Chapter 5- Salubong

12.3K 399 22
                                    

Trevor


Sinalubong kami ng masayang tugtugan ng musiko sa loob ng hacienda. Ako man ay unang beses pa lang ako na dadalo sa fiesta ng bayan. Dahil kalahati ng bayan ay sakop ng Hacienda Vicente, parang fiesta rin ito ng buong Hacienda. At dahil hindi madamot si Tita Diane at Tito Tristan sa mga trabahador nila, isang linggong walang pasok sa buong Hacienda.

"Maligayang pagdating mga kids." Bati agad ni Mang Tonyo sa amin pagbaba namin ng bus. 

"Mang Tons, long time no see." Bati nila Gabriel sa matanda. 

"Nasaan ang mga kumpare ko?" Tanong ni Mang Tonyo. 

"Baka sa isang araw pa sila." Sagot ni Gab.

Nag-iinat ang karamihan ng makababa sa bus. Medyo traffic kasi mula sa airport dahil halos sarado ang daan sa may plaza at simbahan.

"Kay gagwapong mga bata." Puna ni Mang Tonyo. "Doc. Trevor, sa amin ka na mananghalian." Paanyaya ni Mang Tonyo. 

Unang tumawa si Cailee at Zoey sa sinabi ni Mang Tonyo.

"Dito na lang po. Salamat." Magalang na tanggi ko. 

"Naghihintay si Tanya sa bahay." Sabi pa nito. 

Nagtawanan ang mga nakarinig sa amin. Lalo na si Rome na parang tuwang-tuwa sa mga nangyayari.

"Mang Tonyo, may ipapakilala kami sayo." Sabi ni Brook. 

Hila-hila ni Xykie si Morris papunta kay Mang Tonyo. Si Morris ay may kapayatan na tao. Siguro nasa 40 na siya. Medyo mahaba ang mukha. Hindi naman siya pangit. Nakakatuwa nga siya sa pagiging vain niya.

Inayos ni Morris ang nagusot na damit bago tumayo ng deretso sa tabi ni Xykie. Tumingala si Mang Tonyo kay Morris dahil may kataasan si Morris.

"Mang Tonyo, meet Morris. Morris this is our beloved Mang Tonyo." Pagpapakilala ni Brook.

Biglang tumahimik ang lahat.

"It's a pleasure meeting you Mang Tonyo. You may call me Morris as everybody uses it. But my full name is Morris Aleister Von Clausewitz." Inabot ni Morris ang kamay niya kay Mang Tonyo at naghintay itong makipag shake hands.

Samantalang si Mang Tonyo ay tulala kay Morris. 

"Mang Tonyo shake hands daw." Siniko ni Brook si Mang Tonyo para matauhan siguro ang matanda.

Alanganing nakipagkamay si Mang Tonyo ko Morris.

"Ano ang sasabihin mo?" Bulong ni Brook kunwari kay Mang Tonyo. 

"I'm pyn. Tenk you." Sabi ni Mang Tonyo.

Naghagikgikan ang mga tinamaan na mga spoiled brat na ito. Pinagtripan si Mang Tonyo.

"Brook, huwag nyo ngang pagtripan si Tonyo at baka dumugo ang ilong nyan. Walang clinic ngayon ha...lasing ang mga doctor." Sigaw ni Tita Diane sa may veranda.
"Magsipasok na kayo."

Isa-isa na silang nagsipasok sa mansion.

"Doc. Trevor." Pigil sa akin ni Mang Tonyo. "Punta ka sa bahay ha." Pamimilit ni Mang Tonyo.

"Mang Tonyo, may bisita po dito. Kayo na lang po ang makijoin sa amin." Mahinahon na sagot ni Zoey. 

"Sige magdadala ako ng lambanog mamaya sa kubol." Sagot ni Mang Tonyo.

Nakahinga ako, literally, nang makapasok kami sa mansion ni Zoey. Tawa siya nang tawa sa tabi ko. 

"Talagang target ka ni Mang Tonyo." Tumatawang sabi niya. 

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon