Trevor
"Oh... Hi Georgina." Sabi ni Brook ng isang metro na lang ang layo niya sa amin.
"Kukuhanin ko lang ang pilit mong inaagaw sa akin." Sabi niya sabay tingin sa akin.
"Hindi ka invited dito." Sabi ni Georgina. Bumabaon talaga ang mga kuko niya. Tulungan ko na kaya si Brook at suntukin ko na si Georgina? Kaya lang I have my oath... as a Doctor. Damn that oath.
Luminga-linga sa paligid si Brook. Sino ang hinahanap nito?. "Georgina... pakihanap ang pakialam ko sayo. Nawawala siya."
Hahaha... Nawawala ng kaunti ang kaba ko. Sino ang kasama ni Brook? Hesusmaryosep santisima.
"What are you doing here?" Galit na tanong ni Governor. Pinigilan ako ni Georgina ng magtangka akong umalis.
"She will die." Bulong niya sa akin.
"Ops... Gov... Stop." Itinaas ni Brook ang isang kamay niya. "May laser ka sa noo. Isang hakbang pa may coffee party at pacarpet na pula sa bahay nyo mamaya."
Napatingin ako sa pinanggagalingan ng laser at kampanteng nakaupo si Gab sa isang table habang may baril na hawak. Ngumisi siya sa akin ng nakita niya akong nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanya.
"Ano ang kailangan mong babae ka?" Tanong naman ni lolo.
"Lo, hello. Magmamano sana ako sayo kaya lang ayaw mo nga pala sa mga Romualdez." Sagot ni Brook.
"Yung laser mo nga pala nasa likod. In case lang hindi mo alam." Dagdag niya pa.
Napahinto sa paghakbang si lolo. Si Kiro ay nakaupo sa bandang likod ng backdrop. Sino pa ang nandito na hindi ko alam?
"Hinahanap mo ba ang mga boduguards mo? Tulog silang lahat. Nasobrahan sa kaning tutong." Tuya ni Brook.
Sino pa ang nandito? Natingin ako sa mga bisita. Si Xykie tumatawa sa isang table na malapit sa exit. Kumaway pa siya sa akin ng madako ang paningin ko sa kanya.
"Georgina... naalala mo ba ang kitkat na kinuha mo noong elementary tayo? Naawa nga ako sayo noon dahil kitkat lang kinuha mo pa sa iba. Hindi ka ba mahal ng mama mo?"
Bahagya akong natawa. Nawala na ang aking kaba. Planado nila ito. Kailangan ko lang magtiwala. Napansin ko din na mayroong earpiece si Brook. Hinanap ko pa ang mga familiar na mukha ng Country Club. Si Tita Lise, naka-cross arm sa tabi ng videographer at mukhang tumatawa na din sa nangyayari.
"Kaya pinabayaan ko na sayo ang chocolate. Pero girl, hindi finders keepers ang labanan ngayon dito. Hindi bulate si Trevor, the early birds gets the worm... ganon?" Sarcastic sa sabi ni Brook.
Masama na ang tingin ni Georgina kay Brook. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero mukhang may sugat na ako sa braso dahil sa talim ng kuko niya.
"Oh...I forgot... bago nyo pa maipost ang eksena ko. Close nga pala ang Globe at Smart." Pumitik si Brook at biglang nawala ang mga ilaw sa cellphone screen. Takang-taka sila kung ano ang nangyari.
"Now, nasaan na tayo, Georgina? Ahhhh..." Nilahad ni Brook ang kamay niya. "Akin na ang boyfriend ko."
Georgina hissed at her.
"Hindi mo siya boyfriend. Ako ang mahal niya." Sabi niya.
Bigla akong napatingin sa kanya."Hibang ka ba?" Nagcross arm si Brook at umiismid-ismid.
"Gusto mong ipatukhang kita? Sumobra ka na sa kakainject ng Likas Papaya. Nagkulang na ng nutrients ang utak mo." Sabi niya.
Tumawa ako ng walang sound. Ang hirap pigilan sa totoo lang. Pero mukhang mahaba pa ang litany ni Brook.
BINABASA MO ANG
Can't Fight this Feeling (Completed)
RomanceTrevor has been inlove with Brook since he saw her during his volunteer work in Negros. Okay na sana, liligawan na nga sana nya after makagraduate but... anak si Brook ng Haciendera. And somehow naging ilag si Trevor sa dalaga. Ngayon, hindi lang n...