Unedited.....
-
-
-
-Four months later.....
"Hon,when are you coming back here?"
"Honey, very soon I just want to make sure na okey na si Papa,bago ako bumalik ng Pinas."
"Okey gotta go, magstart na ang meeting in 10minutes, take care."
"Honey, please do understand Dad is sick I cannot just leave him alone, I love you take care too."
"Okey I love you too and I miss you so much."
Agad na tumayo si Wyner sa kanyang swivel chair sa loob ng kanyang opisina, it's been four months mula ng umalis si Andrea ng Pilipinas after the result of her CPA exam, isa na itong Certified Public Accountant, kasabay noon ay ang pagkakaratay ng ama nito dahil na stroke ito, kaya no choice ang dalaga kundi ang lumipad pabalik ng US, ang balak niyang pagpropose dito ay naudlot dahil sa nangyari.
Kunot ang noo na lumabas siya ng opisina ng marinig niya ang ingay sa labas, balak niyang sitahin ang sekretarya niyang daig pa si Melai Cantiveros sa kadaldalan,ilang hakbang na lang ang layo niya sa mga ito nang bigla siyang natigilan ng makita kung sino ang naroroon.
"Bojie!? What the hell are you doing here?"
"Wow! Sir Fontana."mapang-asar nitong sagot at sinipat siya nito mula ulo hanggang paa."Boss na Boss ang datin lalo na ang iyong salamin."
"Gago! What brought you here? Kailan mo pa naisipan umapak ng Pinas at iwan ang puting buhangin?"
"Well, hiwalay na kami ni Chanelle."
"So and then?"
"Dito muna ako, and don't ask how I found you. I ask your Andrea."
"Okey anong magagawa ko, alangan naman itaboy kita, I have a meeting, here's the key sa bahay, I'll call Mang Poldo to take you home! Bahala ka nang magluto doon, wala akong stock!"
"Pahinging pera wala akong cash, binigyan lang ako ni Andrea ng 2k,ang kuripot talaga ng babaeng iyon."
"Hoy! Mahirap kitain ang pera! Palibhasa di ka nagtatatrabaho."tugon niya sa kaibiganam at kinuha ang wallet."here wala din akong cash, credit card ko yan pahatid ko na lang mamaya ang cash kapag naka-withdraw ako."
"Ako na lang mag-withdraw."
"Ulol mo! Ubusin mo pa pera ko! Lakad na wag ka ng mag-sight seeing dito, mga may asawa na yan sila lahat."
"Ay Ser grabe ka ha, ako ay dalagang-dalaga pa walang sabit."hirit ni Myrna ang kanyang sekretarya.
"And so? Sa palagay mo magugustuhan ka niyan? Paiyakin ka lang niyan!"
''Ganoon ba ako kasama atsaka,hindi naman ako nagpunta dito para palitan si Chanelle, tingnan ko lang kung susundan niya ako dito at kapag ginawa niya yun, mauuna pa akong ikasal kesa sayo."
Natahimik si Wyner sa sinabi ng kaibigan, nasapol siya nito kaya naman mabilis niya itong iniwan kasabay ng pagtawag ng kanyang Ama.
"See you at home bro."sigaw ni Bojie.
Sa loob ng conference room ay tahimik na nakikinig si Wyner sa ipinapaliwanag ng kanyang ama tungkol sa bagong packaging ng tabaco na i-export nila sa Mexico.
"Any more idea?"tanong ni Wade.
"It should be well sealed Sir and around the packaging dapat buhay na buhay ang pangalan ng produkto natin."