XIV

2.7K 159 19
                                    

Unedited....

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Andrea sa  dalaga."salamat Angelica, huwag kang mag-alala, alam ko kung paano ko iingatan ang asawa ko, specially this day's dahil alam kong ang mga ahas ngaun ay hindi lang  gubat gumagala."

Kitang-kita ni Andrea ang galit na sumungaw sa mata ni Angelica, pilit na ngiti nag gumuhit sa labi nito, kaya naman bago pa siya maubos ang pasensya niya dito ay nilampasan na niya ito at nilapitan ang asawa.

"Hon, I want to rest now please, nakaka-toxic ang araw na ito, kadarating lang natin may humahamon agad sa pasensya ko."

Agad na niyakap ni Wyner ang asawa at binigyan ng halik sa noo, iginiya ito papasok sa kwarto niya, masuyong halik ang iginawad ni Wyner kay Andrea, halik na alam niyang papawi sa gumugulo sa isipan nito.

"Mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan."bulong niya dito."matulog muna tayo."bulong niya dito matapos ang halik na pinagsaluhan nila,siya na mismo ang nag-alis ng damit ng asawa at pinalitan iyon ng isang oversize t-shirt maging ang suot nitong sandals ay siya na rin ang nag-alis.

Pakiramdam ni Andrea ay nawala ang lahat ng inis na nararamdaman niya, ang bisig at halik ng asawa ay tila isang magnet na hinigop ang lahat ng pagod niya, mahigpit ang yakap nito sa kanya na tila takot itong mabitiwan siya kaya naman agad silang nakatulog ng mahimbing. Hindi na namalayan ni Andrea kung gaano kahaba ang naging tulog niya naalimpungatan na lang siya dahil sa masuyong mga halik sa kanyang pisngi at labi.

"Wake up my, sleepy wife."nakangiting bulong ni Wyner ng uminat ang asawa.

"Anong oras na hon?"

"9 in the evening."

"Oh my God! Nakakahiya kila Mommy."taranta niyang sabi kasabay ng mabilis na pagbangon."bakit ngaun mo lang ako ginising, nakakahiya naman sa kanila! Wyner Eli!"nanlalaki ang mga matang sita niya dito ng walang babalang hinila siya ng asawa paupo sa kandungan nito.

In Your Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon