Chapter 31- From this Day

12K 361 19
                                    

Trevor

Kinabukasan, pagkatapos ibigay sa akin ni Gab at Kiro lahat ng gamit ko mula sa bahay ni lolo, nagpunta ako sa bahay ni Tita Diane.

Si Tito Tristan ang nagbukas ng pintuan.

"Oh, Trevor. Tulog pa si Brook." Sabi niya. 

"Ahhh... hindi po si Brook ang gusto kong makausap Tito. Kayo po sana ni Tita Diane." 

"Hali ka...Pasok ka. Nasa likod si Diane." 

Sumunod ako kay Tito Tristan. Gising na si London at kasamang kumakain ni Tita sa likod bahay.

"Uy pre... tulog pa yung syota mo." Sabi ni London. Napakamot ako ng ulo. Ang open ni Brook sa family niya.

"Upo ka Trevor. London, kuha mo ng coffee si Trevor." Utos ni Tita Diane kay London.

Naiwan kaming tatlo ng sumunod sa utos si London.

"Ayan, umalis na ang chismoso. Ano ang sasabihin mo sa amin?" Tanong ni Tito Tristan.

Saan ba ako magsisimula?

"Tito, Tita... unahin ko po na magsorry sa mga nangyari. Nadamay pa po kayo sa gulo sa pamilya namin." Sabi ko. Nakakaunawa namang tumango si Tita Diane. 

"Marami rin pong salamat sa tulong at tiwala."

I clear my throat... Kinakabahan ako. 

"Gusto ko rin po sanang magpaalam sa inyo na liligawan ko si Brook."

"Eh, akala ko kayo na." Sabi ni Tita Diane. 

Natatawang bumalik si London sa upuan niya at nilapag ang coffee sa harapan ko. 

"Sabi ni Brook kagabi...kayo na raw." Sabi ni London.

Napakamot na naman ako sa ulo. 

"May chance ka pang tumakbo Trevor. Ma-uunder ka lang ni Brook." Sabi ni London. 

"Tumigil ka nga demunyo ka..." Kinurot ni Tita Diane si London sa tenga nito.

Natatawang umiling si Tito Tristan. "Huwag mo lang sasaktan, Trevor. Nag-iisa kong anak na babae si Brook."

Napabuga ako ng hininga. 

"Opo Tito." Sagot ko.

Nagkukwentuhan kami tungkol sa binalita nila Gab at Kiro na walang tao sa bahay ni Lolo sa Batangas maliban sa mga kasambahay. Naka-empake na nga daw ang mga gamit ko. Lahat ng gamit ko pati mga diploma na nakaframe pa ay pinadala lahat. Bumaba si Brook ng nakapanjama pa at nakataas ang buhok na mukhang hindi nagsuklay.

Umupo siya sa tabi ni London at nagsalin ng coffee nang mapatingin siya sa akin. Nanlaki ang mata niya at nagtatakbo papasok sa bahay nila. 

"Bakit hindi niyo sinabing nandito si Trevor?" Sigaw niya habang patakbo papuntang itaas.


Alam mo yung pakiramdam ng proud ka sa kasama mo at vinavalue niya kung ano ka? Iyon si Brook. Hindi niya ako tinitingnan na mas mababa ako sa kanya. Kahit, let's face it, ang yaman niya. May sarili siyang hacienda.

"Ano ang gagawin natin dito?" Tanong ko kay Brook ng magyaya siya sa mall. 

"May bibilin kasi ako." Sabi niya.

Hindi ko alam na mahilig sa art si Brook dahil dinala niya ako sa art supply store. Para akong bata ng makita ko ang mga acrylic paint... mga brush... mga iba't- ibang klase ng papel.

"Pili ka na." Sabi niya. 

Napatingin ako sa kanya. 

"Di ba sabi mo, ang gusto mo talagang gawin ay magpinta. So here we are... bumili ka, pumili ka ng gusto mong kulay. Malaya kang gawin ang mga bagay na pinagdamot sayo ng lolo mo."

Kung hindi lang nakakhiyang umiyak, baka umiyak na ako.

"Alam mo bang mahal ka?" 

Ngumiti si Brook. 

"Kinikilig ako...kaya I love you too." Sabi niya sa akin. Pinagtitinginan kami ng mga nasa store dahil nagngingitian kami sa gitna ng aisle ng mga pintura. Ang cheesy... pero haay... mahal ko talaga siya.

My mom left her money to me when she died. I have money but not a lot. Pero napamahal na rin sa akin ang profession ko. Gusto kong mag-pedia. Gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan kong volunteer works.

At dahil importante sa akin ang opinion ng girlfriend ko... Hindi na daw kasi niya kailangan na ligawan... kaya kami na... I asked for her opinion.

"Brook, ano sa palagay mo kung mag-aral ulit ako? Gusto kong mag-pedia." Sabi ko sa kanya. Nasa Soledad kaming dalawa dahil kakatapos pa lang ng shift ko sa Vicente. 

"What's keeping you from doing it?" Tanong niya. 

"Kailangan ko kasing bitawan pansamantala ang Vicente para makapag-aral ako." 

"Mom will understand." Sabi niya.

"Saka... gusto kong ipagpatuloy ang volunteer works." 

Tumango si Brook. 

"After kong makagraduate, gusto kong magtayo ng non-profit hospital." 

Ngumiti si Brook. 

"Gusto mo bang tulungan kitang maipatayo ang hospital? I know some people na pwedeng magdonate?" She said.

Dati, isang malaking panaginip ang pangarap ko na iyon. Pero noong nakasama ko si Brook, bakit lahat possible?

"Pero bago ko maipatayo ang hospital gusto kong may asawa na ako at pamilya." Nawala ang ngiti ni Brook.

May tauhan bang nakakakita sa amin dito sa veranda?

"Brook... Matagal na kitang minamahal sa malayo. At sa sobrang tagal, ayaw ko ng pahabain pa na hindi kita makasama. Alam kong madami akong pangarap pero gusto kong malaman mo na nasa itaas ka ng mga pangarap na iyon. Mula ngayon, gusto kong nasa tabi kita sa bawat pag-abot ko sa mga pangarap na iyon. Hindi na ako takot dahil alam kong kasama kitang lalaban."

Napatakip si Brook ng kamay sa bibig niya ng lumuhod ako.

"Will you marry me?" Itinaas ko ang singsing na bigay ni mommy sa akin. Singsing na binili niya para sa sarili niya huwag lamang siyang mapahiya na walang amor sa kanya ang pinakasalan niya.

Ang sabi ni mommy, ibigay ko raw sa tunay kong mahal. Kaya ngayon, binibigay ko na kay Brook.

"Yes... Yes..." Sigaw ni Brook.

Isinuot ko ang sing-sing kay Brook. Perfect... just like her.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon