XX1

2.8K 193 59
                                    

Unedited......




Nangangatog ang buong katawan ni Andrea na nakahandusay sa sahig,naging mahina ang resistensya niya mula ng magbuntis siya at kahit pa halos doon na siya lumaki sa US ay hindi niya kinakaya ang lamig doon kaya nga pinipilit niya ang ama na tuwing winter ay nauwi siya ng Pinas.





"Pa."bigkas ni Andrea kasabay ng pagpatak ng luha at tuluyan na siyang nawalan ng malay.




Mabilis na binuhat ni Mr.Elligre ang anak habang walang hinto ang pagsigaw kay Wyner na tila napako sa pagkakaupo , hindi niya makuhang tumingin kay Elma na walang pasubaling pumasok sa kwarto nila at kinuha ang ilang personal na gamit ni Andrea.




"Magsisi ka ng malaki Sir Wyner! Mahal na mahal ka ni ate, hindi mo deserve ang pagmamahal ng isang Andrea Elligre!"




Samantala....



"Balae!?"gulat na bigkas ni Ellaine ng masalubong ang Ama ni Andrea."what are you doing here? Kailan ka pa sa Pinas?"




Seryosong tiningnan ni Me.Elligre si Ellaine may galit at sakit na mababanaag sa kanyang mga mata na ikinakunot ng kanyang kaharap.





"May problema ba?"





"Hindi ko tatanungin kung anong klase kayong magulang dahil napatunayan kong isa kayong mabuti tao, ang tanong ko lang how's Wyner be cruel with my only daughter?!"





"My son is a good man, balae!"




"Since when?noong hindi pa niya napapa-oo ang anak ko! At ngaun lumabas ang pagiging ugali niyang demonyo!"




"Pak!



Malakas na sampal ang iginawad ni Ellaine sa ama ni Andrea."wala kang karapatan salitaan ang anak ko ng ganyan! I raised him well! Lumaki siyang kasama ako mula sa una niya paghakbang at pagsasalita! Kaya alam kong mabuting tao ang anak ko!"





"Alam kong masakit bilang isang magulang na makarinig ng kung anong masasakit na salita patungkol sa kanyang anak! Pero ito lang ang masasabi ko Mrs. Fontana! Nagkakamali ka ng pagkakakilala sa anak mong walang puso! At walang kwentang asawa sa anak ko!Binabawi ko na ang anak ko mula sainyo.!"






Nasundan ng tingin ni Ellaine ang ama ni Andrea, napasugod siya sa hospital dahil sa biglaan pag-taas ng dugo ng kanyang Ama, at ganun na lang gulat niya ng makita ang Ama ni Andrea, she needs to find out what is going on.




Agad siyang dumiretso sa bahay ng mag-asawang Andrea at Wyner, madilim pa ng mga oras na iyon dahil mag-a-alas kwatro pa lang ng umaga, sunod-sunod na doorbell ang ginawa niya para magising ang guard na bantay sa may gate ng mga ito.




"Señora magandang umaga po, pasensya na po at di ko na po napigilan ang antok."hinging paumanhin ng guard na si David.





"It's okey nasaan ang mga amo mo?"




"Si Ma'am Andrea po isinugod sa inyong hospital kaninang madaling araw."





"Bakit anong nangyari!?"




"Wala po akong ideya Señora."




"Asan ang Sir mo!?"





"Nasa loob po."





Daig pa ang may pakpak ang paa ni Ellaine na agad narating ang loob ng bahay ng mag-asawa, tila isa siyang miyembro ng isang squad na mabilis inilibot ang panigin para hanapin ang target, agad na nagsalubong ang kanyang dalawang kilay ng makita ang anak na may hawak na bote ng alak.





In Your Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon