Chapter 30- That Moment

11.3K 358 17
                                    

Brook

Club Zero.

Full blast ang party sa loob nang magpark kami sa parking area.

"Salamat, pre." Sabi ni Trevor kay Kuya Rome.

Naku, Kuya. Kung makatitig ka sa nakalahad na kamay ni Trevor, parang action star ka. I rolled my eyes ng tinanggap ni Kuya Rome ang pakikipag kamay ni Trevor.

"Ingatan mo ang kapatid ko." Sabi ni Kuya Rome. 

Ohhwwww natouch naman ako kaya yumakap ako sa tagiliran ni Kuya Rome. Siya naman ang umikot ang mata.

At dahil umikot na ang mata ni Kuya, bumitaw na ako. Nakayakap si Ate Zoey kay Trevor at umiiyak. 

"Huwag ka na ngang babalik doon." Sabi ni Ate Zoey. 

"Okay na... Tahan na. Ang tapang-tapang mo kanina eh." Hindi alam ni Trevor kung paano papatahanin si Ate Zoey. 

"Thank you Zoey." Niyakap ng mahigpit ni Trevor ang kapatid.

Siniko ko si Kuya. 

"Thank you." I murmured. 

"May magagawa ba ako sa tigas ng ulo mo na yan." Sagot niya. 

"Love mo naman ako eh." Pacute na sagot ko kay Kuya Rome.

Nagpahid ng luha si Ate Zoey at pumunta sa tabi ni Kuya Rome. 

"Mauna na kami sa loob. Sunod kayo." Sabi ni Ate Zoey. Hinila niya pa si Kuya Rome dahil ayaw kaming iwanan.

Ahhhwww... Nakangiti si Trevor. 

"Muntik na akong ma-heart attack sa ginawa nyo. Sana man lang sinabihan nyo ako para naman prepared ako." Sabi ni Trevor sa akin. 

Magkaharap kami... under the moonlight. Siya naka-tux at ako, naka red dress. 

"Nasaan ang element of surprise doon kapag sinabi naman sayo?"

"Thank you, Brook. For... being you." Sabi niya. 

Natutunaw ako... shit... Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. At unti unti kaming naglapit hanggang sa maduling ako sa lapit ng mukha naming dalawa.

"So...tayo na?" Tanong ko talaga. Ako talaga ang nagtanong. 

Nakangiti lang si Trevor. Bakit ba ang bagal mo? Hindi mo pa ako halikan.

"Oy, kayong dalawa. Papasok ba kayo o kami ang lalabas?" Sigaw ni Violet. 

Naghiwalay tuloy kami bago pa kami maglapat.

"Ay sorry... nasira ko ba ang moment?" Tatawa-tawang tanong nito.

Singkit na ang mata ko nang tumingin ako kay Violet.

"Mamaya na yang kamanyakan mo Brook. Hinihintay na kayo sa loob." Sabi ng walang hiyang si Violet.  Inakbayan ako ni Trevor at ginabayan na ako papasok.

Malakas ang music sa loob... at ng makapasok na kami ni Trevor sa Club Zero, sinalubong kami ng palit lyrics gang sa pangunguna ni Violet of course...

I knew you were Trevor when you walked in
So shame on me now
Flew me to places I'd never been
Now I'm lying on the cold hard ground
Oh, oh, Trevor, Trevor, Trevor
Oh, oh, Trevor, Trevor, Trevor

Tawa sila nang tawa dahil ang taba talaga ng utak ng nakaisip ng kanta na iyan.

"Welcome back, Doc." Ang taas ng energy ni Violet at nakamic pa siya... Parang nag-Milo si bakla, walang energy gap.

"Napanood namin ang paglabas ni Ivy Aguas kanina." Sabi pa ni V. 

Tawa ko... gago talaga ang mga kaibigan ko.

Nahihiya na lang na tumawa si Trevor.

"Tito Red... may nasampal ka ba ng pera kanina?" Tanong ni Violet. Napahinto pati ang DJ. Lakas ng loob magbiro nito. Nanlaki nga ang mata ko eh. 

"Wala nga eh." Sagot ni Tito Red. 

"Tito, baka pwedeng yung ipapansampal mo eh ibayad na lang natin kay Tito Mark?" Tanong ni V. 

"Naniningil ba?" Tanong ni Tito Red. 

"Alam nyo naman Tito. May anak na kasi siya na pinag-aaral." Sagot ni Violet. Lasing ba siya.
"Mahal daw tuition." Dagdag pa ni Violet.

Nagtalikuran na ang mga kaibigan namin para itago ang tawa. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi kami kabilang sa danyos, Violet. Mag-isa ka diyan.

Tumango si Tito Red. "Open bar." Sagot niya.

"Yeaaahhhhhh..." Sigaw namin.

Napuno ang gabi namin ng tawanan... lalo na ng nireplay sa LED screen ang eksena kanina. Juice kuh... ang dami kong funny moments.

At si Tita Lise... zinoom in pa talaga ang kili-kili ni Georgina...

"Nakaka-offend talaga si armpit niya." Sabi ko kay Trevor na hindi umalis sa tabi ko.
Tawa nang tawa si Trevor. Wala na siyang nasabi kung hindi hahaha...

Kung pwede lang ipost sa youtube ang video baka may million views in 5 minutes.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon