Chapter 11- Mga Konsintedora

10.3K 344 7
                                    


Trevor

Akala ko ay galit sa akin si Brook. Inisip ko pa naman kagabi kung bakit siya nagwalk-out. And what she said before that.

"Para kilala ko ang mga karibal ko."

Napapailing na lang ako sa babaeng nasa harapan ko.

Nag-aalmusal ang karamihan nang pumasok kami sa bahay. 

"Aga nyong gumala." Puna ni Zoey. Sabay taas ng kilay sa akin. 

"I'll take my shower. Excuse me."

Sumunod din si Brook paakyat ng hagdanan. 

"Brook, thanks for..." 

"Wala yun." She replied at dinaanan ako paakyat. Basa ang likod niya. 

"Sorry, nabasa ka." 

"Oks lang."

"Galit ka ba?" Bigla kong natanong. 

Huminto siya sa pinakaitaas na baiting at saka humarap sa akin.

"Sayo hindi. Kay Mang Tonyo at Tanya, konting-konti na lang ang pasensya ko." Sagot nito bago nagpatuloy sa paglalakad. 

Natawa ako ng bahagya kaya tumingin na naman si Brook sa akin. This time, nakahalukipkip na siya at nakataas ang isang kilay.

"Ano ang nakakatawa?" Tanong niya. 

"Bakit ka naman naiinis kay Mang Tonyo?" 

Mas lalong tumaas ang isang kilay niya.

"You can call me spoiled, Trevor...pero isang porma pa ni Mang Tonyo sayo, ipapadala ko na siya sa bundok ng tralala." Tumalikod si Brook at nagdadabog na pumasok sa kwarto niya.

Kagabi ka pa, Brook... Magsasalita ka ng mga ganung bagay tapos aalis ka.

Tinawag ako ni Zoey nang bumaba ako pagkatapos kong maligo. Nasa sala sila ni Tita Diane, Tito Tristan, London at Brook.

"Trev...may suit ka na bang isusuot para bukas?" Tanong niya.
Napatingin ako kay Brook na nakayuko sa magazine pero nakataas ang isang kilay. Consider na bang promise yung sinabi kong sa kanya na I might go to that party?

"Wala pa." I replied. 

"Hello, Tita Kaye, wala daw suit na dala si Trevor." Sabi ni Zoey sa cellphone. May kausap pala siya. 

"Okay sige po. Thank you, Tita."

"Si Tita Kaye na daw ang bahala. Dadating sila mamayang hapon." Sabi ni Zoey sa akin. 

"Trevor, sabay ka na samin bukas." Sabi ni Tita Diane. 

"Okay po Tita. Thank you po." I replied.

Ano kaya ang tinitingnan ni Brook sa magazine na yun? Kanina pa siya nakatingin sa picture ng koala.

"Remember Morris... Do not engage in any argument with Mang Tonyo." Nadinig namin si Xykie. Hinintay namin silang makababa ng hagdanan.

Si Morris na bihis na bihis at may dalang teddy bear. Inabot ni Violet kay Morris ang dalang mga bulaklak galing sa kitchen. At si Sakura naman, inabutan siya ng chocolates. Yung mahabang chocolate na Toblerone.

Si Lucas at Henry ay bumaba rin ng hagdanan at tawa nang tawa.

"Anong meron?" Natatawang tanong ni Tita Diane. 

"Manliligaw si Morris, Tita." Sagot ni Xykie at hinampas pa sa balikat si Morris. Napalakas yata ang pagkakahampas ni Xykie dahil napaaray si Morris. 

"Nang tanghaling tapat?" Natatawang tanong ni London. 

"Para mahaba ang oras." Sagot ni Violet. Inayos pa nila ang buhok at kwelyo ni Morris.

"If this is the only way to ditch you, by all means, Morris, I will support you all the way." Sabi ni Henry na nakaupo sa baiting ng hagdanan. 

"My Lord... I will assure you that my loyalty to you is still as high as the Eiffel Tower even you mock me in a very creative way." Sagot ni Morris.

Nadidinig kong humahagikgik si Zoey at Xykie.

"Sino ba ang liligawan nyan?" Natatawang tanong ni Tita. 

"Si Tanya." Sagot ni Sakura.

"Remember what I taught you?" Tanong ni Xykie kay Morris.
Nagpipigil ako ng tawa... baka makaoffend ako... Pero, taena, nakakabilib si Morris. 

"Yes...My Lady. Mehel keta." Sagot ni Morris. 

"Yes...yes...Correct." Sagot ni Violet at nagpalakpakan si Xykie, Violet at Sakura.

Tawa nang tawa si Lucas at Henry... Pero hindi natinag si Morris. 

"Senyorita Brook." Napatingin kami sa isang bata na humahangos sa labas ng bahay. 

"Dumating na sila Mang Tonyo galing simbahan." Sabi nito.

"Salamat." Sabi ni Brook.

"It's your time to shine, Morris. Show them what you've got." Sabi ni Xykie. 

Hinagis ni Brook ang kumpol ng susi kay Xykie at binigay naman nito ang susi kay Morris.

"My Lady, My Lord, Your Grace, Ladies, and Gentlemen..." Simula ni Morris. Isa-isa niya kaming tiningnan at nagbow kay Henry at Lucas.

"I will be back later. For now, I have a wild heart to catch." Nakangiting sabi niya at lumabas ng bahay.

"Go Morris..." Pagche-cheer ni Xykie, Sakura at Violet habang paalis ang van na dala ni Morris.
Alam kaya nito kung saan pupunta?

"Trevor... baka naman pwede mong gayahin si Morris para magkalove-life ka na?" Bulong ni Zoey sa akin.

Napansin kong umiilin si London habang nakatingin sa kapatid.

Ngiting tagumpay naman ang magkakaibigan.

Napatingin sa akin si Brook saka binigyan niya ako ng I-told-you-so smile.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon