Chapter 12- Palarong Pambasag

10.5K 364 6
                                    

Brook

"Nice move." Nagulat ako kay Kuya London ng magsalita ito sa likuran ko.
Naiwan kami nila Violet, Sakura, Xykie, Ate Zoey at ako sa sala. 

"Ano ang sinasabi mo diyan?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Nakakaasar sya kung ngumisi.

"Alam mo Brook, kung bumakod ka, akala mo si Kuya Rome ka eh." Sabi niya sabay tawa nang binato ko siya ng throw pillow. Nakita kong napangiti si Ate Zoey.

"Eliminate Tanya...check. Galing nyo talagang apat, taba ng utak nyo." Tinuro niya kaming apat na magkakaibigan. Tumawa na ng tuluyan si Ate Zoey. Naghagikgikan ang tatlo kong kasabwat.

"May pa-flowers at chocolate pa kayo." Dagdag ni Kuya London. 

"Next time, ipapatapon ko na lang si Mang Tonyo sa Mindanao kung hindi siya madadaan sa chocolate." Nabubwisit na sagot ko. Tumawa si Kuya London.

"Bakit kaya hindi nyo pa kunchabahin si Ate Zoey para full force kayo? Sister oh." Binato pabalik ni Kuya London ang throw pillow na binato ko sa kanya kanina bago umalis.

"Why not?" Sabi ni Ate Zoey. Nagtago ako sa likod ng throw pillow dahil nagtawanan na silang apat. "Tutal matigas naman ang ulo ni Kuya... pikutin na natin siya." Sabi pa ni Ate Zoey. 

"Waaahhhhh..." Sigaw ko sa unan.

Shemattt...nakakahiya. Sira-ulong si Kuya London, nahahalata pala ako.

"Ate Zoey, are you in or out?" Tanong ni Sakura sa kanya. 

"In syempre. Let me know how I can help." Sagot ni Ate Zoey.

Kulay kamatis ako nang alisin ko ang unan na nakatakip sa mukha ko.


After ng lunch, dumating ang mga Titos and Titas, kasama nga si Kiro na sobrang ikinakilig ni Sakura. Mga bandang alas dos naman nagpunta na kami sa mini plaza, dito sa loob ng hacienda, para sa taunang mga palaro. Usually, groupings ang mga palaro at may price ang mananalo.

Paos na ang emcee sa kakasigaw na magsiayos na ang mga kasali dahil nakigulo kami. Kagrupo namin ang ibang mga bata sa hacienda... nakabuo kami ng apat na grupo.

Ang unang palaro... basagan ng palayok. May lamang mga barya ang palayok at playmoney na may pirma ni mommy. Ipapapalit ang play money depende sa makukuha mo sa accounting office. Mga bata lang ang pwedeng umagaw sa nabasag na palayok. And ang team members lang ang aagaw. Kung sino ang makabasag ng palayok, may points sa group. Apat ang palayok, tig-isa sa bawat group at isang beses lang dapat paluin. Kaya kapag hindi nabasag, walang points ang group nyo, wala pang maagaw ang mga bata na kasama nyo sa group.

"Brook, okay ka lang?" Tanong ni Trevor sa akin. Kagroup ko siya. Kasama ko si Xykie sa grupo.

"Kinakabahan ako. Si Kuya Gab ang papalo sa unang group." I said. 

Natawa si Trevor. "It's just a game." 

"Nakikita mo ba ang mga kalaban natin? Sa tingin mo, game lang yan? Serious ang mga yan." Tinuro ko ang mga kalaban namin.

Piniringan si Kuya Gab... pinaikot ng limang beses at hinayaan siyang nakatayo. Hindi muna gumalaw si Kuya Gab. Ano ang ginagawa niya? Cool na cool siyang nakatayo dala ang baseball bat.

Dahan dahan siyang lumakad. Nagche-cheer ang mga kakampi ni Kuya Gab... Nakalapit na siya sa palayok.

"Brook...okay lang yan. Mag-enjoy ka lang." Sabi ni Trevor. Nagdadasal na pala ako sa tabi niya.

"Knights sya eh... Ano ang laban natin diyan? Kahit nakapiring pa yan, alam nya kung saan pupunta." I made face na ikinatawa ni Trevor.

Hinampas ni Kuya Gab ng walang kahirap hirap ang palayok. Nabasag ito at nagtakbuhan ang mga bata sa grupo nila para mamulot ng pera.

Sunod na piniringan si Kiro. Pinaikot siya ng limang beses. Tapos deretsong naglakad lang si Kiro papunta sa palayok at hinampas...basag.

Sunod si Ate Jack... anak ng beke, isa pang Knights. Lumakad lang din siya ng deretso at hinampas ang palayok.

"Bakla... ikaw na. Kapag hindi mo nabasag yan..." Inuga-uga ko si Xykie. 

"Ako pa?" Mayabang na tanong ni Xykie.

"Uy Shadow... baka ipahiya mo ang grupo nyo ah." Tukso ni Kuya Gab kay Xykie. 

"Huh! Watch me mga Knights..." Pagyayabang ni Xykie.

Nakatitig si Xykie sa nag-iisang palayok bago siya piringan. 

"Papaluwalan mo yan kapag hindi mo nabasag." I told her. 

Tumawa ang mga kaibigan namin sa ibang group.

Pinaikot si Xykie ng limang beses. Ang bakla, lumakad lang ng dalawang hakbang.

Napakapit ako sa braso ni Trevor. Si Xykie hindi gumagalaw. 

"Xykie, ano hinihintay mo? Banda?" Sigaw ko sa kanya. 

Nakatayo lang talaga siya. Natatawa si Trevor sa akin. Napahigpit lalo ang hawak ko nang itaas ni Xykie ang bat... Ang layo niya sa palayok.

"Putaragis ka...malayo ka pa." Sigaw ko habang sumisigaw ang mga kagroup ko ng huwag.

Napapatalon ako sa inis sa tabi ni Trevor. Hinawakan niya ako sa balikat para tumigil sa paggalaw.

Bumuwelo si Xykie at ibinato ang bat. At sinundan namin ng tingin ang bat na lumipad sa hangin. Tumama ito sa palayok at nabasag.

"Sugodddd..." Sigaw ng mga bata sa group namin.

Napatingin si Xykie sa akin at sa kamay kong nakakapit pa din kay Trevor at saka kumindat. Nahihiya tuloy akong bumitaw. 

"Show off 'tong baklang 'to." I murmured. 

"Ganyan ka pala ka competitive, ano?" Nakangising tanong ni Trevor. Niloloko nya ba ako?

Tumango ako sa kanya. "Oo... kaya humanda ang mga karibal ko sayo." I replied. 

Tapos iniwan ko siyang nakatanga sa sinabi ko.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon