Chapter 8- That BAWAL SYANG SYOTAIN

12.4K 349 18
                                    

Brook

"Ang saya ng mga kaibigan mo noh?" Puna ni Lance habang papasok kami sa bahay. "Walang dull moment sa kanila." I replied.

Kung tutuusin, gwapo din naman si Lance. Matankad din naman siya. Kayumanggi at laging may ngiti para sa mga bumabati sa kanya. Matanda siya sa akin ng isang taon. Galing sa political family dito sa Negros. Kaya lang talaga, ang puso ko ay nakatali na kay Trevor.

"Anyway, I want to personally give you these invitations. One for your family, one is for Doc. Trevor and one for you alone." Isa-isa niyang inabot sa akin ang mga invitation. Huli niyang binigay ang sa akin. Strange dahil medyo makapal ng kaunti ang sobre ng sa akin.

"Okay thank you," I said. 

"I'll see you at the party." Lance smile at me and went back to his car parked in front of our house.

I looked for my mom to give their invitation. I put mine in my room and I went back to my friends who are now dying from laughing. Namumula na din si Trevor sa kakatawa.

"What did I missed?" Tanong ko kay Violet. 

"A lot." She replied.

"Uy, Brook... nanliligaw ba sayo si Lance?" Deretsong tanong ni Kuya Rome.
I rolled my eyes at him but didn't answer.

Lumapit ako kay Trevor at inabot ang invitation niya.
"Galing kay Mayor," I said to him.

Kinuha ni Trevor ang invitation at nilagay sa bulsa sa likod ng shorts.

"Nanliligaw nga ba sayo?" Pangungulit ni Kuya. 

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. 

"Wala akong tiwala sa pamilya niya." Sagot ni Kuya Rome. 

"Tatay ba kita?" Sarcastic na tanong ko na ikinatawa ng iba lalo na ang mga kaibigan niya. 

Tinaasan ako ng kilay ni Kuya Rome. Tinaasan ko din siya ng kilay.

"Brook..." He warned. 

"Matindi ka pa kay daddy, alam mo yun Kuya? Pinakialaman ba kita sa lovelife mo?"

"Sya nga naman, Senyorito." Sabat ni Mang Tonyo.

Kuya Rome dropped that issue but he will not drop it entirely. Kukulitin na naman ako mamaya niyan.

After mag-inuman, nakatulog ang ilan at ang iba naman ay naiwan sa kubol. 

"Brook..." Tawag sa akin ni Trevor bago ako umakyat ng hagdanan.

Diyos na mahabagin...namumula-mula ang pisngi niya.

"Sasama ka ba sa party sa bahay nila Mayor?" Tanong niya sa akin.
Napaisip ako. 

"Hindi ko alam. Nakakahiyang hindi pumunta gayong may separate invitation na binigay sa akin." I replied. 

"Ahhh... okay." Sabi niya saka tumalikod.

"Trev... bakit mo naitanong?" Tanong ko. 

Humarap si Trevor sa akin at saka siya tumitig.

Vhaaakkkllllaaaaa!!!!! Nakatitig siya sa akin. Nahawa na ako kay Violet....

Umiling si Trevor saka ngumiti. "Wala naman. I'll see you around." He said bago tumalikod.

"Pupunta ka ba?" I asked.
Humarap ulit siya sa akin saka nagkibit balikat bago lumabas papuntang kubol.

Natutulog si Mia at Sakura sa kwarto ko. Room-mates kaming tatlo ngayong linggo. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang invitation at binasa iyon.

As always, every year, tuwing fiesta, nagpapa-party si Mayor para sa mga rich and famous and politicians. At dahil malapit na ang election, mukhang mas malaki ang event ngayon.

There is a letter at the back of the invitation. It's a card... A greeting card? Meron pa palang ganito ngayon.

Dearest Brooklyn,

I know... it's a card. But I can't just let the opportunity pass without giving you something small because you don't want me to give you big. Anyway, susunduin kita sa makalawa para sa party. Is 7 pm okay with you? Let me know...

Lance.

"Ang sweet naman niya. May pa-card pa si Mayor." 

Nagulat ako nang magsalita si Sakura sa tabi ko. Mabilis kong tinago ang card.

"Pupunta ka ba sa party?" Tanong niya kahit inaantok pa ang mga mata pero chismis is life kaya pinipilit ni Sakura na gumising. 

"Hindi ko alam."

"Pumunta ka." Sakura said. "Kung wala kang pag-asa kay Trevor, at leastnakakamove on ka na." Sabi niya pa. 

"Sa tingin ko naman, Doc. Trevor is not immune to Brook." Nagsalita si Mia sa tabi ni Sakura.

"Nanaginip ba si Mia?" Tanong ko kay Sakura. Nakapikit ito habang nagsasalita.

"I'm awake...Just...tired." She murmured.

Chismis is life nga!!!

"He was looking at her kanina... Panay kasi kayo kay Mang Tonyo nakatingin, hindi niyo nao-observe si Doc. Have you seen how Ate Allie looked at him...then KuyaRome...then back at you Brook after she touched him?" Pinilit ni Miang dumilat. Pulang-pula ang mga mata niya sa antok.

"Kulitin natin si Ate Allie... Baka may ibigay siyang mga signs." Suggestion niSakura. 

"Mahahalata niya tayo. Baka isumbong ako kay Kuya Rome." Tanggi ko.

Napahiga ako sa kama at nagsisigaw habang nakadukmo sa unan.

"Nakakfrustrate...bakit mo kasi sinabi yun Mia? Umaasa na naman ako." I said toher. 

"Nagkataon lang na bago ako kaya nakikita ko ang mga bagay na sanay na kayongmakita." Sabi niya saka naghigab.

"Before ka pang maunahan ni Mang Tonyo kay Doc. Trevor...unahan mo na." Sabi ni Sakuraat bahagyang natawa.

My God... hindi ko akalain na pati sa mga taga Hacienda, makikipag-compete paako.

"He doesn't see me..." Naiinis na sabi ko sa kanila. 

"He does. Meron lang sigurong pumipigil sa kanya..." Sabi ni Mia.

"Like what?" 

"Ewan..." Sagot ni Mia.

"Like his relationship with Kuya Rome are not great from the start... or the fact that you are a Haciendera." Sakura pointed out. 

Natahimik kaming tatlo.

"And he is at the bottom of the food chain of rich and famous." Dagdag pa ni Mia.

"Huwag ka ng malungkot..." Umupo si Sakura at sumandal din sa head board.
"Aakitin mo siya..." Sabi nito.

Naningkit ang mata kong tiningnan siya.

"Gaya ng ginawa mo kay Kiro?"
Tumango si Sakura. 

"At gaya ng ginawa ni Xykie kay Henry, ni Violet kay Lucas at ni Mia kay Ralph."

"Charm lang ginamit ko kay Ralph." Kontra ni Mia. 

"Eh di, ikaw na ang charming." Sagot ni Sakura na ikinatawa ni Mia.

"Get out of that BAWAL SIYANG SYOTAIN place that Trevor put you in." Sakura said with full of conviction. 

"Kagaya ng ginawa ni Ralph ng nilagay siya ni Mia sa KUYA ZONE PLACE." Dagdagpa ni Sakura.

"At si Kiro sa KAPATID ZONE na pinaglagyan sayo?" Tanong ko kay Sakura.

"Mismo... Now, be charming gaya ng ginawa ni Mia. And put that red lipstick, baby." Sabi ni Sakura na sumobra sa harot.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon