minsan dito when I went with the Red Cross." Sagot niya.

Ang ganda... nakareflect sa dagat ang liwanag ng buwan. Pareho kaming nakatayo ni Trevor at nakatanaw sa dagat.

"Brook." 

"Hmmm..." 

"Yung mga palipad hangin mo." 

"What about it?" Humarap ako kay Trevor. Hinarangang ko ang view ng dagat. "Does it bother you?" Lakasan ng loob na tanong ko.

Natawa ng bahagya si Trevor. 

"Will you stop if I say yes?" 

"No." I replied.

"Magulo ang buhay ko." Simula ni Trevor. 

"Gusto mong ayusin ko?" 

Natawa na naman si Trevor. 

"Mas lalo mo ngang ginugulo eh." Sabi niya.

Nawala ang lakas ng loob ko. Poofff...

"Bigla ka na lang nagbibitaw ng mga salita tapos aalis ka. Sasabihin mong "Para kilala ko ang mga karibal ko." tapos magwawalk out ka." 

Napalunon ako.

"Titigilan ko na." I murmured. Napatingin ako sa suot kong sneakers. 

"That's not what I mean." 

"Eh ano? Kinakabahan ako, sa totoo lang." I said. 

Umiling si Trevor... 

"My lolo wanted me to use your family for his political career. That's why I am stepping back every time I have a chance to be with you. I don't want him to use your family. I am sick of his game."

Bigla akong napatingin muli kay Trevor.

"Hindi ko kayang gamitin kayo. Kayo lang ang naging pamilya ko these past few years. Ayaw kong madamay ka. Kaya lumalayo ako. Pero para kang tukso nitong mga nakakaraang araw."

Hindi ako nakakibo.

"And what you said makes me awake at night. Those naughty remarks..." 

Pinigilan kong mangiti. 

"Akala mo hindi ko alam na pinagkaisahan nyo si Tanya at kinunsinte si Morris. Kayo ng mga kaibigan mo, puro kayo kalokohan." 

Pinapagalitan nya ba ako?

Huminga ng malalim si Trevor.

"Rome will not approve of me. You will be another secret that I don't want my family to know. I am afraid that they will hurt Zoey. I am now more afraid that they will use you on their selfish needs."

"So...what do you want me to do?" Naguguluhang tanong ko. 

"God... I don't know. I am craving your attention yet I am afraid to grab it. I am longing to be with you yet I am scared to show it. I am in the middle of this blackness and I don't know which way to go." Sabi ni Trevor.

"Hindi naman ako mainiping tao. When you figure out what you want, let me know." I playfully punch his shoulder. 

"Spoiled ako Trevor. At kukuhanin ko kung ano man ang gusto ko. At gusto kita... Kaya humanda ang mga karibal ko."

"Ayan ka na naman..." He pressed his forehead into mine.
"Nilalapit mo sa akin ang mga bagay na masaya na akong tingnan sa malayo dati."

"You are like a drug to me, Brooklyn." He whispered.

I close my eyes at lakas loob na tinawid ang iilang pagitan ng mga labi namin. I will let you get addicted to me so you will choose me. So you will be coming back only to me whenever you step back.

Buti na lang lip tint lang ang gamit ko...walang evidence. My friends will be so proud.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon