Trevor
Tulala sa isang tabi at di mapakali.
Ang nakaraan, minumuni-muni
Di lubos maisip, bakit nagkaganon
Kaya ngayon ako'y.... Nanghihinayang....Nanghihinayang ang puso ko.
Sa piling ko'y luluha ka lang.
Masasaktan lang kita.Napakunot ako ang noo nang marinig ko ang lyrics ng kumakanta. Parang may mali... Paboritong kantahin ng mga trabahador dito yan kaya nakabisa ko na ang lyris.
"Doc, okay ka na ba? Pwede na tayong mag-usap? O kakantahan ulit kita?" Pumipitik-pitik si Violet sa harapan ko. Siya ba ang kumakanta?
"Ano yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nakaupo akong mag-isa sa kubol.
"Pambihira... kanina pa ako nagsasalita. From the top ba ang kailangan kong ulitin?"
Naiiling na lang akong natatawa. May nakakalokong tingin si Violet sa akin.
"Anyway, pinapatawag ka ni Tita Kaye. Sukat mo daw ang suit baka may kailangan pa daw siyang iadjust or something." Sabi ni Violet.
"Okay. Salamat." Tumayo ako at nakatitig pa din si Violet. "Bakit?"
"I wonder ano ang nangyari sa inyo ni Brook kagabi, bakit pareho kayong tulala..." Nakangisi siyang iniwan ako.
Tulala din si Brooklyn?
She shouldn't have kissed me. Now that I know the taste of her lips, I am craving for it. She tastes like strawberries. Must be the thing she put on her lips last night.
Dear God, I am doomed. May lakas pa ba ako ng umiwas sa kanya?
Palabas si Brook ng library ng makasalubong ko siya.
"Hinahanap ka ni Tita Kaye." She said.
How can she act like we didn't kissed last night?
"Brook." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
What will I say?
Umiling na lang ako sa kanya.
"See you later." She said smiling before she walk towards the stairs.
Kumatok ako bago pumasok sa library.
"Pinaka-gwapong doctor na bibihisan ko... pasok ka." Sabi ni Tita Kaye.
Tito Tristan cleared his throat. "May nakakalimutan ka, Kaye."
"Ay, doctor ka ba? Akala ko full time bolero ka." Sagot ni Tita Kaye kay Tito Tristan. Natawa na lang si Tito Tristan.
"Sige maiwan ko na kayo. Mamaya na lang, Trevor." Tito Tristan clapped my shoulder before he went out. Naiwan kami ni Tita Kaye.
Pinasuot ni Tita Kaye sa akin ang suit.
"Dapat mas gwapo ka sa Lance na iyon ha." Sabi ni Tita Kaye na nakapagpa-estatwa sa akin.
Natatawang inayos ni Tita ang kwelyo ng suit."Girls talked, Trevor." Sabi niya. Hindi ako kumibo.
"Okay naman pala ang sukat sayo." Pinahubad sa akin ni Tita ang suit. Inayos niya sa hanger kasama ng pants at long sleeve. Inabot niya sa akin ang mga gamit at may shoe box pang kasama.
"May nagpapaabot lang ng shoes." She said.
"Thank you po, Tita." Kinuha ko ang mga gamit kay Tita Kaye.
"Hindi ko alam kung paano ka nakakatagal, Trevor."
"Saan po?" Nagtatakang tanong ko.
"Na hindi ligawan si Brook kahit gusto mo." Sagot niya habang pinipigilan ang ngiti.
Pamangkin ni Tita Kaye si Brook dahil asawa siya ni Tito Angel na kapatid naman ni Tita Diane.
"Bagay pa naman kayo." Tuluyan ng ngumiti si Tita Kaye.
Pumasok sa library si Rome at Zoey kaya hindi na ako inusisa ni Tita Kaye tungkol kay Brook.
"Hello...bakit ngayon lang ulit kita nakita? Nagtatago ka pa rin kay Mang Tonyo?" Tanong ni Zoey sa akin. Kasunod niya ang dalawang pamangkin ko na biglang yumakap sa magkabila kong mga hita.
"Tito Trevor... punta tayo sa perya." Yaya ni B.
"Bukas." I replied.
"Pwamis?" That was A.
"Oo...Bitaw na kayo, madadapa tayong tatlo."
Hilina isa-isa ni Zoey ang mga anak niya.
"Sige na...takbo na." Sabi niya. Iniwan ko si Zoey na hawak hawak sa damit ang mga anak na nanlalabang makakawala.
Hindi ko nakita maghapon si Brook. Halos mag-aalas siete nang tawagin ako ni London para bumaba sa sala. Malapit na raw kaming umalis. Nasa sala na si Romeat Tito Tristan ng bumaba kami ni London.
"Ang tagal talaga ng mga babae." Reklamo ni London.
"Kakaunting oras ka lang maghihintay, nagrereklamo ka na agad." Sagot ng daddy nila.
Nadinig namin si Tita Diane bago namin makitang pababa sa hagdanan. Kausap niya si Zoey pero wala pa si Brook. Napakaganda ng kapatid ko sa suot nitong itim na gown.
Zoey smiled at me when she saw me down stairs.
"So handsome naman this brother of mine." Sabi niya ng tuluyan siyang makababasa hagdanan.
Rome automatically put his hand on my sisters back."Let's go?" Tanong ni Tita Diane.
"Si...Brook po?" Bigla ko tuloy naitanong.
And at that moment nagtao po si Lance sa pintuan. At dahil nakabukas ang front door, pinapasok na siya agad nila Tita Diane.
"Good evening po Tito,Tita. Susunduin ko lang po si Brook." Sabi niya.
What the fuck?!
"Mom...are we going?"
Napatingin ako sa itaas ng hagdanan, and Brook is there. Looking beautiful inher gold gown. Nasa isang side ang buhok niyang kinulot. Kitang-kita ang leeg niya sa bandang kanan. Her neck... I always admire how perfect her neck is.
Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdanan. She look like a goddess decending from her thrown. She gave a small smile at me when she reach the bottom of the stairs. Ngayon ko napansin ang ear cuff na suot niya sa kanang tenga. Her left ear was hidden by her hair.
"Hi Brook." Bati ni Lance.
Napatingin si Brook sa kanya.
"Hi..." Alanganing bati ni Brook.
"Shall we?" Tanong ni Lance sa kanya.
Napatingin si Brook sa akin.
"Sige na Brook. Susunod naman kami." Sabi ni Tita Diane.
Walang nagawa si Brook kung hindi sumunod. But when her back is in front of me mahina akong napamura. She's wearing a backless gown and Lance put his hand at her back to guide her out.

BINABASA MO ANG
Can't Fight this Feeling (Completed)
RomantikTrevor has been inlove with Brook since he saw her during his volunteer work in Negros. Okay na sana, liligawan na nga sana nya after makagraduate but... anak si Brook ng Haciendera. And somehow naging ilag si Trevor sa dalaga. Ngayon, hindi lang n...