Chapter 24- Humanda kayo

9.9K 343 26
                                    


Brook

Panay lafang ng mangga ni Summer at Cami. Sabay pang nagbuntis ang dalawang ito. Katwiran ni Summer, mas nauna daw siya. Sus... proud pa.

"Ano ba ang itsura ni Georgina?" Tanong ni Summer. Nakatambay kami sa The Lakeside at apat na araw ng hindi ko macontact si Trevor. May masamang pakiramdam ako pero dahil niloloko ako ni Kuya London, hindi ko magawang manghingi ng tulong kay Sakura or Xykie or both.

"Mukhang paa." Sagot ko. 

"Diyos ko, may kalevel ang babaeng mangga?" Tanong ni Summer.

"Summer...Di ba sabi ko iwasan mong mamintas?" Nadinig pala ni Chase ang asawa. May pamahiin pa pala ang dalawa na ito. Para namang magkakaanak sila ng pangit...

"Chase, bakit nandito ka? Weekdays ah." Tanong ko. 

"Bahala na si Sky pansamantala sa office." Sagot ni Chase. Nasa isang table naman sila nila Ralph at Jaxx. 

"Sosyal... Afford nang um-absent." Bulong ni Violet.

Maaga pa kaya hindi pa bukas ang restaurant nila kaya nagulat kami ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Ate Cailee at Ate Allison.

"Uh-oh...Trouble." Sabi ni Sakura.

"Brook..." Tawag ni Ate Cailee nang makita niya ako. Lumapit sila ni Ate Allison sa table namin. 

"Tingnan mo ito." Sabi niya.

Nilapag niya sa table ang isang invitation. Binasa ko ng malakas.

"You are invited to the Engagement Party of Trevor Ian Agoncillo and Georgina... SALVADOR." Palakas nang palakas ang boses ko. "Putanginang babae yun."

Napangiwi si Mia nang marinig ang matunog kong tungayaw.

"Ililibing ko talaga ng buhay ang talipandas na malandi na iyon." Sa sobrang gigil ko, napunit ko ang invitation.

"Whhaaa...bakit mo sinira?" Pinulot ni Ate Allie ang invitation na ngayon ay dalawang piraso na.
Nanginginig ako sa galit.

"Huminahon ka Brook. Baka na-frame up lang si Trevor." Sabi ni Summer. 

"Hindi ako kay Trevor nagagalit kung hindi kay Georgina. Impaktang yun. Noong Elementary kami, kinain niya ang baon kong kit-kat dahil wala siyang pambili. Binali niya ang mga crayons kong 120 na kulay dahil 16 colors lang ang sa kanya. Sinira niya ang kapote kong pink dahil gray ang sa kanya at May tagpi sa kili-kili. Sinumbong ako sa principal dahil hello kitty na black ang bra ko noong highschool at bumabakat daw sa uniform at ngayon, aagawin si Trevor. Hayop siya..."

"Wow... ang lalim ng pinagmulan ng away ninyo ha." Manghang sabi ni Violet. 

"At makikita niya kung sino ang kinalaban niya." Ramdam kong nagtatama ang mga bagang ko sa galit.

Lumapit na sa amin ang mga boys at binasa ni Kuya London ang punit na invitation. Tumatawa itong binalik kay Ate Allie ang invitation.

"Ano ang nakakatawa?" Singhal ko kay Kuya London.

"Kayo... Alam ko yang nasa utak mo, Brooklyn. Si Trevor pa talaga ang ililigtas nyo ano?" Nang-aasar na sabi ni Kuya.

"Teka nga, hanapin natin si Trevor. Ralph, pahiram ng dalawang laptop." Sabi ni Xykie. HInintay namin si Ralph na parang nasa runway kung maglakad. ANG KUPAD, DIYOS KO!

Unang hinanap ni Xykie ang cellphone ni Trevor. 

"Nasa Batangas ang huling location niya." Sabi ni bakla.

Si Sakura naman, ano ang ginagawa ng baklita na ito? Kaninong cctv ang pinapanood.

"More or less... dapat nandito lang si Trevor sa bahay ng lolo niya." Sabi ni Sakura. "Balik tayo 4 days ago." Sabi niya.

Tinuro ni Sakura si Trevor na pumasok sa isang kwarto... After a while may lumabas na tao.

"Sino yun?" Tanong ni Xykie. 

Lahat nakatutok sa kanilang dalawa ni Sakura. 

Nag-run ng app si Xykie na mabilis nagscan ng mukha. Lumabas ang mukha ni Governor. 

"Ampota...tatay ni Georgina...Ano ang ginagawa niya sa bahay nila Trevor?" Umakyat na naman ang galit ko.

Naku...kayong dalawa ng anak mo ang may pasimuno nito. Tingnan natin kung manalo ka pa sa susunod. Balik kulay amag yang anak mo.

"Bakla... tingnan mo ito." Nilakihan ni Sakura ang CCTV footage. Bumukas ang pintuan ng kwarto na pinasukan ni Trevor kanina at ngayon ay hinihila siya ng 2 lalaki. Para siyang tinakasan ng lakas.

"Mukha siyang binugbog." Sabi ni Violet.

Nahawakan ko bigla ang puso ko. Bakit nyo sinaktan ang sinisinta ko?


Natahimik kami.

Sinundan namin ang cctv kung saan nila dadalin si Trevor. Dinala siya sa isang kwarto. Nilakihan ni Sakura ang cctv sa kwartong pinagdalan kay Trevor.

"Kinulong si Trevor." Xykie said. 

"Now, ano ang gagawin natin?" Tanong ni Sakura sa akin. 

"Babawiin ko siya, of-course." Sabi ko.

Tumango si Ate Allison. 

"Kailangan nyo si Zoey kapag pumunta kayo doon." Sabi niya. 

"And much better kung sa mismong engagement party kayo pumunta." Suggestion ni Summer.

Ngumisi ako... Humanda ka... Babaeng PAA!!!

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon