Chapter 20- Brook's Litany

10.2K 352 32
                                    

Brook

Nakaupo si Mommy at Daddy sa sofa sa library at naghihintay ng paliwanag namin ni Trevor.

"So, mag-jowa kayo?" Naguguluhang tanong ni mommy.

"Hindi po." Sagot ni Trevor. 

Anak ng tinola naman Trevor.

"Brook?" Tawag ni daddy sa akin.

Naiinis akong umiling. "Sinakyan ko lang po yung pasabog niya kanina." I said the truth. 

Nakangisi si Kuya London sa isang sulok habang hindi maipinta ang mukha ni Kuya Rome. Tahimik namang nakaupo si Ate Zoey, katabi ni mommy.

"Ano ba ang sitwasyon mo, Trevor? Bakit parang nagulat ang lolo mo nang sinabi naming nang-gagamot ka sa Hacienda?" Mahinahon na tanong ni Daddy sa kanya. 

"Umupo kayong dalawa. Hindi kayo aalis hanggat hindi kayo nagpapaliwanag." May warning na sabi ni mommy.

Umupo kami ni Trevor sa magkahiwalay na upuan. Hindi talaga ako tinabihan. Impaktong 'to.

"Tito, Tita..." Huminga ng malalim si Trevor. "Hindi alam sa bahay namin na alam ko na hindi ako anak ni daddy. My lolo..." Umiling si Trevor. Hindi maituloy ang gustong sabihin.

"We will not condemn you, Trevor. Gusto lang namin maging handa sa kung ano man ang gagawin ng lolo mo." Ang sabi ni mommy.

"Galit si lolo sa nakabuntis kay mommy. Ang sinabi kasi ni mommy sa kanila... walang pamilya ang tunay kong ama." Napatingin si Trevor kay Zoey.
"Pinahanap ni lolo ang tatay ko noon at nang malaman niyang may asawa ito, pinapili niya kung kami ni mama o ang asawa niya. Pinili niya ang asawa niya. Kaya pinalayo sila ni lolo. Iyon ang kwento sa akin ni mommy bago siya mamatay."

"Sasaktan ni lolo si Zoey kapay nalaman niyang siya ag anak ng ama ko."

Natahimik kami.

"Then our family falls to what?" Tanong ni Kuya Rome. Mababakas ang nakatagong galit sa pagkakatanong niya.

"When he found out that I was volunteering with Cailee, pinilit niya akong maging malapit sa inyong lahat...para sa political ambition niya." He said in resignation.

"Pero... hindi ka naman lumalapit Trevor. Lumalayo ka nga sa amin." Katwiran ni Zoey. 

"Because I don't him to use all of you. Kahit na binigyan nyo ako ng pamilya na pinangarap ko." Sagot ni Trevor.

"Tita, he has a long rivalry with the Romualdez." Nakatingin ng deretso ni Trevor kay mommy.
"I didn't came to you to spy and hurt your family. Nagkataon lang Tita na dumating si Zoey sa inyo. At siya na lang ang nag-iisang pamilya ko na hindi ko kayang talikuran."

"Si Brook? Paanong nadamay ang kapatid ko?" Tanong na naman ni Kuya Rome. 

"Kuya, please... I have my own mind... Can't I just use it to decide for myself?" Sabat ko sa tanong ni Kuya Rome.

"Hindi ko gustong idamay si Brook. Hindi ko alam na pupunta si Lolo sa event." Sagot ni Trevor.
Napatingin si Trevor sa akin. Ano kaya ang iniisip nito...

"Eh di lumayo ka sa amin para hindi kami madamay." Pabalang na sagot ni Kuya. 

Kung nakakamatay lang ang tingin, tutuluyan ko talaga si Kuya Rome.

"Hindi ka spoke person ng buong pamilya." Sagot ko kay Kuya Rome.

"That's enough." Sweto ni daddy sa aming dalawa. "Trevor, ano ang balak mo?" Tanong ni daddy sa kanya. 

"Very vocal ang lolo mo na ipagkasundo ka sa anak ni Governor." Sabi ni Tita Diane.

"The hell... huwag mong sabihing papakasal ka doon?" Tanong ko kay Trevor. 

At dahil inis na ako kay Kuya Rome, mainit na ang ulo ko sa lahat ng tao. Si Kuya London, natatawa lang sa isang sulok.

"He will not stop...Brook." He said to me. 

"So ganun na lang yun? Okay lang sayo?" Napataas na ang boses ko.

"Brook..." Tawag ni daddy sa akin. Tinitigan ako ni mommy para huminahon. "Let him decide." Sabi ni daddy sa akin. 

"Hindi pa kayo, nang-uunder ka na." Sabat ni Kuya London.

"Kuya..." For the first time buhat ng nagkulong kaming lahat sa library, nagsalita si Ate Zoey.
"Kung iniisip mo ang kalagayan ko, huwag kang mag-alala sa akin. Gawin mo kung ano ang ikakasaya mo. For once in your life, do what you want to do without thinking of other people. Hindi mo kami kargong lahat."

Hindi kumibo si Trevor.

"Kumawala ka sa pagkakahawak ng lolo mo sayo. Hindi siya tanga para hindi malaman kung sino ako. Huwag kang matakot para sa aming lahat." Dagdag ni Ate Zoey.

"Sabihin mo kung kailangan mo ng tulong, Trevor." Sabi ni daddy ng hindi na kumibo si Trevor.
Tumango si Trevor at nagpaalam na para umakyat sa kwarto niya.

Naiwan kaming buong pamilya.

"Brooklyn..." Simula ni daddy sa akin. 

Napatingin ako sa kanya.

"Huwag kang namimikot ng lalaki." Pangaral ni daddy sa akin na lalong ikinatawa ni Kuya London, mommy at Ate Zoey. Si Kuya Rome lang ang parang timang na nakaismid.
"Hayaan mong ligawan ka." Dagdag pa niya.

Pikot agad... di ba pwedeng nagmamahal lang ako?

"Give him space... Madami siyang problema." Sabi ni mommy. 

"Hindi siya astronaut. Hindi niya kailangan ng space." Pilosopong sagot ko. "Kailangan nya ng tulong."

"Noong sinabi ba ni mommy na huwag siyang tulungan sa hacienda, ano ang ginawa mo daddy? Di ba nagpacute ka... nilabas mo ang cheque book at sinampal ang kalaban ng 80 million mo? Di ba? Di ba?" I am so bright talaga pagdating sa mga palusot.

Nagtakip ng bibig si Ate Zoey para hindi tuluyang tumawa. Si Kuya London, wala siyang pakialam, tawa lang siya ng tawa. Hindi nakakibo ang mga magulang ko. Na-shook sila...

"Hindi ka maipagtatanggol nun. Isang malaking duwag si Trevor." Sabi ni Kuya Rome. Okay that's it. Hindi ko na siya kapatid.

"Just because hindi ka pinapatulan doesn't mean duwag na yung tao. Kapatid niya ang asawa mo... Ano sa palagay mo ang mararamdaman ni Ate Zoey kung pinatulan ka niya? Huwag kang mayabang Kuya. Hindi mo alam ang mga nagive-up niya para lang maging safe si Ate Zoey. At hindi mo alam ang gusto niya pang igive up para lang hindi tayo madamay. Alam mo ba kung gaano niya kagustong sabihin na kapatid niya si Ate? Alam mo ba kung bakit nagti-tiyaga siyang magbiyahe dito sa Hacienda kahit isang beses sa isang buwan gayong pwede niyang kitain sa ibang hospital ang pera na binabayad natin? Gusto niyang makasama ang kapatid niya. Gusto niyang makilala siya ng mga pamangkin niya kahit palihim man lang. Iyon ang naiisip niyang paraan, hindi mo ba nakikita? Hindi siya kagaya nila Kiro na kayang pumatay. Doctor siya... huwag mong hanapin sa kanya ang pananakit na kayo niyong gawin. Huwag puro sarili ang iniisip mo. Masyado kang mayabang." Sigaw ko kay Kuya Rome.

Tumayo ako at nagdadabog na lumabas ng library. Bukas na ako magso-sorry kina mommy at daddy. Imbyerna much si Kuya Rome.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon