Brook
Sobrang nabadtrip ako kay Mang Tonyo at Tanya. At dahil may pagkamaldita ako,humanda kayong dalawa. Nag-uusap kami eh, umistorbo kayo. Tapos may gana pa kayong sirain ang mood namin. Buset kayo... Naku! Humanda kayo!
"Bakla, ang aga mong nakasimangot." Puna ni Xykie sa akin ng samahan ko sila sa mesa. Wala pa ang mga kaibigan ni Kuya. Kami pa lang mga girl squad ko.
"Nabad trip ako kay Mang Tonyo kagabi." I told them. Kumuha ako ng pandesal at isinawsaw sa kape. Natingin silang lahat sa akin.
"Masarap kaya. Try nyo." I said bago ako sumubo.
"Ano ba ang ginawa?" Tanong ni Violet.
"Kayag-kayag na naman si Tanya. Biglang sumulpot sa kubol kagabi. Nag-uusap kami ni Trevor eh." Biglang humina ang boses ko. Nagsipaglapitan naman ang mga tinamaan na chismosa.
"Tapos..." Tanong ni Sakura.
"Eh di nawala ang moment namin. Inaya nilang magsimba..." Naasar na kwento ko sa kanila.
Nagtawanan sila. Pati si Mia.
"Sa simbahan agad inaaya...pambihira." Comment ni Xykie.
"Sabi ko si Morris, free... Ayaw naman nila." Sinawsaw ko ang pandesal at isinubong lahat.
Nagkatinginan si Violet at Xykie.
"Vhaaakkklllllaaaa...." Tawag ni Violet sa akin.
"One down ka. Kami ng bahala kay Tanya. Kakausapin namin si Morris." Dagdag pa ni Violet.
"Punta tayo sa Hacienda mo. Malapit lang ba dito?" Pag-iiba ni Sakura sa usapan.
"Hindi ba ito na yun?" Nagtatakang tanong ni Mia.
"Hindi... May sarili siyang Hacienda. Sa kabilang ilog di ba?" Sagot ni Xykie.
Napanganga si Mia sa akin.
"As in? Your own?" Tanong ni Mia.
"Mas maliit dito yun." Bah... nahiya naman ako bigla sa reaction ni Mia.
I cleared my throat nang mailang ako sa tingin ni Mia.
"May palaro mamaya... gusto nyong manood? Bukas na lang tayo pumunta sa Soledad. Gabi pa naman ang party na pupuntahan namin." Sabi ko.
Pagkatapos kumain, nagpakuha ako ng mga kabayo para maipasyal ko sila dito sa Vicente.
"Vhhaaakkklllllaaaa....." Sabi ni Violet nang makita ang kabayo na binigay sa kanya. Walang hirap naman umakyat sa kabayo si Xykie at Sakura. Bakit ba pinapakadiin nito ang bakla?
"Kotse at motor lang ang alam kong paandarin." Sabi ni Violet.
"Kaya mo yan." I said to her.
Tinulungan ko si Mia na umakyat sa kabayo. Medyo nanginginig siya at nahirapang umakyat dahil hindi niya abot ang tapakan. Sumakay ako sa kabayo ko at pinatakbo ito ng mabagal.
Sumunod naman sila sa akin.
"Broooookkk..." Sigaw ni Mia. Napahinto kaming apat. "He is not moving." Sabi niya.Naiwan pala si Mia sa tapat ng bahay. Tumatawa kaming bumalik at tinuruan siya kung paano palakarin ang kabayo.
Una ko silang dinala sa ilog na nagdudugtong sa Vicente at Soledad. Madaming naliligong mga bata doon at kumakaway sa amin. Malapit lang doon ang baryo.
"Doon banda ang mga libreng pabahay para sa mga tauhan dito."
Binabati kami ng ilang mga tauhan na naghahanda para sa palaro mamaya.
"Doc. Trevor." Sigaw ni Violet na ikinalingon ko.
"Bakla, nasa ilog." Bulong ni Xykie.
Waahhhhh... Nakatop less siya. At... ang abs...
"Infairness...maganda ang katawan." Comment ni Sakura.
"Senyorita..." Sigaw ng mga batang kasama niya sa ilog.
Nagsibaba sila Xykie kaya bumaba na din ako.
"Hey help...how?" Natatakot na tanong ni Mia.
Nagtatawanan kaming tinulungan siyang bumaba.
"Senyorita, sasali ka mamaya sa agawang baboy?" Tanong ng isa sa mga anak ng tauhan.
"Kampi tayo." Sabi nito.
"Merong agawang baboy?" Nagniningning na tanong ni Violet.
"Meron."
"Sali kami." Sabi ng mga hindi magpapatalo kong mga kaibigan.
"Pauwi na ba kayo?" Tanong ni Trevor sa amin.
"Oo... Sabay ka na sa amin." Sabi ni Violet at pinanlakihan kami ng mata.
"Doon ka kay Brook umangkas, baka malaglag sa kabayo." Sabi ni Xykie.
"Yung ka..." Mabilis tinakpan ng tatlo ang bibig ni Mia ng magsalita ito. Muntik ng hindi makahinga si Mia. Nagpapalag yung bata.
"Weak si Brook mangabayo. Parang hindi haciendera." Sabi ni Violet.
Nagtawanan naman ang mga bata sa ilog.
Umahon si Trevor sa ilog... Bakat... ang... ano... sa shorts na suot.
"We are approaching the Santolan Station." Ginaya ni Sakura ang boses sa taga announce sa SM supermarket na ikinatawa namin.
Manyak 'tong hapon na ito buti kami lang ang nakadinig. Nagsuot ng t-shirt si Trevor kaya natakpan ang santolan.
"Kanino ako aangkas?" Tanong ni Trevor.
"Kay Brook." Sabay-sabay na sagot nila.
"Baka mabasa ka." Sabi ni Trevor.
"Kanina pa siya basa... ahhh I mean, okay lang syang mabasa." Sabi ni Violet nakailangan pang panlakihan ng mata para umayos.
Umakyat ako ng kabayo bago sumampa si Trevor sa likod ko. Nararamdaman ko ang basang shorts niya.
Nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko.
"Sorry...nabasa ka." Sabi niya.
Concentrate Brook.
"Okay lang." I replied.
Tinulungan nilang umakyat muna si Mia bago sila nagsiakyat sa kabayo.
Pinatakbo ko ng mabagal ang kabayo at sumunod ang iba.
"Oh God...what is wrong with you horse? Go to the other way..." Nadinig namin si Mia.
Napalingon kami at nakita namin si Mia na papunta sa kabilang way.
"Mia..." Sigaw namin.
"Help... This horse is abducting me." Sigaw niya. Patuloy sa mabagal na pagtakboang kabayo palayo sa amin.
Tawa kami nang tawa hanggang sa mahabol namin si Mia.
"Ako na lang sa kabayo ni Mia. Palit na lang tayo." Sabi ni Trevor.
"Huwag na...." Sigaw ng apat. Napatigil si Trevor sa pagbaba ng kabayo.
"Basa na rin kasi si Brook. Iaangkas ko na lang si Mia. Pahatid mo na lang ang kabayo niya sa kwadra." Suggestion ni Xykie.
Nag-utos ako ng isang tauhan na magbabalik ng kabayo ni Mia. At dahil secure na si Mia sa likod ni Xykie, nagpatakbo na kami ng mabilis. Sayang nga lang at mabilis kaming nakauwi sa bahay. Pero...kyaaahhh... naramdaman ko siya sa likod ko...ang...santolan.
![](https://img.wattpad.com/cover/161003724-288-k344779.jpg)
BINABASA MO ANG
Can't Fight this Feeling (Completed)
Roman d'amourTrevor has been inlove with Brook since he saw her during his volunteer work in Negros. Okay na sana, liligawan na nga sana nya after makagraduate but... anak si Brook ng Haciendera. And somehow naging ilag si Trevor sa dalaga. Ngayon, hindi lang n...