Chapter 21- Payong Inuman

10.2K 343 14
                                    


Trevor

"Oh...bilis ng party. Nandito ka na agad!" Nagtatakang tanong ni Ralph nang pumasok ako sa kwarto na tinutulugan namin. Karoom-mate ko sila ni Jaxx.

"Umuwi agad kami." I said. Kinuha ko ang maleta ko at inayos ang mga gamit ko.

Nagtatakang pinanood ako ng dalawa. 

"Aalis ka?" Tanong ni Ralph. 

"Kailangan ko ng umalis." I said. 

Hinubad ko ang suit at tinanggal ang bow tie.

"Nag-away kayo ni Brook?" Tanong ni Jaxx.

Napahinto ako sa pakikipagtalo sa luggage at pinagsisipa iyon hanggang sa matapon ang mga damit ko sa sahig. Naupo ako sa kama na parang pagod na pagod.

God...pagod na pagod na ako sa kakaiwas sa mga masamang mangyayari. Pagod na akong iwasan si Brook. Pagod na akong ipagkaila si Zoey. Pagod na akong hindi mailibot ang mga pamangkin ko.

"Pre, walang laban ang maleta sayo. Ano ba ang problema?" Pinulot ni Ralph ang maleta sa sahig. 

"Tara, may isang bote akong nakatago." Kinuha ni Jaxx ang isang bote ng double black sa maleta niya. 

"Tara sa kubol. Pag-usapan natin yang problema mo. Huwag mong sarilinin, Doc." Yaya nila Jaxx at Ralph.

Hindi pa ako nakakabihis, hinila na ako ni Jaxx palabas. Naabutan namin si Gab at Kiro sa kubol. Nahinto ang pagbubulungan nila ng dumating kami.

"Saan nyo galing yang double black? Meron pala kayong nakatago, pinurga nyo kami sa lambanog ni Mang Tonyo." Sabi ni Gab. 

Naupo kami sa mga kawayang upuan. Hinintay namin ang baso na inutos namin sa isang kasambahay.

"Ano problema, Doc?" Tanong ni Ralph. 

"Teka, wala pa yung baso. Mamaya ka na magtanong." Sagot ni Jaxx.

Naka-dalawang round na ako ng brandy bago ako nagsalita. Hindi ko naman kinuwento lahat pero more or less naintindihan naman nila ang sitwasyon. 

"Suggestion lang...You can take it or leave it... Huwag ka ng umuwi sa lolo mo. Tutal, may trabaho ka naman." Sabi ni Gab.

"I promised my mom that I will take care of lolo." I replied. 

"Nagpromise din ako sa tatay ko noon na magtatago ako, pero ang ending, hinarap ko din ang triad niya." Sabi ni Kiro. I know his story...Not a good one, but he is still standing despite of that tragedy.

"Gaano ba kasama ang lolo mo at natatakot kang balingan niya si Zoey?" Tanong ni Jaxx.
Napatingin ako kay Gabriel. 

"Kaya nyang magpapatay ng tao." Sabi ni Gab.

Ofcourse, alam niya. At malamang, alam ni Tito Red ito.

"Eh ano naman ang ikinatatakot mo kay Brook?" Tanong ni Ralph. 

"Bukod sa chismosa silang mga babae..." Dagdag ni Jaxx at nagtawanan silang apat.

Natawa ako ng mapakla.

"Mayaman siya." I said.

"Ahhhh...." Sabay-sabay nilang reply. 

"Mahirap ngang tawirin yang katotohanan na yan." Sabi ni Jaxx. 

"Relate ka?" Tanong ni Ralph sa kanya. Nagkibit balikat lang si Jaxx.

"Wala ka ng magagawa sa yaman niya eh." Sabi ni Gab. Walang higit na nakakarelate sa situation ko kung hindi si Gab at si Kiro. 

"Ehhh... mayaman sila, ano gagawin natin?" Tanong ni Kiro.

"Paano nyo... nalampasan?" Tanong ko sa dalawa. 

"Binaba ko ang pride ko." Simpleng sagot ni Gabriel. 

Tumango si Kiro. 

"Nung tinangay si Cailee ng mga kidnappers nya, tangina..." Napailing si Gabriel. Hindi tinuloy ang gustong sabihin.

"Kung hindi ka kikilos pre, si Brook ang kikilos. At baka himatayin ka sa gagawin niya."

Natatawang payo ni Kiro. Natawa ng bahagya si Gab. 

"Gaya ni Sakura?" Tanong nito kay Kiro. 

Tumango si Kiro. "Muntik na akong atakihin sa puso nang nakita ko sa Night Club ko si Sakura... na nagsasayaw." Sabi niya.

Tumawa si Ralph at Jaxx.

"Do not underestimate the power of blackmail." Payo ni Kiro. 

"Gaya ulit ni Sakura?" Natatawang tanong ni Jaxx. 

Tumango ulit si Kiro. Nagtawanan ulit si Ralph at Jaxx.

"Tapos tropa pa si Brook at Sakura." Ralph pointed-out. 

"Isama mo pa si Xykie na mahilig mag-manman. At si Violet na ang daming pakulo... Huwag kang magtataka kung iblack mail nila ang lolo mo." Sabi ni Gabriel.

Natawa ako ng bahagya. Hindi malayong mangyari yun.

"Nakikiramay kami at napusuan ka ng isa sa kanila. Wala ka ng kawala nyan pre." Biro ni Jaxx sa akin. 

Nagtawanan kami hanggang sa natahimik kaming lahat.

"Walang masamang mangyayari sa kapatid mo at kay Brook. Kami ng bahala doon." Tumango si Gab at Kiro sa akin. 

"Sabihan mo kami kung kailangan mo ng tulong." Sabi ni Kiro. 

"Salamat." I said.

Now... kailangan kong harapin si lolo.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon