Unedited
*
"
*
"Napakunot ang noo ni Wyner ng makapasok sa loob ng bahay, it's all dark! Kaya naman padaskol niyang kinapa ang switch ng ilaw at ng lumatag ang liwanag ay kasabay ng malakas na sigaw na nagpalingon sa kanya.
"Happy Birthday!!
"What the hell."bigkas ni Wyner ng makita ang mga bumati sa kanya, na taliwas sa kanyang iniisip that no one remember his birthday when he turned his back to see his wife."honey?"bigkas niya na nagtatanong ang mga mata.
"Happy Birthday hon, akala mo siguro walang nakaalala, OA ha."nakangiting sabi ni Andrea at binigyan ng isang mabilis na halik at yakap ang asawa.
"Well akala ko talaga, nakalimutan na ng lahat lalo ka na, it's really surprise me."
"Well, lahat ng ito ay gawa ng asawa mo. Happy birthday son."
"Thank you Mom, wala yata akong gift?"biro niya sa ina.
"Well, ayaw ni Andrea eh, special daw ang gift niya sayo kaya ayaw niyang malamangan."
"Wow! Well Im excited about it,honey."
"Hahaha, save it for later, baka mahimatay ka."
Maganang nagsalo-salo ang buong pamilya ng mga Fontana, maging ang Ama ni Andrea ay nakigulo sa mga ito at hindi pinayagan ni Wyner na umalis para bumalik ng US.
"Papa, stay until sunday please."malambing na sambing ni Andrea sa ama.
"Pero anak, I cannot alam mo naman na kailangan na ako doon.''
"Papa, sige na naman! Sige ka magtatampo talaga ako sayo."hirit niya kaya naman walang nagawa ang kanyang ama kundi ang sundin ang gusto niya.
Matapos ang kanilang masaganang pananghalian ay nagpaalam sandali si Andrea para kunin ang regalong sinasabi niya sa asawa. Ang pagbaba niya sa hagdan pabalik sa garden ay napahinto ng matanaw ang papasok na si Angelica na malapad ang ngiti sa kanya.
"Hi Andrea, where is Eli?"
"Nasa garden,anong ginagawa mo dito?"kunot noo niyang tanong dito dahil hindi naman niya ito inimbita.
"Alam mo gusto ko na sanang magtampo sayo,birthday ngaun ni Eli pero you did'nt invite me, I thought we're okey now Andie?"
"Hindi ba kita na-invite? Well alam ko naman na kahit hindi ka invite you'll come right, sabi mo nga okey na tayo di ba? So you can come naman here, sa mga okasyon lang."
"Oh that's great so I'll go ahead na."
"Okey, you can go."nakanginti niyang tugon dito, ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ay wala pa rin siyang tiwala kay Angelica.
"Ate, ayaw ko diyan sa babaeng iyan."ang narinig niyang sabi ng isa sa kasambahay nila Wyner sa Mansion ng mga ito.
"Bakit Elma?"
"Naku ate! Bata pa ako alam ko, pero sa mga titig niya kay Kuya Wyner kakaiba! Malagkit parang magnet! Sarap pitikin ng mata!"