Trevor
"Mabilis pa sayo si Morris." Bulong ni Cailee.
Para silang bubuyog ni Zoey na panay bulong ng bulong sa magkabilang tenga ko. Nakisali pa ang mga nakakalokong ngisi ni Allison.
"Tagal mo ng kilala, hindi mo man lang masabihan ng pick up lines." Bulong ni Zoey.
Humagikgik silang dalawa ni Cailee.Namamatay na ang mga rosas sa tabi
Di ka pa rin bumibile...
Nauubos na ang oras sa kakahintay,
pero ni sulat, ni tawag, wala...Kumakanta si Xykie at Violet...pinagtulungan ang kanta na ngayon ay pinangbubuska ng magaling kong kapatid sa akin. Alam naman niya ang sitwasyon ko... Siya nga hindi ko maipakilala, magdadala pa ako ng babae sa buhay namin ng pamilya ko na pwede nilang gamitin?
Maimpluwensya ang pamilya ni Brook... isa pa rin silang Romualdez kahit papaano. Gagamitin lang sila ni Lolo.
"So, hahayaan mo na lang na ligawan siya ng iba?" Bulong na naman ni Zoey.
"Tumigil nga kayo." I murmured.
Para kang kumausap ng bata sa dalawa na ito. Hindi sila nakikinig.
Someone cleared his throat... Sa sobrang lakas, napahinto sila Violet at Xykie sa pagkanta.
"Hi... Sorry. Can I speak with you, Brooklyn?" Tanong ng anak ni Mayor.
"Uy, Lance, tagay ka muna." Yaya ni Mang Tonyo.
"Ay, hindi na po. Magmamaneho pa po ako. Kausapin ko lang si Brook." Magalang na tanggi niya.
Hinintay nyang tumayo si Brook sa pagkakasalampak nito sa upuang kawayan.
"Sinetch itey na boylalu na kaharey? Never trouble mo bang may we know is boylet na itey?" Tanong ni Violet kay Brook over the mic. Ano daw?
Binato ni Brook si Violet ng balat ng mangga bago tumayo at pinasunod si Lance pabalik ng mansion.
"Sino yun?" Tanong ni Violet.
"Heee...." Nadinig pa naming sigaw ni Brook.
"Anak ni Mayor. Manliligaw ni Senyorita." Sagot ni Mang Tonyo.
"May nanliligaw kay Brook?" Manghang tanong naman ni Rome.
"Aba, kung ikaw nga ang aga mong naglandi eh." Natatawang sagot ni King.
"Hala ka... May pumoporma na." Bulong ni Cailee.
Napabuga ako ng hangin... Sasakalin ko na tong magkaibigan na ito. Ang kulit.
"Mabait na bata iyon. Magalang pa." Sabi ni Mang Tonyo.
"Syempre, politiko sila. Ganun naman ang mga politician. Pakitang tao." Wala sa loob na sagot ko.
"May galit ka ba sa politiko?" Mapang-usisang tanong ni Mang Tonyo.
At ang lecheng magkaibigan sa tabi ko, tiningnan ako na parang may sinabi akong big deal sa kanila. Nakataas ang mga kilay nila sa akin.
Nagsalin na naman ng lambanog sa pitchel at isa isang nilibot ang mga baso namin at sinalinan.
Napahagikgik si Zoey sa tabi ko ng mapadaan si Mang Tonyo.
"Si Maam Suwe, tawa nang tawa kanina pa." Puna ni Mang Tonyo.
"Ang cute mo kasi." Sabi niya.
"Hala...napapaglihian mo si Mang Tonyo." Biro ni Beth.
"Hindi nga?" Kabadong tanong ni Rome.
Tumawa si Beth at Allison.
"Hindi...pa." Sagot ni Beth.
"In two months time." Itinaas pa ni Allison ang dalawang daliri.
Parang nakakita ng multo si Rome sa nadinig.
"Kayong magpinsan, puro kayo kalokohan." Sabi ni Rome sa dalawa.
"Ano naman masama kung ako ay mapaglihan... Eh di kagwapong bata niyan." Sabi ni Mang Tonyo. At dahil mga nakainom na, tinawanan nila ng todo si Mang Tonyo.
"Mang Tonyo, hindi maintindihan ni Morris ang mga sinasabi mo. Speak in English." Banat ni Gab.
"Morris..." Sabi ni Mang Tonyo.
"Yes?" Sagot naman ni Morris.
"Why..."
Patay na... Naghang na naman si Mang Tonyo.
"Why... you... kindat...Tanya?"Tanong niya.
"What?" Naguguluhang tanong ni Morris.
"Kindat...like..." Tapos kumindat si Mang Tonyo.
"Ahhh... I am amazed at how beautiful your daughter is. She is like a sun that brings a smile to my gloomy day." Sagot ni Morris.
Napatitig na naman si Mang Tonyo.
"Adik ka ba?" Tanong na naman niya. Nagtawanan na naman kami. Si Zoey halos malaglag na sa kinauupuan. Nakakapit na siya sa braso ko.
"What did he said?" Naguguluhang tanong ni Morris dahil siya lang ang hindi tumatawa... Pati si Henry ang amo niya ay panay ang tawa.
Someone translated what Mang Tonyo said. Nanlaki ang mata ni Morris at biglang napatayo. Napaatras naman si Mang Tonyo kahit may mesa sa pagitan nila.
"I begged to disagree Mang Tonyo. I may like your daughter but I will not tolerate insults. I am not a methamphetamine addict nor I take anything that likes." Napahawak sa puso si Morris.
Sandaling napatulala si Mang Tonyo.
"Ano daw?" Tanong ni Mang Tonyo.
"Hindi daw siya adik." Sagot ni London.
"Ang haba ng sinabi niya eh. Yun lang yun?" Nagtatakang tanong ni Mang Tonyo.
Tumango kami.
"Baka minumura na ako nyan..." Dinuro ni Mang Tonyo si Morris. Nanlaki naman ang mata ni Morris.
"Are you cursing me? Is he accusing me?" Puno ng emosyon na tanong ni Morris.
"Eh bakit nagagalit ka na? Inaano ba kita? Bakit nang-aano ka?" Tanong ni Mang Tonyo kay Morris na akala mo may away.
At dahil tawa na kami nang tawa si Jack, muntik ng mahulog sa upuan.
"Pagbihira Jack... Mabubukulan ka pa." Sita ni Mang Tonyo.
Nanlaki na naman ang mata ni Morris. Bakit kaya lagi siyang nao-offend?
"She is the Crown Princess... Do...not...yell...at...her." Frustrated na si Morris. Gustona niyang sabunutan ang sarili.
"Ano daw? Princess? Si Jack? Eh anak ng kumparing bondok ko yan eh. Jack yan, hindi princess." Pagmamalaki ni Mang Tonyo.
Hindi na kami makahinga... Nagpupunas na ng luha ang iba.
"Mang Tonyo, alam mo naman na kinasal si Ate Jack, di ba?" Paliwanang niLondon.
"Oo..." Sagot naman ni Mang Tonyo.
"Eto ang asawa niya." Tinuro ni London si William.
"Konti lang ang lamang niya sa akin." Sagot ni Mang Tonyo.
Nagtawanan na naman kami. Joke time talaga si Mang Tonyo. Si Morris naman nakahalukipkipat parang sasabog sa inis.
"Isa siyang prinsepe." Paliwanag ni London.
"Parang si Prins Charmeng?" Sagot ni Mang Tonyo.
"Hindi..." Sabay-sabay silang sumagot. "As in totoong prinsepe. May kaharian."Sabi nila.
Tiningnan ni Mang Tonyo si William saka umiling.
"Weeehhhh... Joke time kayo." Sabi niya. "Hindi nyo ako maiisahan. Wais 'to." Tinuro pa ni Mang Tonyo ang utak niya.
Nagtawanan na lang kami. Kami pa pala ang mali.
BINABASA MO ANG
Can't Fight this Feeling (Completed)
Roman d'amourTrevor has been inlove with Brook since he saw her during his volunteer work in Negros. Okay na sana, liligawan na nga sana nya after makagraduate but... anak si Brook ng Haciendera. And somehow naging ilag si Trevor sa dalaga. Ngayon, hindi lang n...