Unedited
"Chanelle, what the fuck!?"bulalas ni Wyner sapo ang panga na tinamaan ng kamao ng kaibigan.
"Walanghiya ka! I trust you na aalagaan mo ang bestfriend ko pero ano ang ginawa mong gago ka ha!"
"Chanelle you have no idea what is going on! Ouch!"
"Oh really Im not stupid as you! Alam mo ba na ikaw na ang taong matalino na, pinakabobo kong nakilala! Remember this magsisi ka sa ginawa mo kay Andrea at I will pray na hindi ka sana niya patawarin!"mariing bigkas ni Chanelle at walang lingon na iniwanan siya.
Pakiramdam ni Wyner ay lalo siyang nahilo sa suntok at mga binitiwang salita ni Chanelle. Chanelle is Andrea's bestfriend, isa itong blackbelter sa University nila kaya naman may kinalagyan ang panga niya sa suntok nito, alalay siya ng isang guard sa nasabing bar patungo sa kanyang kotse ng biruin siya nito.
"Boss ang lakas manapak ng babaeng iyon ah! Chicks mo din po ba iyon?"
"Gago! Bestfriend ng Misis ko!"
"Aww Sir, zip mouth ako may kasalanan ka malamang kaya ka sinugod dito."
Napabuntong hininga si Wyner sa sinabi ng guard kasabay ng pagtungo.
"Naku Sir mukhang mabigat ang dinadala nyo, sige po mauna na ako. Pasensya na po."
"No! It's okey, mabigat nga at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin."
"Sir, handa akong makinig kung hindi mo mamasamain. Tutal tapos na rin naman po ang duty ko."
"Salamat, come with me."aya ni Wyner sa guard na halos mag iisang taon na rin niyang kilala, mula ng maghiwalay sila ni Andrea, ay naging tirahan niya ang bar kung saan ito nagtatrabaho. Humantong sila sa isang tahimik na restaurant.
"Sir, ang mahal naman po yata dito."
"Okey lang pareho tayong walang matinong pagkain sa tyan."
Nang makapasok sila sa restaurant na 24 hours na open ay pinili ni Wyner na pumuwesto sila sa di gaanong matao at agad silang umorder ng pagkain.
"Salamat Sir, ang dami po nito."
"Kain lang, binata ka ba?"
"Maniwala ka ba na binatang ama ako Sir."
"Ha? Talaga! Paano I mean paano mo nagagawa, sumasapat ba ang sweldo mo sa pagiging guard?"
"Pinagkakasya Sir, kambal anak ko eh."
"Ahm asan ang asawa mo."
"Wala na po Sir."malungkot nitomg tugon.
"Sumama sa ibang lalaki?"
"Parang ganun na nga Sir, pero hindi ako galit sa kanya Sir mahal ko eh."
"Sumama sa iba pero hindi ka galit sa kanya, tapos mahal mo pa rin? Your incredible."
"Sir, iba iba po kasi tayo ng pananaw sa buhay, ako kasi Sir mahal na mahal ko ang mga anak ko at asawa ko, tinanggap kong iniwan niya kami kahit napakahirap kinakaya ko para sa mga anak ko, Eh kayo po?"