Chapter 28- Saving Prince Charming

11.5K 422 111
                                    

Brook

"Ready ka na bakla?" Tanong ni Sakura sa akin. 

Meron kaming ear piece sa tenga. Kasalukuyang full swing na ang party sa loob.

Hindi nakatiis si Kuya Rome na hindi sumama. Kaya ayan, driver namin siya ni Ate Zoey. Ang simangot na driver.

Nasa loob na ang iba naming kasama at ang mga body guards sa paligid, tulog na silang lahat. Tranquilizer yata sa kabayo ang ginamit nila Tito Marcus eh. Baka sa isang araw pa magising ang mga iyan.

"Pumuwesto kana Brook." Utos ni Sakura sa akin. Tumango sa akin si Ate Zoey na mamaya pa lilitaw. Pang finale siya.

"Back up for Brook. She will be in, in 3 minutes." Sabi ni Sakura sa amin. 

"Copy." Sagot ni Kiro. 

Pumuwesto na ako sa likod ng nakasaradong pintuan.

"Brook, open the door in 3... 2... 1..." Sabi ni Sakura. 

May production assistant pa ako.

Saktong nine o'clock binuksan ko ang main door ng venue nila at napatingin silang lahat sa akin. 

"Okay bakla... yung nirehearse natin. Go." Sabi ni Sakura sa tenga ko.

Nakita ko agad si Georgina na nakakapit kay Trevor.

"Relax lang bakla... Mabagal lang ang lakad." Sita ni Sakura sa akin.

Eh di mabagal... kaya naglakad ako ng mabagal papunta sa harapan nila Georgina. Sinundan ng mga tao sa loob ng venue ang paglalakad ko papunta sa harapan ng mahaderang babae na ito.

Super confident ako sa pula. Feeling wonder woman akey.

"Oh... Hi Georgina." I said to her ng makalapit ako. Naku, proud na proud si Summer nito.
"Kukuhanin ko lang ang pilit mong inaagaw sa akin." Tumingin ako kay Trevor sabay ngiti.

"Hindi ka invited dito." Sabi ni Georgina. Ang higpit ng pagkakahawak niya kay Trevor.

Luminga-linga ako sa paligid. "Georgina... pakihanap ang pakialam ko sayo. Nawawala siya."

Tumawa si Sakura nasa tenga ko. Tuwang tuwa si bakla talaga.

"Hayep yang adlib mo." Sabi ni Sakura.

"What are you doing here?" Galit na tanong ni Governor. 

"Ops... Gov... Stop." Itinaas ko ang kamay ko sa kanya. "May laser ka sa noo. Isang hakbang pa may coffee party at pacarpet na pula sa bahay nyo mamaya."

Natawa na naman si Sakura. Hindi ako tumitingin kay Trevor baka mawala ako bigla sa katinuan. So tuloy ako sa monologue ko ng naaayon sa sinabi ng director.

"Ano ang kailangan mong babae ka?" Tanong ng lolo ni Trevor. 

"Lo, hello. Magmamano sana ako sayo kaya lang ayaw mo nga pala sa mga Romualdez." Sabi ko. Palapit na si Lolo sa akin.

"Yung laser mo nga pala nasa likod. In case lang hindi mo alam." 

Napahinto sa paghakbang si Leonardo Mondragon. Namumula siya sa galit. Luminga-linga siya sa paligid. 

"Hinahanap mo ba ang mga bodyguards mo? Tulog silang lahat. Nasobrahan sa kaning tutong." Sabi ko.

Tawa nang tawa si Sakura... Taragis ka.

"Georgina... naalala mo ba ang kitkat na kinuha mo noong elementary tayo? Naawa nga ako sayo noon dahil kitkat lang kinuha mo pa sa iba. Hindi ka ba mahal ng mama mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. 

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon