Chapter 4- Road to Negros

12.7K 385 29
                                    

Brook


My God, sana sumama siya. Ayaw kong makasayaw na naman ang anak ni Mayor. Sawang-sawa na ako sa mukha nun. 

"Sino ang hinahanap mo?
Ako ba na kasama mo?
O siya bang nawawala sa grupo...
Ohh... Anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
Nalilitong-litong-litong-litong-lito...." Humirit na naman ng palit lyrics na kanta si Violet.

"Huwag kang maingay... Nasaan ang jowa mo bakit sa akin ka nakadikit?" Inaalis ko ang pagkakaakbay ni Violet sa akin. 

"Pinagtutulungan nilang magpipinsan si Morris. Ayaw kong madamay, so dito na muna ako sa may-ari ng hacienda didikit. Meron bang mga games kapag fiesta?" Excited na tanong ni Violet. 

"Agawang baboy." Sagot ko naman. 

"As in? Meron? Excited ako." Sabi nito.

"Okay, count your head." Naka mega phone talaga si Kuya Gab para lang madinig namin. Ang dami namin... Ang gulo nito.

"Dalawa ang sakin." Sagot ni Kuya Rome. Pinaghahampas siya ni Ate Zoey sa braso dahil sa kabastusan. 

"Honey...dalawa talaga ang anak ko. Malisyosa ka." Sagot ni Kuya habang umiiwas sa mga kurot ni Ate.

"I know you were looking for Trevor... Shame on me...Now." Siniko ko si Violet na kumakanta sa tabi ko. 

"Aray ko naman bakla. Sinasabi ko lang na dumating na si Doc." Bulong niya.

Hinanap ko ng tingin si Trevor... At ewan ko ba kung bakit ako nakahinga ng maluwag ng makita ko siya. 

"Para hindi ka halatang hinuhubaran mo siya sa tingin, magsuot ka ng shades." Bulong ni Violet.

Naiwas tuloy ako bigla ng tingin at humarap kay Violet na tawa nang tawa. 

"Si Summer?" Tanong ko sa kanya. 

"Naghahabol sila ni Chase baka daw madagdagan pa yung anak nila." Pilosopong sagot nito. 

"Hindi sasama?" 

"Hindi. Ayaw paalisin ng bahay ni Chase. Hayaan mo na, bagong kasal eh." Sagot ni Violet.

Napatingin na naman ako kay Trevor na kausap na ngayon ni Zoey.

"Is that him?" Tanong ni Mia. 

Napapikit ako nang tumawa si Violet. 

"Sabi ko ng magsuot ng shades eh." Sabi ni Violet.

"He looks older than you. You will be named Daddy's girl too." Napatingin kami kay Mia ni Violet. 

"Anong Daddy's girl?" Tanong ni Violet. 

Mia wrinkled her nose. "Eh iyon ang tawag ni London sa atin." Tinuro ni Mia si Violet at ang sarili niya. 

"Because we like older man." She shrugged her shoulder.

"Sira ulong yun ah. Ginawa tayong sugar babe." Sabi ni Violet. Naoffend talaga ang bakla. 

"Hindi ka na nasanay kay Kuya London." Natatawang sagot ko.

At dahil madami kami at hindi kaya ng runway dito sa Country Club ang malaking eroplano, kinailangan naming sumakay ng bus papuntang MIAA. Unahan sa pagsakay ng dumating ang bus. Para kaming may excursion. Syempre, partner partner ang magkakatabi. Tatabi sana ako kay Kuya London pero katabi na niya si Jaxx.

"Brook." Natingin ako kay Trevor. 

"Dito ka na. Wala ng upuan." Sabi niya. Tumayo pa siya para makadaan ako at maupo sa tabi ng bintana.

Ang mga hitad kong kaibigan gumalaw ang mga kilay. Pepektusan ko ang magsasalita sa inyo.

"Brook, sino yun?" Bulong ni Trevor sa akin at itinuro si Morris. 

"Ah...si Morris yan. Yung butler ni Henry." Bulong ko naman. 

Jesus Christ...ang bango ni Kuya... at amoy mint ang hininga. Lasang mint din kaya?

"Ahhh siya pala yun." Nakatingin si Trevor kay Morris na ikinakabit ang earphone sa cellphone.

Ayus na ayus at wala ni isang buhok na naligaw sa pagkakahawi ng buhok niya. Mas mukha pa siyang royal blood sa suot nitong longsleeves na polo kaysa kay Henry at Lucas na naka T-shirt lang.

Inilagay ni Morris ang ear phone sa tenga at deretsong sumandal sa upuan. Noong una bumubulong lang si Morris hanggang sa lumakas na ang kanta niya. Pucha...Bon Jovi

Now I'm drowning in the flood
You see I've always been a fighter
But without you, I give up

Umiiling-iling pa si Morris. Humahagikgik si Xykie na nakatanaw din kay Morris na nilunod na ng music. Natahimik ang buong bus sa pagkanta ni Morris. Tapos ang lokong si Jaxx sinabayan pa si Morris na walang kamalay malay.

Now I can't sing a love song
Like the way it's meant to be
Well, I guess I'm not that good anymore
But baby, that's just me

Si Mia na nasa likod ko nakijoin na din.

Yeah I, will love you, baby
Always and I'll be there
Forever and a day, always

Narinig siguro ni Morris na halos buong bus na ang kumakanta kasabay niya kaya tinanggal niya ang ear phone niya pero sige pa din sa pagkanta.

Pero alam mo kung ano ang nakakakilig? Yung feeling ko na para sa akin ang kinakanta ni Trevor sa tabi ko. Shit... Sumasabay siya sa kanta eh... Mukhang ako lang ang nakakadinig. Yung tipong nakangiti siya na matitingin sa akin habang kumakanta rin. Tapos syempre ako naman nakashades para hindi halatang nakatitig sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa airport, kumakanta kami ng Bon Jovi na yan. Hindi na ako nagreklamo. Parang magiging friend ko si Morris. Feeling ko lang.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon