Trevor
"Oo... kaya humanda ang mga karibal ko sayo." Sagot niya.
Nagmamadali siyang iniwan ako at sumama sa mga tao para sa susunod na game.
"Yun naman pala... Sa tingin ko may gusto rin si Brook sayo." Nagsalita sa gilid ko si Zoey.
"Lagi ka na lang sumusulpot sa kung saan." Sabi ko sa kanya.
"Huwag mong pinaghihintay ang babae. Dapat nga ikaw ang nanliligaw eh." Hinampas niya ang balikat ko at nakinood na sa susunod na palaro.
Pumasok sa perimeter fence si Violet, Sakura, Mia at Brook. Kasama nila ang tig-isang bata na kakampi nila.
"Doc, nangangagat ba ang baboy?" Tanong ni Violet sa akin.
Napailing na lang ako. Seryoso ba ang mga ito?
Binigyan sila ang tig-isang tali. Kailangan nilang maitali ang isang biik na pinakawalan na sa kulungan.
Kinuha ko ang phone ko at nilagay ko sa video. Tawa kami nang tawa dahil nadudulas sila dahil sinadyang gawing maputik ang kulungan.
"I can't move." Natatawang nanghihingi ng saklolo si Mia dahil nalubak ang paa niya sa isang maputik na bahagi.
"Go Brook..." Sigaw ko ng mapadaan sa harap ko si Brook.
Ngumiti siya sa akin bago tumakbo ulit at hinabol ang biik.
Napagod ang apat na babae sa kakahabol sa biik. Bandang huli, nakaupo na lang sila sa gitna ng putikan at hinayaan ang apat na bata ang manghabol.
"Senyorita, talo tayo." Mukmok ng kakampi ni Brook. Naiiyak ito sa inis.
"Pambili ko sana ng bike yun eh." Tuluyan ng umiyak ang bata.
"Bibili na lang kita ng bike." Sabi ni Brook sa kanya.
Kahit puro putik ang mukha ng bata, nakuha nitong ngumiti. "Pangako yan ah?"
Tumango si Brook.
"Senyorita, may putik ka sa pisngi." Tawag ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at inalis ko ang putik sa pisngi niya.
"Amoy baboy ka pati." Biro ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako at sumunod sa mga kaibigan para lumabas ng kulungan. Nagbasaan sila sa nakaready na mga balde ng tubig.
"Brad..." Napatingin ako kay London nang tapikin niya ang balikat ko. Tumango siya sa grupo nila Brook na nagsasabuhayan ng tubig.
"Ano balak mo?" Seryosong tanong ni London sa akin. "Nakikita ko ang mga panakaw mong tingin kay Brook."
Hindi ako nakaimik.
"Kung hindi mo siya gusto... ako mismo ang magbabawal sa kanya sa mga ginagawa niya." Ngumisi si London sa akin.
"Ayaw ko siyang madamay sa gulo ng pamilya ka." I answered truthfully.
"Hindi naman kita huhusgahan dahil sa gulo ng pamilya mo. Hindi ko rin naman kayo pagbabawalan na dalawa. Ang sa akin lang, huwag masasaktan si Brook ng ikaw mismo ang may gawa."
Tinapik ulit ako ni London bago umalis.
"Goodluck nga pala. Nagsanib pwersa na ang magtotropa..." London salutes me before he runs towards his friends.
Naghahabulan sila Brook na parang bata nang bigla itong madulas sa damuhan. Tumatawang nilapitan siya nila Violet pero hindi tinulungang tumayo.
"Brook... Okay ka lang?" Lumapit ako sa kanila at tinulungan siya.
"Okay lang." Nahihiyang sagot niya.
"May galos yang tuhod mo."
Naiwan kami ni Brook sa basang damuhan.
"Kaya mong lumakad?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Oo naman." Sagot niya.
"Doon tayo. Gagamutin ko yang sugat mo."
"Maliit na bagay lang yan." Sagot nito.
"Kung ma-infection? Maliit na bagay pa ba sayo?"
Ngumisi siya at sinunod ako. Pumunta kami sa mga bakanteng bleacher sa plaza. Basang basa ang damit ni Brook at nakabakat ang sports bra niya.
"Lagi kang may dalang first aid kit sa bulsa mo?" Manghang tanong niya sa akin ng umupo ako sa harapan niya at tiningnan ang tuhod na ngdudugo.
"Ngayon lang." Sagot ko.
Napangiwi si Brook ng nilagyan ko ng hydrogen peroxide ang sugat niya. Hindi naman masyadong mahapdi ito pero hinipan ko na lang din ang sugat niya.
"Nagsabuyan kayo ng tubig tapos malinaw yang suot mo."
Pinatong ni Brook ang baba niya sa kamay at itinukod niya ito sa tuhod na walang sugat.
"Hindi ko alam na conservative ka, Doc." Sagot niya.
I gave her my huwag-kang-pasaway look. Pero as always, tumawa lang siya.
"Sabi mo kasi amoy baboy ako eh." Ako pa ang sinisi.
Nilagyan ko ng ointment ang sugat niya at plaster para hindi mapasukan ng dumi.
"Sino ba kasi ang may sabing sumali ka sa habulang baboy? May lubid na binigay sayo, hindi nyo ginamit."
Tumawa siya. "Mas masarap manghabol ng baboy kaya."
"Uy! Tapos na kayo?" Tanong ni Xykie sa amin. "Tag of war na Doc. Gusto mong sumali?"
"Okay ka na bakla? Ilang palaka ang nahuli mo?" Tumatawang tanong ni Xykie bago tumakbo pabalik sa mga palaro.
Nilahad ko ang kamay ko kay Brook at hilina siya para makatayo.
"Bilisan nyo." Sigaw ni Xykie sa amin.
"Heto na..." Sigaw ni Brook. "Mga istorbo sa moment." She murmured habang pabalik kami.
Hinati lang sa dalawang group ang tag of war... kampi kami ng group 3. Group 1 and 2 naman ang magkakampi. Mga lalaki lang ang kasali sa tag of war. Naghubaran na ng mga t-shirt ang mga kasali.
"Ay wow... " nadinig kong comment ni Violet.
Nakaupo sila nila Brook sa damuhan ngayon. Yung tuyong damo naman.
Binigay ko kay Brook ang t-shirt ko.
"Isuot mo yan." Utos ko sa kanya.
Tumatawa siyang isinuot ang t-shirt ko.
"Yung santolan..." Nadinig kong sabi ni Sakura.
"Ha?" Tanong ko sa kanila.
Bigla silang umiling lahat.
"Ano yun?" I asked them. Mabilis na umiling si Brook at kagat kagat ang labi.
"Naghahanap kasi kami ng santol kaninang umaga." Sabi ni Xykie.
"Ahhh...hindi panahon ng santol ngayon." I replied.
"Akala namin santol ang nakita namin kanina." Sagot ni Violet.
Nagtakip ng mukha si Brook at pinigilang tumawa. Anong kalokohan ng mga ito?
"Baka mabolo ang nakita nyo." I said... Nagsimula na akong maglakad papunta sa mga kagroup ko.
"Doc, mabuhok ba ang mabolo?" Tanong ni Sakura.
Tapos nagtawanan sila. Mabuhok ang mabolo? I narrowed my eyes to them. Prutas pa ba ang sinasabi ng mga ito?
————————
A/N
Manang mana ka sa tatay mo, Sakura!!! 😂😂😂
BINABASA MO ANG
Can't Fight this Feeling (Completed)
RomanceTrevor has been inlove with Brook since he saw her during his volunteer work in Negros. Okay na sana, liligawan na nga sana nya after makagraduate but... anak si Brook ng Haciendera. And somehow naging ilag si Trevor sa dalaga. Ngayon, hindi lang n...