Tanging Pag-ibig (Untold lovestory)

15.4K 362 72
                                    

Excited si Morris na nagmaneho ng van papunta sa bahay nila Tanya dala ang flowers, teddy bear at toblerone & on & on...

"Excusez-moi." Hinintuan ni Morris ang mga tauhan na naglalakad. 

"Where can I find Meng Thonyo's house?" Tanong ni Morris.

Napatulala ang mga tauhan. Kasi naman si Morris, kay arteng manalita.

"Ha?" 

"Meng Thonyo." Ulit ni Morris.

"Ah...Bahay ni Mang Tonyo? Doon." Sagot ng tauhan sabay turo sa daan.

Kahit hindi naintindihan ni Morris, sinundan niya ang daan na itinuro ng mga tauhan.

Inunat- unat ni Morris ang damit niya ng bumaba siya ng van sa tapay ng bahay ni Mang Tonyo. 

"Hellor." Kumatok si Morris sa pintuan dala ang mga anik-anik niya sa panliligaw.

Si Mang Tonyo ang nagbukas ng pintuan. 

"Wat... you... wat you... gawa...here?" tanong ni Mang Tonyo. Nakapawemang ito kay Morris. 

"Meng Thonyo, I am looking for Tanya." Sagot ni Morris. 

"Wala." Masungit na sagot ni Mang Tonyo na syempre hindi naintindihan ni Morris.

"Tay...sino yan?" Tanong ni Tanya mula sa loob ng bahay. 

"Huwag kang lalabas." Sagot ni Mang Tonyo sa anak.

Si Aling Ana ang lumabas ng bahay at nakita niya si Morris na may dalang chocolate. 

"Pasok." Sabi ni Aling Ana. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pintuan at binatukan si Mang Tonyo ng hindi ito umalis sa gitna ng dadaanan.

Naupo si Morris sa sala. Tinutukan siya ng dalawang electric fan ni Aling Ana dahil nagsisimula na itong pawisan. Lumabas si Tanya sa kwarto at nagningning ang mukha ni Morris.

"Tanya, as beautiful as your name. I give you these flowers as a sign of my pure intention to you. Teddy bear so you can have someone to hug everynight and chocolates so you will know how sweet it is to see you smile." Sabi ni Morris.

Naks naman Morris...

Nahihiyang tinanggap ni Tanya ang mga regalo ni Morris... Ang pito naman niyang kapatid ay masama na ang tingin sa chocolate. Nagtatalo na sila kung ilang triangle ang kukuhanin nila sa toblerone & on & on...

"Tanya... sabihin mo kay Morris umuwi na at matutulog na ako." Sabi ni Mang Tonyo at naglatag ng banig sa sala.

Napanganga si Morris sa nilalatag ni Mang Tonyo.

"Tay... Alas nueve pa lang ng umaga." Sabi ni Tanya sa tatay niya. 

"Eh bakit ba? Inaantok na ako." Pilosopong sagot ni Mang Tonyo.

"Tonyo.... Damoho ka." Nakita ni Aling Ana ang asawa at pinapalo ito ng syanse. 

"Nakakhiya sa bisita at naglatag ka diyan ng baneg."

At dahil chismis is life sa hacienda, marahil ay nakarating kay Don-Don ang balita ng panliligaw ni Morris kaya nagpunta ito sa bahay nila Mang Tonyo na bagong paligo at may dalang bulaklak...ng kalabasa.

"Magandang araw po Aling Ana, Mang Tonyo. Maganda ka pa sa umaga Tanya. Bulaklak ng kalabasa para luminaw ang iyong mga mata." Inabot ni Don-Don na kapatid ni Tin-Tin na anak ni Meng-Meng at Pong-Pong na pamangkin ni Pol-Pol, ang bulaklak ng kalabasang hawak.(Wew ang haba ng intro kay Don-Don)

Masama ang tingin ng pitong kapatid ni Tanya sa bulaklak ng kalabasa. Palagi na kasi nilang ulam sa gabi ito. Mukhang iyon na naman ang ulam nila mamaya dahil sa bigay ni Don-Don. Pahamak si Don-don. Huwag tutularan.

Masama rin ang tingin ni Don-Don kay Morris.

"Morris this is Don-Don, Don, siya si Morris." Pagpapakilala ni Tanya.
Taas noong tumango si Morris kay Don-Don.

"Ano ang trabaho mo, Morris?" Tanong ni Aling Ana. 

"What is your work?" Taga translate si Tanya sa usapang ito. 

"I work for Henry Lightwood, Earl of Riverlfield as a butler." Proud na sagot ni Morris.

Tumango naman si Aling Ana... Maasim naman ang mukha ni Mang Tonyo.

"I am responsible for the whole household of Riverfield Manor. The whole house staff listened to my instructions and I am the direct person that can talk to Lord Henry and the future Lady of the House, Lady Xykie." Mahabang paliwanag ni Morris.

"I am also close to the Royal Prince of Cordonia. The palace is spectacular Tanya... I want you to see it. The Princess... Oh... Princess Jacqueline is my best buddy and also the Duke of Stanford, Lord Lucas, and his future wife, Lady Violet... They are my best friends." Hahaha nilabas na ang lahat ng BFF ni Morris na royal blood.

Nakangiti namang tumatango-tango si Aling Ana at ang pitong kapatid ni Tanya.

"Ikaw Don-Don, saan ang biyahe mo bukas?" Tanong ni Mang Tonyo. Napakamot ng ulo si Don-Don. 

"Pahinga po Mang Tonyo." Sagot ni Don-Don.

At dahil may pa-royal blood ng nilabas ni Morris, nalipat na sa kanya ang pabor ni Aling Ana. Syempre... sinabi ba naman ni Morris na dadalin si Tanya sa palasyo. Bongga si Morris.

Hindi naman nilinaw ni Morris kung pasyal ang gagawin nila sa palasyo ni Tanya.

Bandang tanghalian ng umalis si Don-Don na bigo. Hindi niya nakuha samasustansyang gulay ang pag-ibig ni Tanya.

Iba talaga ang label na FOREIGNER ang boyfriend. Sikat na si Tanya sa buong hacienda. At proud na proud si Aling Ana.

May chance na yatang mapunta sa Cordonia si Mang Tonyo. Abangan na lang natinnext time.

Can't Fight this Feeling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon