XXX-5

3.7K 209 45
                                    

Unedited...





"Andrea?"






"Mom?"gulat na bigkas ni Andrea ng malingunan si Ellaine na bakas sa maganda nitong mukha ang pag-aalala."ano pong ginagawa nyo dito?"







"Anak I can explain later, can you take me to your husband please."







"Okey Mom, pero aalis din po agad ako gawa ng mga bata."







"Don't worry andun ang Daddy mo, halika na."






Habang lulan ng elevator ang magbyenan ay napailing si Ellaine bago hinawakan ang kamay ni Andrea.







"Totoo nga na ang mga Fontana ay magaling sa gandang lalaki at yaman ngunit kulang sa diskarte."







"Po?"





"Mula ng umalis kayo ng mga bata, sinikap namin ilihim ang lahat kay Wyner, gusto namin matuto siya sa kamalian niya and he did, he sold his cars para umupa ng mga private detective at ipinadala sa iba't-ibang bansa para hanapin kayo, but he failed dahil kay Wayne, he did everything para hindi kayo ma-trace lahat ng sasakyan ni Wyner your Dad bought it at umupa ng tao para lang iligaw ang mga detective na iyon. Nasaksihan ko kung paano ang naging epekto ng pagkawala mo sa kanya."







"Mom, naiintindihan ko po na masama ang loob nyo sakin.."






"No Andrea, In not, but wala na ba talaga chance para sa mga apo ko? Nakausap na ng Dad mo ang unang Doctor, it was really a big mistake na nagkapalit ng resulta ng test ang isa niyang pasyente at si Wyner at dahil doon nakulong siya sa Canada at iniwanan ng asawa niya, he has no one to contact us,his family leave him behind the bar, noong nalaman namin pabalik siya ng Pilipinas, plano na namin kasuhan siya pero nagulat kami na kaya pala siya pabalik ay dahil sa kaso niya, ang inupahan ng Dad mo na detective ay kinausap ng Doctor na iyon na huwag ipaalam na nakakulobg siya sa Canada para makauwi siya ng Pilipinas. And the second Doctor was Angelica's ex-live in partner na binayaran niya dahil baliw ito sa kanya. And now kaya ako narito dahil tinawagan ako ni kuya Brandon to warned you and Wyner about her."







Napalunok si Andrea sa tinuran ng byenan, kung ganun talagang pareho silang biktima ni Wyner ng mga kasinungalingan at pagkakamali na dinugtungan pa ng isang pagkakamali. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya kasabay ng pagbukas ng lift na kinaroroonan nilang magbyenan.






"Mommy, naguguluhan po ako."







"Alam ko anak, pero sana makapa mo sa puso ang pagpapatawad, hindi naman kita pipilitin na tanggapin mo agad at mahalin na muli ang anak ko pero sana kahit papaano bigyan mo siya ng pagkakataon kahit sa mga bata muna at kung talagang kayo, kayo pa rin hanggang sa huli."






"Mommy, ano po kasi...






"Andrea, pinagdaanan ko na rin iyan, at kung hindi ako nagkakamali alam kong may puwang pa rin ang anak ko sa puso mo, hayaan mo muna siyang paghirapan ka pero hayaan mo rin siyang makapiling ang mga bata, lalo si Cloud."






Tipid ang ngiting isinukli ni Andrea sa byenan, bago sila tuloyang pumasok sa kwartong kinaroroonan ni Wyner, agad siyang napahinto sa paghakbang ng  makita ang isang nurse na halos nakayakap kay Wyner habang nagpapalit ng benda nito sa tagiliran. At ng magawi ang paningin ni Wyner ay nakaramdam siya ng pagka-irita ng kindatan siya nito na tila nang aasar.






In Your Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon