Unedited.......
-
-
-Maagap na nasalo ng guard si Andrea kaya naman laking pasalamat ni Elma na hindi ito bumagsak sa semento. "Umalis ka na Angelica at wag na wag ka ng babalik pa sa pamamahay ko! Dahil hindi lang yan ang aabutin mo!"
"Im not scared with you! And think of this Andrea, you should learn now how to leave without Eli, and his wealth! Hindi mo deserve ang mamuhay ng marangya! Hindi bagay sayo!"
"You can tell what ever you want but, you cannot dictate what I have to do and not! Ikaw ang dapat mag aral na ilugar ang sarili sa tamang lugar! Sinasabi ko na nga ba, at lahat ng pagbabait-baitan mo ay pakitang tao lang! Jeffrey, alisin nyo ang babaeng ito sa harapan ko at wag na wag nyo ng papasukin pa yan dito."
"You did'nt know me yet Andrea!"
"Hell I care about you!"
"Opo Ma'am!
"Ate okey ka lang ba?"tanong ni Elma ng makalabas ng gate si Angelica matapos itong kaladkarin ng dalawang guard.
"Oo Elma, please tulungan nyo akong iakyat si Wyner sa kwarto namin, and Elma dalahan mo ako ng warm water at small towel."
Matapos pagtulungan iakyat si Wyner sa kanilang kwarto ay agad na inalis ni Andrea ang sapatos ng asawa, naghanda siya ng pantulog nito habang hinihintay si Elma.
"Thank you Elma, after half an hour dalahan mo ako ng gatas please."
Isa-isang inalis ni Andrea ang kasuotan ng asawa matapos ma-i-locked ang pinto pagkalabas ni Elma, tahimik niyang pinunasan ang buo nitong katawan ng maligamgam na tubig, hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha at haplusin ang pisngi ng asawa matapos niya itong bihisan.
"Mahal na mahal kita, why do we have to reach this point Wyner, kailanman hindi pumasok sa isip ko ang lokohin ka, makinig ka naman sa'kin."bulong niya dito kasabay ng pag-garalgal ng boses niya, bahagya siyang yumukod para halikan ang labi ng asawa ng bahagyang magmulat ito at magtama ang paningin nila ay tila tinarakan ng kutsilyo ang puso niya sa nakitang kirot sa mga mata ng asawa at ng bahagya itong pumaling para hindi tumama ang labi niya sa labi nito ay mariin niyang nakagat ang pang-ibaba niyang labi para pigilan ang paghikbi. Andrea did'nt know how she manage herself to get up and cover herself in the other side of the bed. Ito na yata ang pinaka-malamig na gabi para sa kanya. Nakatulugan niya ang pag-iyak at ng magising siya kinabukasan ay agad niyang sinipat ang asawa sa kanyang tabi ngunit wala na ito. Pinakiramdaman niya ang sarili at paligid, she's alone, all alone.
"Elma, good morning."bati niya kay Elma makalipas ang isang oras ay ipinasya niyang bumaba matapos hamigin ang sarili.
"Good morning ate, mag almusal ka na ate nakahanda na ang prutas mo at gatas."
"Si Wyner?"
"Ay maagang umalis ate, at nagbilin na sa opisina na siya maglunch kaya wag ka na daw magluto."
"O-okey Elma salamat, sa backyard ako kakain please."
Naawang sinundan ni Elma ng tingin si Andrea, kung may maitutulong lang sana siya dito ay ginawa na niya pero wala, wala naman siyang alam na dahilan para matulungan ito. Kitang-kita niya ang pagpunas nito ng luha ng maramdaman ang presensya niya.
"Salamat Elma, and please if someone came or call tell them Im out of the house, ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino."
"Okey ate nasa kusina lang ako, magluto ako ng sinigang na baboy para sa lunch mo."