Chapter 9- Timing din kung minsan

10.8K 333 27
                                    

Trevor

Lasing silang lahat at hindi na nakapaghapunan ang iba. Mabuti naman at tahimik na.

Nakaupo ako sa kubol mag-isa, dinig ko ang tawanan ng ibang mga tauhan. Nagkakasayahan sila sa baryo. Iyon ang tawag nila sa compound ng mga pabahay para sa mga tauhan.

"Ang layo ng tanaw mo." I heard Brook's voice before I see her. 

"Kumain ka na?" Tanong niya ng tumabi sa akin.

"Yeah. Ikaw?" 

Tumango siya. Sumandal siya sa ipinikit ang mga mata. 

"Pupunta ka ba sa party?" Tanong ni Brook sa akin.

"Hindi ko alam." I said. 

"Pumunta ka na please. Para naman may iba akong makausap besides sa dalawa kong Kuya."

Napangiti ako. "Ayaw ko sanang pumunta hanggat maari sa mga political parties." I told her. "But since you asked... then I might."

Napangiti si Brook.

"Bakit ka nagdoctor, Trevor?" Pag-iiba nya sa usapan. 

"Dahil iyon ang gusto ng lolo ko." I replied. 

"Ano ba ang gusto mo talaga?"

Matagal ng may nagtanong sa akin niyan... 

"Magpinta." I said. 

Hindi kumibo agad si Brook. "Bakit hindi mo pinagpapatuloy? Pwede mo naman gawin ngayon yung gusto mo." She suggested. 

"Wala na akong mga gamit saka wala na akong oras. Bukod sa nagustuhan ko na rin ang pagiging doctor."

"You are good at what you are doing. Instead na magpayaman ka gaya ng ibang doctor, you are giving your service almost free." Binuksan ni Brook ang isang mata at tumingin sa akin. Pinikit niya ulit ito.

"Pwede pang magtanong?" 

Natawa ako at nagpaalam pa siya. 

"Shoot," I said. Tuluyan ng dumilat si Brook.

"Medyo personal." Kagat-kagat ni Brook ang labi niya. 

"Alam ko naman na mahilig ka sa chismis." Biro ko sa kanya. Ngumiti lang si Brook at tuluyan ng humarap sa akin.

"Paano mo nalaman na magkapatid kayo ni Ate Zoey?" 

"Noong pre-med ako, nakatuwaan ko lang na i-check ang DNA structure ko. Kumuha ako ng buhok ni mommy at buhok ni daddy. Then my blood sample. 99% match kami ni mommy...but zero kay daddy. So I repeated it...this time sa isang kilalang lab na. The result was still the same."

Nakikinig si Brook sa akin. Nobody, not even Zoey asked me how I found out. Tanging si Brook lang ang nagtanong.

"When my mom was in death bed, she asked me to forgive her. And I asked if this was because of my parental lineage. My mom was surprised that I already know. Ang tanging hiniling ko lang ay ang malaman ko kung sino talaga ang tatay ko. She gave me a name and I looked for him. I found him pero sa mismong burol na niya. Zoey and I did DNA testing. It was confirmed na magkapatid kami."

"Does your dad know that..." Binitin ni Brook sasabihin. 

"He knew that I am not his kaya medyo malayo siya sa akin. But they don't know that I already knew the whole story. Kaya hindi ko maipakilala si Zoey... kahit gustuhin ko pa."

"Bakit naman hindi?" Parang may lungkot sa way ng pagtatanong ni Brook. 

"Madadamay lang siya sa galit ni lolo sa tatay ko. Masyado silang... how to say... self-righteous para maintindihan ang totoong nangyari." Huminga ako ng malalim.

"I see..." Sabi ni Brook. 

Nakahinga na ako ng maluwag dahil mukhang tapos na ang inquisition niya.

"So bakit wala kang girlfriend?" Biglang tanong nito. 

"Huwag kang naniniwala kay Zoey." Defensive na sagot ko. 

"So meron?" Curious na tanong nito. 

Hindi ako kumibo.

"Kilala ko?" Pangungulit ni Brook. 

"Bakit mo biglang tinanong?" Balik na tanong ko sa kanya. 

"Para makilala ko." Sagot niya. 

"Eh ano naman kung makilala mo?" 

Tumaas ang isang kilay ni Brook.

Ang ganda nya talaga. Nakuha niya ang taas ng daddy niya, ang amo ng mukha ng mga Ramirez, ang ngiti ni Tita Diane. Parang lagi siyang may kalokohan na iniisip.

"Para kilala ko ang mga karibal ko." Sabi niya sabay ngiti.

Napatanga ako kay Brook. Anong?

"Ha?" 

"Nadinig mo naman, di ba? Hindi ka bingi, Doc." Sagot niya.

 "Magandang gabi, Doc Trevor... Senyorita." Biglang sumulpot si Mang Tonyo. May dalang container ng ice cream at kasama niya si Tanya. Ang galing talaga ng timing...Maryosep. 

"Wala na yata ang iba." Sabi pa ni Mang Tonyo.

"Nalasing." Maikling sagot ni Brook. 

"Ay Doc. Pinagluto ka nga pala ulit ni Tanya ng chicharong bulaklak." Nilapag ni Mang Tonyo ang ice cream container sa ibaba ng mesa.

Hindi pa pala sumusuko si Mang Tonyo. Mga ilang ilag pa ang kailangan kong gawin?

"Hinahanap mo ba si Morris, Tanya?" Tanong ni Brook. 

"Hindi naman po, Senyorita." Sagot ni Tanya. 

"Umupo kaya kayong dalawa. Bakit nakatayo kayo?" Tanong ni Brook.

"Doc., baka gusto mong sumama sa aming magsimba bukas." Tanong ni Mang Tonyo.
Anak ng patani si Mang Tonyo.

"Si Morris, free bukas." Sagot ni Brook. 

Napangiwi si Mang Tonyo. 

"Pasamahan ko kayo...Mga anong oras ba kayo magsisimba?"

Napayuko si Tanya. 

"Eh Senyorita... Si Doc. Trevor yung iniimbita namin." Sagot ni Mang Tonyo. 

"May lakad kami bukas. Si Morris nga, libre. Dalin nya pa ang sasakyan para hindi na kayo maglakad." Sagot ni Brook.

"Salamat na lang po Senyorita." Sagot ni Tanya. 

Umalis ang mag-ama. Hinintay kong makalayo sila bago ako kumibo.

"Bakit bigla tayong nagkalakad?" Tanong ko kay Brook. 

"Gusto mo bang sumama sa kanila?" Tanong ni Brook. 

"That's not the point... Pinangunahan mo akong magdecision." I told her.
Bumuntong hininga si Brook at saka tumayo. 

"You can come with them if you want, Trevor." Sabi niya. 

Nawala na ang sigla sa boses niya. Tumalikod si Brook at pumasok sa bahay.

Ganun lang yun? Pagkatapos niyang magbitaw ng salitang "Para kilala ko ang mga karibal ko", tatalikod na lang siya at aalis?

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon